I love Drama and I am Dramatic. If you don't want to read my problems then don't. Just leave.
Saturday, 12 December 2015
Wednesday, 9 December 2015
Entry (12/09/2015)
Nababadtrip ako. Oo na naman. Pakelam niyo? Blog ko to, akong bahala kung ano gusto kong ipost dito. Bakit may mga taong nakakairita, mga punyeta sila. Whats wrong about marking my own territory? I'm just marking whats mine. And he's mine. I want to know everyone that h e was already committed sa akin. Makikita nila, I'll make their head turn around as when I come to surprise them. HA HA HA HA. (tawa ng bitch mode)
Wala na akong sasabihin pa. GOOD NIGHT!
Tuesday, 8 December 2015
Entry (12/08/2015)
Pinagpatuloy namin yung activity namin sa 7L, ayun sa wakas, napagana ko na din yung video transmitter ko. Haysss, yun nga lang black and white pa, pero at least napagana ko. Sabi naman ni ma'am pwede naman daw maimprove yun, so yun nalang gagawin ko. Ipinasa ko na din para ay accomplishment ako.
Nagkita din kami ni Mikko kanina, once a week na nga lang kasi kami magkita. As usual, happy happy na naman. Yun nga lang medyo masama pa din pakiramdam ko, nakakainis lang yun tipong ayoko na ipahalata yung may masakit sakin, pero buset lang sobrang sakit kasi tapos bigla pa ko naipitan ng ugat sa binti. nak ng tokwa't patola. Haysssss.
Habang tinatype ko ito, nababadtrip ako. Nakakainis kasi siya, pinaimigay niya ako. Nakakabwiset, lagi nalang. Sasabihin niya dun ka na, sige maghaharutan kayo. NAKAKAINIS NA! HINDI BA NIYA ALAM NA SIYA YUNG LAGING PINIPILI KO, TAPOS GANON.
Badtrip pa sa bahay, nakakatanga lang, darating dating tapos kung ano ano sasabihin. HINDI AKO ROBOT NAPAPAGOD DIN AKO. Marami akong ginagawa, marami akong iniisip, pwede ba wag mo na dagdagan nabubwisit na ako, putak nalang ng putak palagi. Minsan wala ng sense.
BULLSHIT NA NAMAN! Okay na sana ee.
Monday, 7 December 2015
Entry (12/07/2015)
Nothing less, nothing more.
Just an ordinary sick day to a hot normal Monday. As usual, its always traffic, no wonder. Nilagnat ako kahapon, so akala ko okay na, kasi wala na naman akong lagnat yun nga lang madyo nahihilo pa din ako. Konti lang kinain ko kanin, kasi wala naman din kasing lutong ulam sa bahay so, cup noodles nalang.
Ayun pumasok ako ramdam ko yung sama ng pakiramdam ko. Ang init-init, tapos standing sa bus, hindi na kasi uso pagiging gentleman sa panahon ngayon. So tiis tiis lang kahit masama pakiramdam.
Akala ko nga walang klase kasi naman 12am na dumating prof tapos 11am klase namin. hayssss, kala ko uwi-uwi na. After class naman nagpunta ako ng Vito Cruz kasi nga may bibilhin ako, kaso pagdating ko doon, nganga! Walang magnetic wire na hinahanap ko! Ayaw ko naman kasi pumuntang Deeco sa Raon kasi naman sakit na ng ulo ko tapos iikot-ikot pa!
Buti nalang nakauwi ako ng matiwasay kaso, ayun wasak! Suka ng suka pag-uwi, hilong-hilo talaga ako, parang sumakay ako ng nakakahilong rides. !
Hope to feel better tomorrow. Dahil kailangan ko na mapagana yung video transmitter ko, para pwede na akong magpahinga.
Sunday, 6 December 2015
Entry (12/06/2015)
Hello blogger!
Seriously hindi maganda pakiramdam ko. Grabe nilagnat ako, hilo at sakit sa ulo tapos nagsusuka pa ako. Ayaw ko pa man din ng ganito nagiging emotional ako pag may lagnat. Pero buti nalang andyan si Miks para kausapin ako ng kausapin kahit sa phone lang. Masaya na ako kahit ganoon lang, at least alam ko may oras sya sa akin. Kagabi kinantahan niya ako, kahit medyo inaantok na ako natawa talaga ako, ang epic kasi nalilimutan niya. Pero mahal na mahal ko siya. Haysssss.
Saturday, 5 December 2015
Entry (12/05/2015)
Wala naman bago, hahaha. Maganda pa din ako. Oo nga pala pumunta ako sa ospital kanina kasi may schedule ako ng 2D echo pero wala pa yung result sa wed ko pa makukuha. Kung bakit ba naman kasi heart nagkaproblema ka. Haysss , pero malakas feeling ko na may kinalaman na naman si thyroid na sakit ko dati dito. Kasi naman bakit daw inihinto ko yung gamot noon, ee sa iyon ang sinabi ng doktor ee.. Haysss buhay. Pero seryoso, napansin ko din yung paglaki ng part na iyon at mejo may nakakapa ako na maumbok, at mahirap lumunok talaga dahil paliit ng paliit yung lalamunan ko. Bakit ganoon? Sa totoo lang natatakot ako na baka isang araw kailangan na akong operahan, paano na yung pagkanta ko? Makakabalik pa ba ako sa pagkanta ko? Namimiss ko na kumanta sa harap ng maraming tao, yung headbangs yung music ko. Hayssss. In short bahala na.
Friday, 4 December 2015
Entry (12/04/2015)
Its been a tiring day, super pagod ako, hindi lang sa school kundi maghintay ng para sa wala. Nakakaloka naman itong buhay na ito. Ganun pa man may sense pa din naman yung mga pinaglalagay ko dito. Ganito lang naman kasi iyon, napunta kami ni mama sa isang di ko malaman kung ano bang maitatawag ko doon, basta isinama lang ako ni mama. May mga speaker don, so nakikinig ako sa mga pinagsasabi nila about sa pagbabago sa lugar namin, ganito, ganyan ganon basta iyon. At the end of the day may ipapamahaging something worth for waiting naman daw. Hanggang sa tumagal ang pananatili doon. Nagkagulo-gulo na, nawala sa ayos ang proseso. Nagalit ang mga taong nais makatanggap. Ako inaantok ako, kasi hindi naman talaga ako nandoon, dapat natutulog ako, kaso isinama ako ni mama, wala akong choice. Hayssss ang buhay napakahirap. Makatulog na nga at may schedule pa ako ng 2D-echo sa ospital bukas ng umaga.
Thursday, 3 December 2015
Entry (12/03/2015)
Ilang araw na mula ng magsimula yung pasukan, masasabi konna okay na ako ngayong semester na ito. Una sa lahat, wala yung mga taong hindi naman talaga importante sa buhay ko pero walang ginawa kundi hatakin ako pababa. Wala na ding plastiks, haters, at insecures. Masaya pala yung wala ka ng iniintindi, kasi kung alam niyo lang ang tagal ko nagtiis. Alam niyo naman na ayaw ko makipag-away diba? Hindi ako palengkera, walang pinag-aralan para patulan yung mga taong yon. Hindi din ako plastik, dahil una sa lahat alam nilang ayaw ko sa kanila, na hindi ko sila gusto maging kaibigan. Lets move on na nga.
Iba-ibang course ang mga kaklase ko ngayon, bakit? Trip ko lang maiba naman. Seryoso, ayaw ko ng may kumakausap ng kumakausap sa akin sa klase lalo na kung di naman kami close. Gusto ko lang makapag-aral ng tahimik. Gusto ko na makaalis sa TUP, hindi naman masama na umiwas ka sa mga taong kilala mo na. Pero napansin konkasi mas nakakapag-focus ako kapag wala akong ganoon kakilala sa klase, kasi ibig sabihin kaya kong pumasa ng walang inaasahan. Ayoko naman umasa ng umasa sa iba, paano nalang kapag nag-exam na ako pag lumipat na ako ng school, edi nganga ako. Hayss buhay nga naman.
Basta kaya ko ito. AKO PA BA! Marami pang araw.
Late Entry (12/01/2015)
Monthsary namin ngayon ni Mi***, masaya ako kasi first time kami na magkasama sa araw ng monthsary namin. Gumawa ako ng short letter para sa kanya pero hindi ko balak ibigay sa kanya iyon ng personal. hahahaha paano niya mababasa? Edi bahala na ako. HAHAHAHAHA
Napagpasyahan namin na magkita after class ko. Tapos ayun, syempre sweet sweet ang peg naming dalawa, kapag nagkikita kami sweet daw ako pero pag sa phone ang taray ko. HAHAAHAHAH
Sabay kami naglunch, then after sinamahan niya ako bumili ng pabango ko. Then nag.unwind kami, masaya ako kasi buong araw magkasama kami. Bumili kaming food sa supermarket, naiimagine ko yung sarili ko in future; seriously gustong -gusto ko na kung magkakaasawa ako, yung kasama ko sya mamili ng groceries, kumain, at magrelax. Pero matagal pa naman iyon. Wala pa akong balak mag-asawa ng maaga. Pero seriously mas lao kaming naging sweet sa isa't isa. Mas okay kami kaysa noon. Hindi na niya ginagawa yung mga maling ginawa niya noon.
Bago kami umuwi, pasimple ko nilagay sa bag niya yung letter ko para sa kanya, medyo kabado pa ako kasi baka mahalata niya pero buti nalang hindi niya nahalata. Nung nakasakay na ako pauwi, tinext ko siya na check niya yunga bag niya may inipit ako sa loob. Nainis pa siya sa akin kasi hindi ko nalang iniabot sa kanya nung magkasama pa kami. Ako naman natatawa lang. HAHAHAAHAHAH mahal na mahal ko talaga yung lalaking yon. Kahit na ayaw ko siyang sabihang gwapo siya, ee sa ayaw ko, lagi ko siyang tinatawag na panget, ang cute niya kasi magdrama. HAHAHAHAHA
Subscribe to:
Posts (Atom)