Entry (12/12/2015)
Hi Blog ko <3 ! 2 days akong hindi nakapag-entry sayo. I'm so sad. Dapat kahapon mag.eentry ako, kaso pagod ako from hospital. Kaya nga nga nalang. Hahahaha . Pero atleast ngayon nakapag.entry na ako. Hay buhay parang life.
Kahapon, after ko sa school pumunta ako sa hospital; pero before palang nun, habang papasok palang ako sa school super sama na talaga ng pakiramdam ko, kasi nga nahihio ako tapos masakit ulo ko. Pero thanK God kasi nakarating naman ako sa school ng hindi nagcocollapse. So ayun nga after ko sa school nagpunta na akong hospital. Kinuha ko muna yung result ng 2D-echo ko. Mali pa nga yung date na nakalagay doon, kaya naman pinalitan, so nagprint ng bago. Habang nagpiprint ng bagong copy yung nandoon, binabasa ko yung naunang copy ko. Buti nalang nabasa ko, kasi yung bagong naiprint magkaiba dun sa naunang naprint, ee date lang naman babaguhin. So ayun inayos nalang niya ulit. Then after naghintay na ako sa doctor ko, dalawang doctor ang pupuntahan ko ngayon, yung isa sa cardio at yung isa yung doctor ko talaga. Ayun nga pinuntahan ko si Dra. Veluz, para sa results ng 2D-echo ko at yung laboratory exams ko, pinakita ko sa kanya. Okay naman din kasi yung check up ko before kay Dr. Lucero, about muscle pains at pamamaga. Sabi sakin ni Dra., punta daw alo sa cardio ko nga which is Dr. Tan, kasi yung 2D-echo ko, nakalagay may "Anterior Mitral Valve Prolapse or MVP", baka daw kaya sobrang bilis ng palpitations ko at kaya din daw ako nahihilo kasi kulang yung oxygen ko na galing sa heart. So, ayun na nga, nagpunta ako sa cardio, kasama ko si papa. Pag-upo namin doon, binigay ko kaagad yung result na dala ko. Sabi niya sakin, in born daw yung sakit ko. Hindi na daw gagaling iyon, ang talagang gagawin lang ay iinuman ko ng gamot para bumagal yung heart beat ko. Tapos bawal ako sa coffee and energy drinks. Bawal din ako magpagod. Kaya humingi ako ng medical certificate da kanya kasi, p.e. ko ay sport like basketball. Nasabi ko din sa kanya, na pag napapagod ako, naninikip yung dibdib ko at di ako makahinga. Kaya ginawan niya ako ng medical certificate. Kahit ano daw gawin ko, babalik at babalik lang yung sakit ko, kasi hindi naman daw gagaling ito.
Sa totoo lang ang hirap ng pakiramdam na sobrang bilis ng heart beat. May time na hirap ako huminga, naninikip dibdib ko at nanghihina ako. Nung time talaga na uminom ako ng mga blockers para bumagal yung heart beat ko, sobrang nanghina ako, tinutulog ko nalang agad. Ayoko ng ganito, daming di ko pwedeng gawin. Nakakapanlumo, nakakalungkot. Sana nga okay lang ako.
No comments:
Post a Comment