Sunday, 6 January 2019

Entry 1/7/2019

Image result for heart

https://static.independent.co.uk/s3fs-public/thumbnails/image/2018/02/12/16/istock-515523322.jpg?w968h681


Bakit ganun? Lagi kaming walang mapag-usapan? Mag-tatanong ako tapos wala na tinapos na nya agad ung magiging topic. Magpapakwento ako sa kanya ng mga ginawa niya, sasabihin niya walang bago. Malayo kami sa isa't isa at alam ko we are miles away. Pero bakit naman ganun?


Ang lamig lamig nya. Pero hindi ko naman pwedeng iopen na namna sa kanya na ang cold niya sakin, kasi mag-aaway na naman kami, at sasabihin niyang nababaliw na ako na kung ano ano iniisip ko. Pero ano bang dapat kong isipin? Ano bang dapat kong maramdaman? Dapat ba maging masaya lang ako lagi? Hindi naman ako masaya na ganun siya sakin?


Nasa point na ko na iniisip ko na kaya may init pa samin dalawa kasi kaya pa ng init ng feelings ko sa kanya yung lamig na binibigay niya sakin. Yung tipong nilalaksan ko ung apoy pero umuulan na ng yelo sa paligid niya. Oo, natatakot pa din naman ako na mangyari na bigla ka nalang aayaw at sasabihin mong tama na. Pero hindi na kita maabot, feeling ko ang laki ng gap sa pagitan natin. Humakbang ka naman papalapit sakin, wag ka naman lumayo. 

No comments:

Post a Comment