Tuesday, 15 March 2016

Entry 03/15/2016

Miss na miss na kita :( Bakit ganoon ayaw mo man lang magparamdam. Hindi mo ba gets na gusto ko kausapin mo ako. Na hanapin mo ako. Nasabihin mo sakin, "Love sorry na mahal din kita, wag kana umiyak, wag ka na magdrama". Haysss please sana makasalubong kita sa daan. Gusto na kitang yakapin. Sobrang miss na kita. 

Monday, 14 March 2016

Missing.

Umalis ako ng Cavite ngayon, nagdeactivate ng account sa Facebook. Nasasaktan kasi ako sa ipinararamdam niya sakin. Bakit ganoon siya? Ang labas ako pa ang may ginawang masama? Ako ang mali? Ano ba ginawa ko? Ang taas ng pride niya, hindi ko maabot. Bakit ganoon siya? Bakit kailangan niya ako tiisin ng ganoon. Girlfriend niya ako diba? Ako pa ba dapat ang magsorry sa kanya? Wala naman ako ginawa ee. Ang sama ng loob ko sa kanya, sobrang nagtatampo ako. Hindi na nga ako binati nung monthsary namin ee, pero ayos lang tinanggap ko naman dahilan niya. Pero ang cold niya talaga sa akin. Mula ata nung sinabi ko na parang pakiramdam ko nawalan siya ng respeto sakin sa ginawa niya. May point naman ako dun ee. Sana sa maayos na paraan diba, inilugar niya sana. Hahataw naman ako ee. Gusto ko naman ee. Kaya ko naman ee. 


Sana siya ang unang kumausap sakin, kasi ako nawawalan na ako ng respeto sa sarili ko sa ginagawa niya. Ang sakit sakit na tapos ang mangyayari pa titiisin niya ako. kakaiyak na :( lagi nalang ako naiyak :( Tama na kung ayaw mo sabihin mo na agad. Hindi yung naghihintay ako na kausapin mo ako, miss na miss na kita kung alam mo lang. Mahal na mahal naman kita alam mo yan. pero bakit ganito. 


I love you kahit sobrang sakit na, ayaw kita mawala sakin. 

Sunday, 13 March 2016

Silent Crying (03/13/2016)

Kamusta? Ako? Syempre hindi ako okay. Mukha ba akong okay? Malamang hindi. hello. Welcome to the world CARISSA!


Magkasama nga'y parang hindi naman. Ang saya ko naman talaga. Pero yemuna, wala namang mangyayari kung magdadrama pa ako. Drama ko, aliw ko. Wow! Ang saya ko. 


Hindi ba niya nararamdaman yung sama ng loob at tampo ko sa kanya? SEEN na nga. Deadma lang. Mahal niya ba ako? O paranoid na naman ako? Ewan ko. hindi ko na alam. Ang bigat na ng dibdib ko. Sana pala hindi na ako nagpunta dito sa lugar na ito. Gusto ko na naman umiyak sa coldness niya. Hayssss, nagmamahal ako ng manhid. 


Pero mahal ko talaga kaya yemuna ulet. Tiis nalang, konting kagat sa labi para di matuloy yung luha ko. Bwisit naman kasi yung luha sa mata ko, eeksena na naman, Wag na makigulo please. -____- 


Hayssss. Uwi nalang kaya ako. O kaya alis nalang ako. Pero hindi, sige kaya ko pa naman. 

Saturday, 12 March 2016

Saddest Day

Nakakapagod pero ginagawa ko pa din. HA HA HA HA HA. PTI baliw na ako. Oo baliw ako pagdating sa kanya. (Sya kaya baliw sakin?) Hindi ko alam, kinalimutan na nga ata ako ee. Hello Girlfriend lang naman ako ee, walang kaso kahit kalimutan niya ako. (Bakit ako naiyak?) Hindi ko alam sa mata ko, parang tanga lumuluha kusa.


Para na akong tanga na naman, kausap na naman ang sarili. Hayssss. Baliw nga talaga ako. Walang duda. Buhay nga naman. Nakakaurat. Pakamatay nalang kaya ako, tutal ganoon din naman mangyayari, may sakit din naman ako, wag na ako magpagamot. Bawal sakin magdrama, pero nganga ginagawa ko pa din. HA HA HA HA HA  (Pain Scale Level as of NOW?) PSL 6 palang hindi pa ganoon kasakit ang dibdib ko. Uminom ako  ng gamot. Mga dalawa para intense na intense ako magdrama. O diba talino ko, pag nakasama yung gamot sakin, tegi agad. HA HA HA HA HA


Hello F****** Q*****, ang nag-iisa kong mahal at aking Boyfriend, sana po pansinin mo ako sana po maalala mo po ako. Kasi ako nasa isip lang kita hindi ka mawala. Nasa puso din kita hindi kita papalitan, ako kaya nandyan pa din sa puso mo? Sana ako lang laman niyan. Isang malaking SANA. Sabihin mo na naman madrama ako, Oo madama ako. Ee sa nagtatampo na talaga ako sayo. Sobrang nagtatampo pero hindi mo maramdaman, namanhid ka na naman ba? Love? anjan ka pa ba? Hindi ka pa naman aalis diba? Mahal mo naman ako diba? Kasi ako mahal na mahal kita. I  love you love. Kahit ang cold mo sakin. 


</3

Monthsary Lang Walang Happy

Ang bigat pala talaga sa dibdib pag nakalimutan ka. Hinintay ko siya kasi sabi niya aalis siya. Kaso nung nakauwi na siya tinanong ko kung magkikita kami sabi niya, sleepy siya, masakit ulo. Pero sana naman naisipi niya kung anong araw ba ngayon. Binati ko naman siya sa FB, pero mukang hindi niya pinansin iyon. Oo ang sensitive ko, pero kasi naman ee, pakiramdam ko kinalimutan ako. Ang sakin kaya non. Iyak ako ng iyak sa bahay. Kahit ng Good Morning wala ako natanggap. Ganon nalang ba iyon? 


Nakakasama ng loob, pero yaan na yan. Wala naman na akong magagawa, hindi nalang ako kikibo. Kunware okay lang lahat. Kunware hindi ako nagtatampo. Kunware hindi ako nasasaktan.

Friday, 11 March 2016

Entry MARCH.

Makakapagpost din sa tinagal-tagal ng panahon, Ano na balita sa buhay ko? MASAYA naman ako. PAKELAM niyo. HAHAHAHAHAHAH

February 12, 2016 kami na ni FRANCIS, Oo kami na nga, sigurado ako doon, kasi may araw na ee.. PAKELAM niyo? Bakit? Gusto ko ee, Mahal ko ee, NOON pa man, Sumusunod na ako sa kanya, bakit? MAHAL ko nga diba. Iniyakan ko na noon? Oo Maraming beses. Bakit tinanggap ko? MAHAL ko nga kasi. OO GANOON KO SIYA KAMAHAL.