Entry (03/15/2015)
May mga oras talaga na naiiyak nalang ako at napapaisip. Tama ba na ganito? Tama bang hinayaan ko na nasasaktan ako sa kanya?
Naranasan niyo na ba yung pakiramdam na ang saya-saya mo tapos biglang nawala nalang ng parang bula? Kasi pakiramdam ko, pinasaya lang ako nung nalulungkot ako, tapos nung di na ko malungot, pinalungkot na ko. Bakit naman ganoon, lahat ng kasiyahan may kapalit. Hindi ba pwedeng masaya nalang?
Nahihirapan na ako, alam naman niya iyon, pero bakit ganoon? parang wala lang sa kanya? Okay na daw kami, pero parang hindi. Wala na nga akong pride sa kanya ee. Tapos siya ang taas-taas, ni hindi ko na alam kung para saan yung pride niya na iyon. Pag naiinis ako sa kanya, naiinis din siya. Wala ba kong karapatan maramdaman iyon? Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman iyong mga bagay na iyon. Kapag nagtatampo ako sa kanya, wala lang din sa kanya. Kahit umiyak ako, wala lang din sa kanya. Kahit nga ata may mangyari sa akin, wala lang din sa kanya. Iniisip niya madrama lang ako. TANG INA! SIYA KAYA SABIHAN KO NG MADRAMA! Hindi naman ako nakikipagbiruan sa kanya. Itong feelings ko hindi naman laro ito. Kaya nga una palang ayoko magmahal, pero TANGINANG HEART to! Puro pagmamahal ang alam. Tapos dalawang araw na siyang nagsinungaling sa akin. Wow talaga, mukha ba akong nakikipagbiruan? Mukha ba akong nakikipaglaro?
Bakit ba kasi gusto mo HEART laging nasasaktan? Bakit ba EYES gusto mo laging umiiyak? Bakit ba BRAIN gusto mo siya lang naiisip mo? Bakit ba CARISSA hindi ka magtanda nang hindi ka nasasaktan at umiiyak? Magtanda ka naman, wag puro emosyon. Kaya ka natatalo ee. Pinangunguna mo yang nararamdaman mo.
Tama na nga, pagod na ko. Lagi nalang ako nasasaktan. Lagi nalang iiyak. EDI WOW! Enough na yung luha, tama na iyon.
Looking forward for New Chapter of my Life..
No comments:
Post a Comment