Its been a month since nag-kaayos kami ni Mi***, okay na naman kami sa relasyon namin. Mas lalo kami naging sweet sa isa't - isa. Andun pa rin yun minsan naiinis ako sa kanya. I love him more enough para hindi ko gawin yung mga bagay na alam kong makakasira sa amin. Lahat ng bagay na dapat ko sabihin sa kanya sinasabi ko. Ayokong maglihim sa kanya, ayokong gawin kung ano man yung nagawa niya sa akin noon na naglihim din sya. Gusto ko magtagal yung relationshio namin. Ang bilis ng panahon, dahil parang kailan lang tinuturuan niya pa ako umattack sa COC, tapos ngayon marunong na ako. Hahahahha , kidding parang noon lang sinabi ko sa kanya na wag ako, pero ngayon kami na. Masaya ako na nagkaayos kami.
Sana lang talaga nababasa niya yung blogs ko, para alam niya kung ano tumatakbo sa isip ko minsan. Hindi ako yung tipo ng babae na laging sasabihan yung boyfriend na ang gwapo niya. Hell I care! I'll never do that thing, kasi alam kong yung mga babaeng lumalandi sa kanya yun din ang sinasabi at gusto naman niya. I'm possessive, what's mine only mine. Ayoko ng may kaagaw sa kanya, selosa ako, short tempered, mataray pero mahal ko naman siya.
Lagi niya sinasabi sa akin na ang taray at masungit daw ako sa phone, medyo lang naman ee. Sa personal hindi naman daw ako ganoon, sobrang ibang iba daw. Natatawa nalang ako. I love those time na matutulog ako na boses niya yung maririnig ko na kumakanta. Nakakasanayan ko na yung kinakantahan niya ako para makatulog na. I love all about him, I love those efforts na ginagawa niya kahit yung pagkanta niya, hindi ko na iniisip kung wala sa tono, pero ang sarap pakinggan ng boses niya, minsan gusto ko lang magsalita siya ng magsalita o kumanta nlang siya ng kumanta. Am I baliw? Maybe. But I don't care.
Yung yakap niya I feel secured, unti-unti na akong nakakabangon sa trauma ko, and that's the good thing. Sana magtuloy-tuloy pa ito. May mga time pa din naman na bigla ko nalang naaalala ang lahat ng takot ko at naiiyak ako, pero nawawala naman lahat ng takot ko because of him.
All I want lang naman ay sana hindi ako nagkamali sa kanya. I don't want him to shout on me no get mad that might be hurt me physically and emotionally. I'm too weak for it. Lalo na ngayon, I really don't know whats my health condition. Years ago, my doctor said that I have high cardiac rate. My heart keeps beating so fast even I don't feel anything like nervous, mad, sadness, happiness, just even when I'm relaxed and just do nothing. Minsan nararamdaman ko na hindi na ako makahinga ng maayos dahil naninikip yung dibdib ko everytime I breath, umiiyak nalang ako sa sakit, matagal ko ng alam na ganito ang mangyayari sa akin dahil sa nakaraan ko, na walang tao ang nakakaalam. Oo, minsan friendly ako, pero private akong tao. Lahat ng sakit na nararamdaman ko, itinatago ko lang, wala akong balak sabihin, dahil una sa lahat, sinong kakampi ko? Wala naman, lahat sila nilayuan ako, lahat sila sinaktan, nilait at siniraan ako. Lahat yun hindi ko pinansin, hindi ako gumanti, pinilit ko ang sarili ko na wala akong nararamdaman na kahit ano, hanggang sa naipon na ang lahat ng emosyon, minsan hindi ko na kinakaya. Naalala ko noon may nagsabi sa akin, bakit hindi mo ilabas lahat ng nararamdaman mo, iiyak mo lahat isigaw mo lahat, na sa ginagawa ko magkakasakit ako, maraming namamatay sa ganitong gawain, maraming nagkakasakit sa puso, mukhang ito na nga talaga kapalaran ko. Pero hindi naman ako ganoon katanga para sumuko. Lalaban ako, ngayon pang alam kong may mga tao pa din nakakaalala sa akin.
Just a shoulder to cry on, yun nalang talaga so that I would never cry again everytime na maliligo ako just to hide my tears. O kaya bago matulog sa tuwing sumasagi sa isip ko lahat ng masakit na pinagdaanan ko. Sana makaya kong ibalik yung sigla ko. Sana talaga.