Masakit yung kapag pakiramdam mo nag nagddoubt na yung taong mahal mo sa nararamdaman niya para sayo. Pero mas masakit yung halos ipamukha na niya sayo na wala na siyang nararamdaman pra sayo.
Oo, may mali man akong nagawa, pero hindi ibig sabihin non na pwede mo na ko balewalain at ganituhin. Oo, humingi ako ng tulong sa iba. Sinabi mo naman diba na gumawa naman ako ng paraan. Gumawa naman ako ng paraan, tapos bigla ka magagalit sakin. Akala ko ba wala ka ng issue sa kanya? Kaklase ko lang yun, ano bang iniisip mo? Kung magalit ka sakin parang binenta ko naman yung sarili ko sa ibang tao. Ginamit ko ba yung sarili ko? Nagpagamit ba ko para sa galit mong yan? Deserved ko ba talaga na makaramdam ng ganito? Yung gulong gulo na at naffrustrate na ako kasi hindi ko na alam yung gagawin ko para lng maging okay ako sayo.
Idagdag pa natin yung pagsasabi mo na parang ayaw mo na umuwi. Bakit? pinipilit ba kita na umuwi? Kung ayaw mo naman talaga umuwi, wala naman ako magagawa ee. Una sa lahat pinamukukha mo naman sakin na na ayaw mo umuwi at hindi naman ako dahilan ng pag-uwi mo dito. Ano ba ako? Girlfriend mo ako diba?
Tsaka alam mo, wag mo ako paasahin, sobra na yung sakit para umasa pa ako. Ang sakit mo mahalin ng sobra. Para na naman akong tanga na nanlilimos ng pagmamahal mo.
Tinanong kita ilang beses kung mahal mo pa ba ako, pero ni isa! wala kang sinagot! Yun na ba iyon? Bigla na naman di mo na naman ako mahal? na di mo na naman ako kilala? na wala lang ako sa buhay mo? na wala kang pakelan kung nasasaktan man ako o hindi?
Mahal mo pa ba talaga ako? May aantayin pa ba ako? Kasi mahal naffrustrate na ko sa pinaparamdam mo sakin. Every mag aanniversary nalang ba tayo ganito?
Mahal na mahal kita kung alam mo lang, na halos gusto ko nalang magpakamatay para lang maptunayan na sayo na totoong mahal kita at nasasaktan ako sa treatment mo sakin.