Missing.
Umalis ako ng Cavite ngayon, nagdeactivate ng account sa Facebook. Nasasaktan kasi ako sa ipinararamdam niya sakin. Bakit ganoon siya? Ang labas ako pa ang may ginawang masama? Ako ang mali? Ano ba ginawa ko? Ang taas ng pride niya, hindi ko maabot. Bakit ganoon siya? Bakit kailangan niya ako tiisin ng ganoon. Girlfriend niya ako diba? Ako pa ba dapat ang magsorry sa kanya? Wala naman ako ginawa ee. Ang sama ng loob ko sa kanya, sobrang nagtatampo ako. Hindi na nga ako binati nung monthsary namin ee, pero ayos lang tinanggap ko naman dahilan niya. Pero ang cold niya talaga sa akin. Mula ata nung sinabi ko na parang pakiramdam ko nawalan siya ng respeto sakin sa ginawa niya. May point naman ako dun ee. Sana sa maayos na paraan diba, inilugar niya sana. Hahataw naman ako ee. Gusto ko naman ee. Kaya ko naman ee.
Sana siya ang unang kumausap sakin, kasi ako nawawalan na ako ng respeto sa sarili ko sa ginagawa niya. Ang sakit sakit na tapos ang mangyayari pa titiisin niya ako. kakaiyak na :( lagi nalang ako naiyak :( Tama na kung ayaw mo sabihin mo na agad. Hindi yung naghihintay ako na kausapin mo ako, miss na miss na kita kung alam mo lang. Mahal na mahal naman kita alam mo yan. pero bakit ganito.
I love you kahit sobrang sakit na, ayaw kita mawala sakin.
No comments:
Post a Comment