Saturday, 18 July 2015

That Kind of Pain is SHT

Nagpunta akong Bulacan kahapon. Yes, sa lugar ng boyfriend ko. Malayo ang byahe, pero tyinaga ko iyon. Kasi gusto ko mag-effort para sa kanya. Super effort ba? hindi naman kasi, kulang pa iyon. 


Sinundo niya naman ako sa Monumento. Matagal nga siya naghintay doon ee. Pero atleast nakarating naman ako doon. Pero hindi yan ang gusto kong sabihin. Hayssss :(


Masaya naman kasi nameet ko yung mga friends niya. Pero alam niyo yung pakiramdam na andun na ako ee. Nandun na ee, konti nalang, bahay na nila. Pero hindi man lang ako nakarating doon. Hindi man lang niya ako kayang ipakilala sa bahay nila. Yun lang talaga yung makapagpapasaya sakin, yung makilala ako sa kanila. Pero mukhang malabo mangyari yun. 


Nag-uusap kami nun kagabi, habang kasama namin mga friends niya. May nakakarinig pala ng pinag-uusapan namin. Ang pinag-uusapan kasi namin nung time na yun ay kung kaya ko bang umuwi sa Cavite. Sabi ko naman kaya ko, sabi niya nag-aalala daw siya. Pero I insist na kaya ko, sabi niya kinakabahan daw siya. Sabi ko naman kaya ko naman umuwi, pwede din akong hindi umuwi. Pero sabi niya umuwi ako. Sabi ko ulit, pwede naman hindi ako umuwi, matulog ka sa labas ng bahay niyo ako matutulog sa kwarto mo; seryoso ko sinabi, sabay tawa. Tapos may nagsalita, yung friend niya, nakikinig pala sa amin. Sabi niya na okay daw yung sinabi ko, sabay sabing hahanga siya sa boyfriend ko kung ganoon gagawin niya. Pero natahimik lang siya. Nagsalita yung mga friends niyang lalaki, na babae ako, at malayo pa ang uuwian ko; tahimik pa din siya. Sa mga oras na iyon, gusto ko na magwalk-out. Yung mukha ko nun, halata mong hindi na ako masaya sa mga panahong iyon. Hanggang sa sabi ko sa kanya, kaysa ganyan nag-aalala sya, ihatid na niya ako sa Monumento. Yung feeling ko nun, hirap na ako, kasi gusto ko na umiyak. Bakit? dahil sa naging attitiude niya. Tapos tatanung niya ako kung okay lang ako, hindi ba halatang hindi ako okay? pwede bang wag nalang iyon ang itanong nya sakin. Tangina kasi nakakagago yung tanong na iyon ee. Sa WALTER nagCR ako, kasi talagang ang bigat na ng nararamdaman ko. Umiyak talaga ako nun, kasi hindi ko na kayang pigilan. Matagal din ako doon, kasi, sobrang sama talaga ng loob ko, idagdag mo pa yung gabi bago yung araw na iyon na talagang umiyak talaga ako. Dahil sa kanya na naman. Haysssss. Hindi na ako nagtanda. Lagi nalang ako umiiyak, tapos sasabihan pa akong madrama ako. Wow, nasasaktan na nga madrama pa? Aba matinde nga naman talaga. Pero ang masakit sa lahat, yung sabihin niya sa akin na magcheck-in nalang ako sa Monumento, mag-stay sya kasama ko ng saglit tapos aalis sya, TANGINA gusto ko siyang sapakin nun. ANO KALA NIYA SAKIN IBANG TAO? Ano kala niya sakin hayop? iiwan lang basta basta? Hello babae ako? at GIRLFRIEND niya ako ang pagkakaalam ko. Tapos bigla niya babawiin na sasamahan nalang daw niya ako, kung kelan galit na talaga ako at napagtatarayan ko na siya. Ano bang klaseng utak meron ka? Hindi ako okay! Masama loob ko! Gusto ko magwala, sumigawm manapak nung mga time na yun. Tapos sasabihin niya sa akin na hahatid nalang niya ako sa bahay. "WAG NA! Kaya ko sarili ko! Hindi ko kailangan ihatid sa amin. Kaya kong umuwi, hindi na ako bata" ; sagot ko sa kanya. Sa jeep nga halos masigawan ko na sya, ayokong sigawan sya, ayokong magmaldita sa kanya, kaya kinokontrol ko sarili ko. Pero sana huminto kami sa paglalakad at niyakap niya ako, pinagaan niya man lang sana yung loob ko. Hindi yung inulit ulit niya yung dahilan niya, at yung pagtatanong niya kung gusto ko pa din ba siya. ANO KALA NIYA SAKIN, BATA? O BUNTIS NA NAGLILIHI NA BIGLANG MAGBABAGO YUNG ISIP? My goodness hindi na ako bata, para di panindigan yung gusto ko. Hindi pa ba sapat yung ginagawa ko, para hindi na niya itanong sa akin iyon? Nakakagago na kasi ee.. MAHAL KO NA SIYA EE. Nagtake ako ng risk sa relationship na ito, kahit alam ko naman iiwan niya ako at aalis siya ee. Sana naman maintindihan  niya yung bagay na makapagpapasaya sakin, PRICELESS lang yun. kahit bago lang siya umalis. Kahit yun na lang. 


Mahirap umiyak ng sa loob mo lang, kailangan talagang ilabas. Sabi ko noon diba hindi na ako iiyak. Tangina lang kasi talaga. Hindi ko kinaya ee.. 

Wednesday, 15 July 2015

Stress Level 101 (07/16/2015)

May mga bagay na sadyang nakakastress -_- 


Pero mas nakakastress yung sabihin nandadaya ka ng oras ng isang nagmamaganda pero wala namang gandang mapapamukha. Palibhasa nakahanap ng kagrupo na may utak, kung makaasta akala mo siya yung may utak! Pero umaasa lang naman sa iba. Nakagagawa nga pero, hindi naman siya yung gumawa, at ang mas malala hindi niya man lang naiintindihan. Paano nakakapasa? Eh nadadaan sa kaplastikan -_- Nakakaawa lang ang datingan.


Kahit naman kasi bigyan ka ng isang oras o kahit isang araw para gawin yang circuit na yan hindi mo magagawa, dahil yung simpleng activity nga hindi mo magawa, yung mahirap pa kaya. Yung polarity nga lang hindi mo din ata alam. Tapos ikaw pa ang nadadaya ? Ako pa mandaraya?


POTAENA KA PO! :)

What Happen To Our Music Philippines?

For my opinion ONLY! 


Basically, Music is now based on images of the person, not the talent. Its so sad, because those real talented were not given chance to show what they;ve got. 

Sunday, 12 July 2015

Entry (07/12/2015)



I just don't know why I did this crazy thing :(
I almost killed my self again :(

Sunday, 5 July 2015

Another Experience :)

  


Last June 23-24,2015


Nagpunta akong Capiz, actually akala ko talaga aklan yung pupuntahan ko, -_- pagtingin ko sa ticket ko CAPIZ pala :3 Adik kasi yung nagsabi sa akin, sa Aklan daw yung punta. First time ko ding sumakay ng airplane HAHAHAH exciting naman, nakakabingi nga lang hahaha, pero kaya naman. I love the view kasi :)

Mabait naman tao doon, may ginawa lang ng konti doon, BORING lang kasi, walang magawang maayos. 

Anyway nameet ko din doon yung matagal ko ng friend.


Kung babalik man ako doon, gusto ko maggala sa totoo lang :)Kaya, sisimulan ko ng mag-ipon, Gusto kong magtravel around the world :)


July 05, 2015 (Full of LOVE)

Nakakamiss magpost sa blog ko aa, anyway I just want to share my new story :)


Masaya na ako, masaya ako sa naging desisyon ko na iopen yung sarili ko sa iba. Masaya ako kasi alam kong iingatan ako ng taong iyon. Saan nga ba nagsimula? Those times na malungkot ako, naglaro akong COC :) Then nung lumipat ako ng clan, may mga bago akong nakilala. May mga taong nagpapahiwatig na gusto nila ako, pero deadma ko lang. Kasi nga diba ayaw ko magcommit at tsaka may isang tao lang akong ineentertain noon. Well, wala na pong nangyari doon sa dati, dahil, even I try na maging okay, walang effect; ayoko na din ipilit na magwork, napagod na ako. Back to the story, ayun lagi kami nagkakausap ng lalaking iyon, masaya naman ako, everytime na kausap ko siya. Sabi nya pa noon, na hindi siya yung tipo ng lalaki na mahuhulog agad. Sinabihan ko sya na wag ako ang gustuhin niya, kasi sabi ko wala siyang mapapala. Pero ayun, lagi pa din kami magkausap :) magkatext. Until one day, nagmeet kami :) Wala naman sa akin kung anong itsura niya, nagustuhan ko yung attitude niya. Then in a blink of an eye, sabi ko sa sarili ko, bibigyan ko siya ng chance.


July 01,2015 nanuod kami ng movie, THE BREAKUP PLAYLIST :) hahaha gusto ko kasi panuorin yun. Well ayun nakakakilig, hindi dahil sa movie, kundi dahil kasama ko sya. Tapos sabi ko, gusto ko na siya sagutin, nasabi ko sa sarili ko. Nung naghiwalay na kami, nag-isip ako. Paano ko ba siya masusurprise na kami na. Inopen ko yung facebook account ko, then nagsend ako ng request sa kanya ng IN RELATIONSHIP <3 


Kinakabahan pa ako nun, sabi ko sa sarili ko, pag ito nireject, aba choosy pa sya. HAHAHAHA.

So ayun MAY BOYFRIEND NA PO AKO! Siya si M**** :)I LOVE YOU MY LABZ :-*