I love Drama and I am Dramatic. If you don't want to read my problems then don't. Just leave.
Wednesday, 14 April 2021
04152021
Friday, 2 April 2021
RNDM 03042021
Hindi na ako masyadong active magkwento ng buhay ko ngayon. Masyado na ba akong busy?
Just random thoughts kaya ako magsusulat ngayon.
Nasa point na ko ng buhay ko na gusto ko na magseryoso, gusto ko na ng sarili kong family kahit na alam kong hindi ko pa kaya bumuhay ng sarili kong pamilya. Ni wala akong ipon or kahit anong magandang achievement sa buhay.
Siguro nalulugkot lang din ako talaga mag-isa or masyado lang akong insecure. Paano kung hindi ako magkababy? Paano kung mahirapan ako? Baka iwan ako magisa ng asawa ko.
Sa totoo lang natatakot ako mag-isa. Andito ako at nasa malayo ang mahal ko. Ayokong isipin na darating yung araw na mawawala sya sakin. Yung isang araw sasabihin nya na hindi na nya ako mahal at may iba na sya.
Ang weird nga minsan ng panaginip ko. Nagawa ko daw na puntahan sya. Nakakuha daw ako ng trabaho doon without telling him kasi gusto ko syang isurprise. Hinanap ko yung workplace nya. Ako pala yung masusurprise dahil may kasama syang iba at magkakababy na sila. Sa sobrang weird ng dream na yun hindi ako makapagfocus. Naulit pa iyon ng ilang beses. Hanggang nagka-insomia ako at nadepress. I know na bad dream lang iyon and it will never happen.
Gusto kong sabihin sa kanya na mahal na mahal ko sya. Wala na akong ibang gugustuhin makasama maliban sa kanya. Baliw na ba ako? Siguro nga baliw na ako. Pero ayun nga feeling ko isang heart break lang bibigay na ako.