Magtatapos na naman ang 2014, panibagong taon na naman ang kakaharapin ko. Bago ko isipin ang 2015 ko, babalikan ko muna ang lahat ng nangyari sa loob ng isang taon ko, maganda man o hindi ito.
Natutunan ko kasing kung ano ang hirap ng buhay kapag nagtatrabaho ka na, dahil ilang buwan din naman akong nagtrabaho sa PENSHOPPE - DASMA. Thankful ako sa lahatng nakatrabaho ko, dahil kung wala sila hindi ko matututunan lahat ng dapat kong malaman. Nagawa ko na magkaroon ng sobrang habang pasensya, dahil hindi naman talaga biro na maging sales staff ka, kung saan mag-aayos ka ng mga bagay-bagay sa store. Pero ang lahat naman ng iyon ay may naghihintay na kapalit. Masayang magtrabaho kasi kikita ka, pero nakakamiss ang pag-aaral.
Dito rin sa taon na ito, naranasan ko na ma-snatch yung gamit ko. Sa kabutihan ko kasi, nagbalik ako ng isang lisensya sa SM BACOOR. Habang pauwi naman ako, nakasakay ako sa jeep, na-snatch naman ang tablet ko. Pero may magandang nangyari naman, kahit na hindi ko na nakita yung tablet na yun. Nakikilala ko naman kasi ang isang tao na nagpapasaya sa akin.
Sa taon na din na ito, nakabalik ako sa school, 2nd year college, kaso probation. Grabeng ingat ko sa pag-aaral na dapat wala akong maibabagsak na subject dahil bawal iyon, kundi kick-out na ako. Pero thank God, wala akong bagsak! at nag-aaral pa din ako.
Naging bokalista din ako ng TUP Band, banda ito sa school kung saan ang mga members ay mga professor. Kinuha nila akong bokalista nila, ayun masaya naman sila kasama at mababait sila.
Sa taon din na ito, nakahanap ako ng totoong kaibigan, sina Kathleen , Nikki at si Topher. Sila din ang mga kagrupo ko sa Majors ko. Masaya sila kasama. Naranasan ko din gumawa ng robot kasama sila, although hindi kami umabot sa competition dahil nagkaproblema that day.Pero okay lang masaya pa din. Worth naman yung 3 days na walang tulog namin, dahil nakilala namin ng husto ang bawat isa.
Sa taon din na ito, pinahabaan ko pang lalo ang pasensya ko sa nakasagutan ko, ayaw ko kasi talagang makipag-away. Pero sila tong pilit na inaaway ako, kahit na nagagalit na yung kaibigan ko sa akin, wala lang sa akin. Kasi ng ang turo sa akin, "ang nararapat sa mga kaaway mo ay ngitian mo lang, sila lang naman din ang mapapagod sa ginagawa nila".
Dito rin sa taon na ito ang pinakamasakit, dahil ang taong sobrang pinagkatiwalaan ko, itinuring kong kapatid at best friend ko ang gumawa ng hindi maganda sa akin. Sobrang nasaktan ako sa ginawa niya, kaya hindi ko siya kayang patawarin at maging makita.
Pero ang higit sa lahat, alam ko na talaga kung ano ang gusto kong mangyari sa buhay ko, at kung ano ba talaga ang pangarap ko. At alam ko na kung ano ba talaga yung isang tao para sa akin. Kung ano ba ang dapat kong gawin upang ingatan siya at kung anong meron sa aming dalawa. Alam ko na sa sarili ko na MAHAL ko na siya, kahit na alam kong hindi muna pwede. Pero alam kong dadating ang araw na kakayanin ko na siyang ipaglaban, hindi naman dahil sa kung anu-ano, kundi dahil sa trabaho niya, ay hindi maganda sa mga taong nasa paligid ko. Siya ay isang alagad ng batas at ang nasa paligid ko ay magulong lugar.
Haysss.. Basta ako ngayon, looking forward na for my 2015 !!!!