Wednesday, 18 April 2018

Entry 4/18/2018

Image result for depression
https://i.pinimg.com/originals/96/83/68/96836855f80345e7da326af368f323f3.jpg


Sabi ko na nga ba magbabago ka kapag umalis ka. Mararamdaman mo na naman na hindi ka na masaya sakin. Ito yung kinatatakutan kong mangyari, yung maiwan akong mag isa dito na umaasa sayo. Yung iiwan mo ko dahil sa hindi ka na masaya dahil malayo ka. Paano naman yung nararamdaman ko? May pakelam ka ba sa kung ano mang mararamdaman ko?? Alam mong mabilis akong masaktan love. 

Bigla kang manlalamig sakin tapos ako nandito ako sa ospital, nawawalan na ako ng pag-asa ang tagal ko na dito! Gusto ko na umalis! Ang sakit na ng kamay ko sa gamot. Wala akong makitang iba dito sa kwarto. Nabuburyo ako tapos ikaw? Manlalamig ka bigla sakin? 


Hindi mo naman naiintindihan yung nararamdaman
ko. Hindi mo alam na iyak ako ng iyak nung time na umuwi ako from work kasi nagtatalo yung isip ko kung magpapadala na ba ako sa ospital o aantayin ko munang puntahan ko ako sa bahay. Inaantay kita love. Inantay kita na puntahan mo ako sa bahay bago ko sabihin sa mama ko na hindi ko na kaya umalis na tayo papuntang ospital. Hindi kita nakita bago ka umalis, hindi ko pinakikita sayo na nasasaktan ako. Oo nahihirapan ako controlin emosyon ko habang nakikita kitang umiiyak at aalis na.


Hindi ko kaya ee. Pero bakit ganyan ? Bigla kang hindi na masaya? Naisip mo ba ako?
Mahal kita! Mahal na mahal kita! Alam mong aantayin kita hanggang bumalik ka diba?  Pero bakit pinararamdam mo sakin na hindi ka na babalik? 


Nasasaktan ako, may pakelam ka pa ba? 

Wednesday, 4 April 2018

Entry 4/4/2018

Image result for depression
https://i.pinimg.com/originals/8d/18/d8/8d18d87229507fc7136a6552c5637c34.jpg



Unbelievable but thats it! 

Bullshit! Am I nothing?? Am I invinsible?? Manhid ka ba talaga?? Ganyan ka ba?? Sa tinagal tagal na natin di mo pa din alam?? Love hindi ako ang may mali satin, Ikaw! Gusto ko ng normal na relationship, hindi mo ba alam iyon? Love alam mong naiinggit ako sa ibang couple, dba? Alam mo pakiramdam ko magisa lang ako. Aalis ka at iiwan mo ko halos ganun lang din kasi di ka pa nga naalis pakiramdam ko mag isa lang ako. Pakiramdam ko wala akong kwenta.. pakiramdam ko ako lang may gusto ng relationship na ito. Sabagay mula sa simula palang ako na may gusto nito. Sino ba naman kasi ako sayo?? Ano mo ba ako? 


Love mahal kita pero wag mo naman ako saktan. Wag mo naman iparamdam sakin na mag isa ako. Oo aalis ka okay lang naman sakin pero habang nandito ka iparamdam mong andito ka. Iparamdam mong kasama kita. 

Tuesday, 3 April 2018

Entry 4/3/2018

Related image

https://static.boredpanda.com/blog/wp-content/uploads/2016/12/depression-58593acb65b40__700.jpg

Ang lungkot.. habang mag-isa ako nakaupo pinakikinggan ang alon at pinanonood ang pagbaba ng araw. Parang dinudurong yung puso ko ng alon. Bakit ganyan ka?? Di ko naiintidihan yung feelings ko na gusto kita makasama.. aalis ka na next week pero bakit ganun?? Bakit sinasaktan mo yung feelings ko??? Kasi ba alam mong kahit nasasaktan ako at malungkot ako di kita iiwan?? Kasi ba mahal kita kaya kahit ano okay lang sakin?? Simple lang naman gusto ko, makasama ka ng hindi ka nagagalit o naiinis sakin. Pero bakit ang hirap love? Bakit gusto ko umiyak? Bakit hinahayaan mo ko laging mag isa? Ayokong mag isa! Hindi mo ba alam yun?? Ayokong mag isa!