Mukang mapapadalas na naman ang pagtakbo ko sa pahinang ito. Bakit? Dahil sa aking nararamdaman. Oo, wala akong mapagsabihan, pero ano pa nga bang magagawa ko? Kahit siya ayaw nya akong kausapin. Ano ba ako? Hindi naman kasi nya ako mahal gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Lahat naman ginagawa ko. Pero patuloy mo akong sinasaktan.
Kagabi, mas lalo akong nagising sa katotohanang hindi mo nga talaga ako priority. Nagpunta ako sa inyo kasi gusto kita makita, monthsary nga natin diba? Nangako ka na naman na magkikita tayo, this time na aalis at magcecelebrate tayo, pero nadismaya ako ng sobra kasi hindi tayo natuloy kasi umalis ka din kahapon at gabi ka na makakauwi sabi mo. Okay lang, naiintindihan ko naman na may ibang bagay na dapat unahin kaysa sakin. Okay lang sakin iyon. Kaso nagPPM ako sayo nung gabi kung asan ka na, na magPM ka sakin pagnakauwi ka na at magkita nalang tayo kahit saglit lang. Kaso anong oras na nun, 8:32pm nagPM ako ulit na asan ka na, sumagot ka sabi mo asa bahay ka, 7pm ka nakauwi. Tapos ako, naasar na, isang oras kalahati ka na nasa inyo, pero di mo man lang magawang magPM. Dahilan mo nagpahinga ka, isang PM lang naman, ano bang nakakapagod doon. So sabi ko puntahan nalang kita sa bahay niyo kasi andon ka naman.
Nagpunta ako, pero nakita kita nasa shop ka, sabi mo nasa bahay ka. Sinungaling ka, hindi mo kayang masabi sakin ng totoo. So ako tahimik lang habang ikaw hindi mo na naman ako pinapansin. Masama ang loob ko, pero tinatatagan ko. Nagout ka sa shop, nagpunta tayo sa inyo, tapos dedma lang, nanuod ka lang ng anime. Wala hindi mo man lang ako napapansin, yung bigat ng nararamdaman ko. Hanggang sa nagCR ako, doon ako umiyak, inilabas ko yung iyak ko, ayoko pakita sayo, hanggang sa sobrang bigat na, nanikip yung dibdib ko, naghanap ako ng gamot ko, pero wala pala akong dala. Nagpapanic na ako, hindi ko alam gagawin ko, sobrang sakit ng dibdib ko, ilang days ko na kasi nararamdaman yung pananakit nun. Sumobra pa kagabi gawa ng pagiyak at sama ng loob ko. Nung bumalik ako kung nasaan ka, sabi mo ang putla ko, oo masama pakiramdam ko, idagdag mo pa buong maghapon wala akong kinakain. Sabi mo umuwi na ako, sabi ko saglit lang, sige ka pa ng sige, halos itaboy mo na ako, kulang nalang kaladkarin mo ko palabas ng bahay niyo. NagCR ako ulit, umiyak ako ng umiyak, hanggang sa nanginginig na yung katawan ko kasi inaatake na ako ng sakit ko. Kala ko magcocollapse ako, ayoko magcollapse. Nakakatakot yung huling sinugod ako sa hospital, ayoko doon. Ayokong uminom ng maraming gamot, hindi na nga ako nagmmaintain ng gamot ee. Pagod na pagod na ako. Hinahayaan na lang nga kita sa kung anong ginagawa mo , kahit nasasaktan na ako ee, kasi ayokong mag-isip ng kung ano ano. Kasi bawal sakin iyon.
Kung may nangyaring masama sakin sa daan kagabi, hinding hindi kita mapapatawad. Hindi hindi talaga. Hahayaan mo lang ako sa ganung sitwasyon. Lalaki ka ba? Magpakalalaki ka, lagi kang tumatakbo. Responsibilidad mo ako that time kasi ikaw ang kasama ko. Pero ipinaramdam mo sakin yung pakiramdam na mamamatay nalang ako ng walang kalaban-laban.
Ayoko na, nagawa ko na ang lahat, suko na ako.
Pero bakit ganon mahal pa din kita!