Thursday, 29 January 2015

Entry (01/29/2015)

Naranasan niyo nabang iwanan ng taong nagsabi sa inyo na nandyan siya sa iyong tabi anuman ang mangyari, hindi ka niya iiwan? Yung bang nagsabi na kahit anong mangyari, nasa tabi mo lang siya? Yung bang iinitindihin ka niya, at hindi ka huhusgahan? Ako kasi, oo. 


Akala ko kasi tutuparin nila yung pangako nila. Hirap kasi sa akin, alam ko na na pinagkakaisahan ako, hinahayaan ko lang. Akala ko totoo sila yun pala hindi. Akala ko okay na, yun pala hindi.


Mahirap umasa lalo na kung pinapaasa ka lang pala. Ang drama ng buhay ko. Mas masaklap kung alam mo na na pinaaasa ka, pero patuloy ka pa rin umaasa, kay tanga naman talaga.


Sabi nila, masyado na daw akong mabait. Masyado daw kasi akong nagtitiwala sa tao. Masyado ko daw hinahayaan lalo na kung tinuring ko ng kaibigan ko. Masyado na daw akong inaabuso. Kaya ang labas minsan ako pa ang masama. Wala naman akong magagawa , kasi ito ang kinasanayan ko. 


Hayss, bagsakan na po ako ng langit at lupa, oh puhlease. Sana naman makasurvive na ako sa bonggang test ni Lord sa akin. 

Saturday, 24 January 2015

Entry (01/24/2015)

Yung gigising ka sa umaga, na may sasampal sayong isang katotohanan. Ang sakit po nun mga tao! Pilit ko man takasan, wala pa rin palang kawala. BUHAY TALAGA NAMAN! Bakit ba kasi kailangan ganito nalang lagi. Bakit nga ba kasi sinasarili ko ang nararamdaman ko? Natatakot kasi ako na sa maling tao ko na naman ipagkatiwala yung nararamdaman ko. 


Noon pa man ganito na ako, nasanay na akong kinimkim ang lahat. Ayoko kasing ako nga ang naabuso, ako pa lalabas na masama. Siguro nasanay na din ako sa laging pinapaalala sa akin na, gawan ng mabuti ang mga taong hindi naging mabuti sa iyo. Tanga ako nuh?


Tanggap ko naman na tanga ako, masyado daw ako nagpapaabuso. Wala ii, parang normal na lang sa akin na masaktan ako ng sa akin nalang. Minsan gusto ko na sumabog, kasi hirap na hirap na ko ee. Kaya ayun naiyak na naman kanina. HAYSSSSKakapagod na talaga.

Thursday, 22 January 2015

Entry 01/22/15

May mga tao talaga sa mundong ito na napakaTIBAY nga naman talaga. Yung kung makapagdemand akala mo kung sino. Anak ka ng PATIS , sino ka po para sundin ko? HELLo po sayo! Ano ka po nanalo sa LOTTO? at ako ang PREMYO? LOLs! Sorry po mga taong pilit na nagbabasa ng mga kung anu-anong bagay sa pahinang ito. Naasar lang kasi ako, nagiging maldita tuloy ako ng wala sa oras. Buti nga nakokontrol ko pa kung pagkaasar ko, kundi, nako po nakasakit na naman ako ng emosyon ng wala sa oras. HAYSSS bakit ba lagi nalang akong naiistress. MY GOSH! kakaloka na ito aa.. Dami-dami naman ng tao, WHY ME? OF ALL PEOPLE, WHY ME? potek makapag-emote lang wagas. ee BLOG ko namana to ee.. JOURNAL ko to, so WALANG BASAGAN ng TRIP. Tsaka pakelam ko ba sa inyo nuh, ano kayo? important of all important? Syempre hindi, bakit CLOSE po ba tayo? Syempre HINDI! Letche lang naman kasi. Ayos din kasi ng buhay mga pre, ha? Baka masaksihan niyo ang pagiging bitch mode ko.. Sige kayo, bahala kayo.. 

*EVIL *

Monday, 12 January 2015

Konting Tiis Lang - Entry (01/12/15)

Actully mahirap pa rin talagang mag-adjust ulit. Although sanay naman na ako ng ganito. Sa hindi ko ba naman alam na dahilan ay hindi pa ako natuto. Ang garang buhay nga naman oh.


Marami ng nagtataka kung bakit, pero hinahayaan ko na lamang. Ayoko na kasi pag-usapan pa. Buti nalang talaga may mga bagay akong pwedeng paglabasan ng sama ng loob. Hayssss ang buhay ng naman parang life. 


Ang gusto ko lang mangyari, ay maisip nila yung pagkakamali nila. Dahil mula sa umpisa mali ang ginawa nila. Mali din na diktahan nila ang matagal ko ng kaibigan para lang layuan ako. For what? Why? Insecurities? The hell! Bakit di kaya sila kumuha ng booster, para maboost yung self confident nila. haysss.. PAti ako napeperwisyo sa kanila. Hindi ko namna dapat isipin ang mga ganung bagay. Relax oh my brain. RELAX ka naman muna, kahit saglit lang. 


Matatapos din ito, ilang buwan na lang naman. Tiis nalang.

Tuesday, 6 January 2015

"FAKERS" - Entry (01/07/15)

Sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon, alam niyo ba kung bakit? Dahil po iyan sa mga taong, hindi ko maintindihan kung ano bang problema nila sa akin. Wala naman akong ginagawa, nananahimik na nga ako, kung anu-ano pang sasabihin nila. Kung alam lang nila yung nararamdaman ko. Gusto ko na sumabog kanina at sabihin sa kanila kung ano bang problema nila sa akin. Napaka-mapagkunwari na kasi ng pakitungo nila sa akin. Tinanggap ko sila na walang sinasabi, pero ganito yung pakitungo nila? Napaka-childish. Sana diba sabihin ng diretso sa akin. Hindi ee. Lumalabas ako ng classroom, diretso ako sa restroom kasi umiiyak na talaga ako, ang sakit na kasi sa dibdib, na wala naman akong ginagawa sa kanila. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Laslas pulso nalang!

How Can You Tell That Your Friend is Not Your Real Friend?

Photo from: http://www.wikihow.com/images/c/cb/Stop-Saying-I-Don%27t-Know-Step-1.jpg

Monday, 5 January 2015

Stress kasi ako! Entry (01/06/15)

Hindi ko malaman kung sino bang nag-isip ng pagpapahirap sa sakayan sa TALABA. Nakakaasar lang kasi, sobrang tagal bago ka makakasakay ng jeep pauwi. Tapos napakalayo pa ng U-TURN! Inayos-ayos pa ang daanan, hindi naman ginagamit, ano po iyon? Display? May intersections nga, mali nga naman ang pagkakalagay, pero sana ginagamit. Pero ayun nga pag pinadadaanan iyo, may taong nagtatrapik, hindi naman maayos, walang kasiste-sistema. Anak naman ng TOKWANG MAY PATIS. Ayusin naman ang buhay niyo oh. 


Tapos mapapansin mo pa napakaraming mahilig mangotong ng mangotong doon, at parang balewala na sa lahat ng driver ng jeep yung mga ginagawa ng traffic enforcer dun. Hayssss, sorry po PEOPLE of the PHILIPPINES, ako po ay tao lamang, may mata na nakakakita, may tenga na nakaririnig, bibig na nakapagsasalita at kamay na nakapagtatype ng lahat ng ito. Blog ko po ito, wala po tayong pakelamanan; naiistress kasi ako kaya ganito. 

Imbes kasi na nakauwi na agad ako kagabi, hindi agad nakasakay! MGA PAMBIHIRA nga naman kung mag-isip, hindi man lang isipin kung anong mangyayari. SOBRANG TRAPIK PA! ANO YAN? EDSA? TOKWA talaga. Kung hindi ka aalis ng ubod ng aga sa bahay, malelate ka talaga sa mga pupuntahan mo, sa sobrang trapik.


Nako naman po, 2015 na po.

Entry 01/05/15 (Back to School after Christmas Break)

Unang araw ng pasok para sa 2015, aba syempre naman napaka-aga ko gumising; mga dalawang beses nag-alarm yung cellphone ko. Ang saya diba?


Anyway, pumasok kao ng pagka-aga, 6:30am nasa school na ko, kasi nga 7am nga yung klase ko, tapos WALA PALANG PROF.!! THE "F" diba? Anong oras yung next class ko 12pm pa.. NGA NGA naman si AKO mga people of the PHILIPPINES. Pero ganoon pa man, nagpunta nalang kaming LUNETA. Ganoon pa din, NGA NGA naman ulit si AKO. Asan ang pangtanggal BORING? Omeyghed.


Pagdating ng 12pm, NGA NGA ulit. Waley wenta, waley natutununa, waley tinuro. Nakakaloka na talaga.


Pero infairness, bumawi naman last subject ko, ayun masaya naman. Kahit papano okay naman.


Yung mga imbyernang fishy na mukhang frogiduck, syempre waley na ko pakelam sa kanila, 2015 na noh! So bahala na sila mainis sa GANDA KO! !!

Sunday, 4 January 2015

Entry 01/04/15

Dito nalang ako maglalabas, :(


Sa totoo lang nalulungkot ako, kasi naisip ko lang, mahal nga namin ang isa't isa hindi naman kami pwedeng magkasama ng kahit isang buong araw lang sana. Gusto ko kasing makasama siya, makabonding. Ang daming bagay na gusto kong sabihin sa kanya, madami akong kwento sa kanya. Paano? walang time ee. 

Naiinitindihan ko naman siya, dahil syempre may trabaho siya at commited siya sa trabaho niya. May time pa rin naman siya sa akin, pinakamatagal na ata ay dalawang oras sa nagkasama kami. Pero okay lang naman kasi, naappreciate ko yung paggawa niya ng time para makapagkita kami. Malungkot lang ako, kasi gusto ko siyang makadate, gusto kong magdate kami, kahit isang araw lang na wala siyang iniintindi kundi kaming dalawa lang. Kasi ako, gagawa ako ng paraan, para ibakante lang ang araw na iyon. makasama lang siya. Ganoon ko siya kamahal. 


Mahal na mahal.