I love Drama and I am Dramatic. If you don't want to read my problems then don't. Just leave.
Saturday, 29 July 2017
Saturday, 22 July 2017
Entry 7/22/2017
Lagi ka nalang napapagod sakin. Hindi ko na alam gagawin ko. Pabigat na ko sayo. Ang sakit sakit love, gusto ko tiisin lahat ng sakit. Pinipilit ko lang ba tong relasyon natin? Ako nalang ba may gusto nito? So kahit pala magkababy tayo iiwan mo din ako siguro kasi pagod ka na. Hindi ko alam kung may tama pa ba akong ginagawa sa mata mo. Ayokong magopen sa friends ko ng problem ko. Na may gantong nangyayari sa atin.. Kasi alam nila sobrang saya natin sa isat isa. Nahihiya ako. Alam nila kung gaano kita kagusto. Kung gaano kita kamahal. Kaya ang sakit sakit sakit love.. d ko matanggap .. minsan ang unfair mo.. minsan sobra ka na. Minsan gusto ko sabihin na teka lang masyado ka na mahigpit sakin.. na parang wala ka na tiwala sakin. Ha ha ha ha ang sakit sakit love ko. Hindi ko alam kung san ako lulugar sayo ha ha ha ha ha.. kailangan ko ba maging perfect para sayo? Para d ka na magalit. Kailangan ba tahimik lang ako, di ako maingay, di ako makulit para di ka magalit sakin? Dapat ba maging loner nalang ako sa school para d ka magalit? Kaya ko naman gawin ee para sayo gagawin ko. Kahit mag isa nalang ako kakayanin ko.. mahal na mahal kita love kung alam mo lang, sana alam mo yun.
Sorry love , sorry kung napapagod ka na, sorry kung pabigat na ko, sorry ..
Friday, 14 July 2017
Entry 7/14/2017
Feeling ko may problema na naman sa atin. Bakit ganun? Ayaw mo na ba sakin? Iiwan mo na ba ako? Parang lumalayo ka na naman sa akin. Sorry kung may nagawa man ako na di mo nagustuhan. Sorry sa lahat love. pero sana sabihin mo sakin kung may problema ka. Ang cold mo na naman sa akin. Nasasaktan na ko.
Thursday, 13 July 2017
Entry 7/13/2017
I don't know. Sobrang lungkot ko, hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Siguro nag-expect na naman ako ng hindi ko napapansin. Siguro inexpect ko na sana hindi kagaya ng ibang araw yung special day namin. Iniisip ko tuloy, wag nalang namin batiin ng monthsary ang isa't isa tutal it will turn like a normal day for us then magkakainisan lang. I don't know. baka nagiging immature lang ako or sensitive or something.
Subscribe to:
Posts (Atom)