Hi blogger. Alam ko ikaw lang muna masasandalan ko. Lagi naman ee, hindi mo ako iniiwan. Alam ko naman kasalanan ko kung bakit nagalit si Love sakin. Dapat sinabi ko agad sa kanya na 2 days na ako hindi nakakainom ng gamot ko.
Hindi ko nga pala nasabi na galing akong ospital Sept 5-9 andoon ako nakaconfine. Sinumpong na naman kasi ako ng sakit ko sa puso, hindi ako makahinga ng ayos. 3 days namna akong nakaoxygen . Nakakapagod na doon, ayoko na bumalik doon. Ang daming gamot na pinaiinom. Sa totoo lang napapagod na ako uminom ng uminom ng gamot. Pakiramdam ko kasi ang hina-hina ko. Sabi ng doktor ko, may singaw daw sa heart ko kaya nagbaback flow yung oxygen and blood sa heart ko kaya masakit at nahihilo ako and anything na nararamdaman ko. Natakot ako, na baka lumala yung sakin ko, Ayokong mawala, ayokong iwan yung taong mahal ko. Aaminin ko nagtangka ako magpakamatay noon pero narealized ko na dapat akong mabuhay. Ang hirap . Napakawalang kwenta ko kasi ang hina ko. I feel so hopeless. I feel so alone.
Sa bahay lagi nalang sila nagagalit sa akin, minsan hindi ko na alam kung saan ko ilulugar sarili ko. Yung pakiramdam na ang dami kong gustong sabihin sa kanila pero hindi ko magawa kasi ramdam ko yung takot sa tuwing iisipin ko palang magsalita. Ang dami kong gustong aminin at sabihin sa kanila. Gusto kong aminin sa kanila yung dinadala kong hirap, yung bangungot na nangyari sa akin gusto kong malaman nila. Gusto king sabihin yung mga pinagdaanan ko, pero paano? wala akong lakas ng loob. Hindi ko alam kung paano ko gagawin iyon.
Tapos uuwi ako minsan, sasabihan ako ng kung ano-ano kahit san ako galing kahit sa school, work minsan kay nila Love. Ilang beses na akong nasabihan ng kahiya-hiya ako pero tiniis ko lang, sinabihan na ding walang kwenta at walang utak at higit sa lahat walang mararating sa buhay. Nahusgahan ng sariling pamilya, mga dating kaibigan at minahal. Gusto lang naman na may isang taong maniwala sakin, na may isang taong susuporta sakin, na may isang taong nandyan para pakinggan lahat ng drama ko sa buhay. Hindi ko kaya mag-isa, akala ko noon, okay lang na mag isa ako. Ayos lang kahit wala akong kasama, na isipin nilang lahat na hindi ako nag-eexist noon, pero narealized ko na hindi pala pwedeng ganoon lagi. Haaaaysss
Balik tayo sa kwento ko, nagalit sakin si Love nang aminin ko na hindi ako nakakainom ng gamot, Nagsabi naman ako sa bahay na wala na akong gamot, pero dedma lang naman sila,
PS:
Sorry Love, Sorry kung nilihim ko sayo, Sorry kung late ko na nasabi sayo, gusto ko naman na sabihin sayo kaso di ko magawa kasi alam ko magagalit ka. Sorry love, I love you so much.