That Kind of Pain is SHT
Nagpunta akong Bulacan kahapon. Yes, sa lugar ng boyfriend ko. Malayo ang byahe, pero tyinaga ko iyon. Kasi gusto ko mag-effort para sa kanya. Super effort ba? hindi naman kasi, kulang pa iyon.
Sinundo niya naman ako sa Monumento. Matagal nga siya naghintay doon ee. Pero atleast nakarating naman ako doon. Pero hindi yan ang gusto kong sabihin. Hayssss :(
Masaya naman kasi nameet ko yung mga friends niya. Pero alam niyo yung pakiramdam na andun na ako ee. Nandun na ee, konti nalang, bahay na nila. Pero hindi man lang ako nakarating doon. Hindi man lang niya ako kayang ipakilala sa bahay nila. Yun lang talaga yung makapagpapasaya sakin, yung makilala ako sa kanila. Pero mukhang malabo mangyari yun.
Nag-uusap kami nun kagabi, habang kasama namin mga friends niya. May nakakarinig pala ng pinag-uusapan namin. Ang pinag-uusapan kasi namin nung time na yun ay kung kaya ko bang umuwi sa Cavite. Sabi ko naman kaya ko, sabi niya nag-aalala daw siya. Pero I insist na kaya ko, sabi niya kinakabahan daw siya. Sabi ko naman kaya ko naman umuwi, pwede din akong hindi umuwi. Pero sabi niya umuwi ako. Sabi ko ulit, pwede naman hindi ako umuwi, matulog ka sa labas ng bahay niyo ako matutulog sa kwarto mo; seryoso ko sinabi, sabay tawa. Tapos may nagsalita, yung friend niya, nakikinig pala sa amin. Sabi niya na okay daw yung sinabi ko, sabay sabing hahanga siya sa boyfriend ko kung ganoon gagawin niya. Pero natahimik lang siya. Nagsalita yung mga friends niyang lalaki, na babae ako, at malayo pa ang uuwian ko; tahimik pa din siya. Sa mga oras na iyon, gusto ko na magwalk-out. Yung mukha ko nun, halata mong hindi na ako masaya sa mga panahong iyon. Hanggang sa sabi ko sa kanya, kaysa ganyan nag-aalala sya, ihatid na niya ako sa Monumento. Yung feeling ko nun, hirap na ako, kasi gusto ko na umiyak. Bakit? dahil sa naging attitiude niya. Tapos tatanung niya ako kung okay lang ako, hindi ba halatang hindi ako okay? pwede bang wag nalang iyon ang itanong nya sakin. Tangina kasi nakakagago yung tanong na iyon ee. Sa WALTER nagCR ako, kasi talagang ang bigat na ng nararamdaman ko. Umiyak talaga ako nun, kasi hindi ko na kayang pigilan. Matagal din ako doon, kasi, sobrang sama talaga ng loob ko, idagdag mo pa yung gabi bago yung araw na iyon na talagang umiyak talaga ako. Dahil sa kanya na naman. Haysssss. Hindi na ako nagtanda. Lagi nalang ako umiiyak, tapos sasabihan pa akong madrama ako. Wow, nasasaktan na nga madrama pa? Aba matinde nga naman talaga. Pero ang masakit sa lahat, yung sabihin niya sa akin na magcheck-in nalang ako sa Monumento, mag-stay sya kasama ko ng saglit tapos aalis sya, TANGINA gusto ko siyang sapakin nun. ANO KALA NIYA SAKIN IBANG TAO? Ano kala niya sakin hayop? iiwan lang basta basta? Hello babae ako? at GIRLFRIEND niya ako ang pagkakaalam ko. Tapos bigla niya babawiin na sasamahan nalang daw niya ako, kung kelan galit na talaga ako at napagtatarayan ko na siya. Ano bang klaseng utak meron ka? Hindi ako okay! Masama loob ko! Gusto ko magwala, sumigawm manapak nung mga time na yun. Tapos sasabihin niya sa akin na hahatid nalang niya ako sa bahay. "WAG NA! Kaya ko sarili ko! Hindi ko kailangan ihatid sa amin. Kaya kong umuwi, hindi na ako bata" ; sagot ko sa kanya. Sa jeep nga halos masigawan ko na sya, ayokong sigawan sya, ayokong magmaldita sa kanya, kaya kinokontrol ko sarili ko. Pero sana huminto kami sa paglalakad at niyakap niya ako, pinagaan niya man lang sana yung loob ko. Hindi yung inulit ulit niya yung dahilan niya, at yung pagtatanong niya kung gusto ko pa din ba siya. ANO KALA NIYA SAKIN, BATA? O BUNTIS NA NAGLILIHI NA BIGLANG MAGBABAGO YUNG ISIP? My goodness hindi na ako bata, para di panindigan yung gusto ko. Hindi pa ba sapat yung ginagawa ko, para hindi na niya itanong sa akin iyon? Nakakagago na kasi ee.. MAHAL KO NA SIYA EE. Nagtake ako ng risk sa relationship na ito, kahit alam ko naman iiwan niya ako at aalis siya ee. Sana naman maintindihan niya yung bagay na makapagpapasaya sakin, PRICELESS lang yun. kahit bago lang siya umalis. Kahit yun na lang.
Mahirap umiyak ng sa loob mo lang, kailangan talagang ilabas. Sabi ko noon diba hindi na ako iiyak. Tangina lang kasi talaga. Hindi ko kinaya ee..
No comments:
Post a Comment