Friday, 29 January 2016

Entry (01/30/2016)

Escaping is the thing what I am doing. I want pain to let me go. I feel so hopeless. I can take it anymore. I just found myself, travelling to a place that I never know. Yes, I am here somewhere far from my home. I am not sure at this, but all I want is peace. I am to hurt by his words, yeah I feel so betrayed. How can he tell me he loves me if always thinks many negative things about me. It is not what I want to happened. I hurt by his words. His accusations strikes me in pain, that all I want is to cry, but how can I do that, I don't have someone to show my weakness. His not proud of me, he doesn't really cares about my feeling. He cares those shits, he cares for those people that might thing he is not worth, that he is nothing. It is easy to forget those physical pains, but emotions are hard. 


I'm here for I don't know why, please I need someone to talk, so that I can get out of this place. I don't want to be alone like this. 

Entry (01/29/2016)

Kanina, tinapos ko na yung relasyon namin ni Mikko. Sa totoo lang ayoko ng ganoong ending, pero wala ee, magtatalo lang kami ulit. He alsways give meanings sa mga post ko sa facebook even shares lang. I don't know. Pero siya naman itong laging nagpapatama sa akin sa facebook ee, sila ng mga kaibigan niyang babae, I feel hopeless kapag ganoon na, kasi isa na siya sa nagsasabi sakin ng di maganda, mas masakit yung hindi pa ideretso, I feel betrayed. 


Isa pa sa sabi niya sakin, ano nalang daw iisipin ng tao sa mga pinopost ko, sa isip ko naman wala naman ibig sabihin lagi niyang binigbigyan ng ibang meaning. Sometimes idioms yung post ko, and what I really feel about nothing between us. Lagi niya binibigyan ng meanings, sa mga babae siya nagtatanong na friends nya, about what they think the meaning of those. Pero wala ee, ano nalang ba sasabihin non, syempre puro negative diba? even his bestfriend. I'M TIRED. 


Sabi niya sakin, nakakahiya daw sa iba yung post ko, wala naman akong ginawang masama. Ano nalang daw sasabihin ng iba, na wala siyang kwenta. lagi niyang iniisip yung sasabihin ng iba! Sakin ba? iniisip niya kaya? Nahihiya din ba sya sakin? Well isa lang ibig sabihin non, masyado nya akong ikinahihiya.


Move On.

Tuesday, 26 January 2016

Entry (01/27/2016)

Tatlong taon, oo magtatatlong taon na halos ang lumipas. Hanggang ngayon nakabaon pa din ako sa nakaraan. Binabalikan pa din ako ng bangungot na nangyari sa akin. Gusto ko na humingi ng tulong gusto ko na magpagamot, sumailalim sa therapy, kaso iisipin nila baliw ako kapag ginawa ko iyon. Araw-araw bumabalik na naman yung ala-ala ko, yung galit sa puso ko nabubuhay na ng matagal. Gusto ko na kumawala sa nakaraan, pagod na pagod na ako isipin yung nangyari 3 years ago. Hanggang ngayon natatakot pa din ako na baka isang araw magtagpo ulit ang landas namin. Sinira niya ang buhay ko, pinahirapan, tinakot, pinagbantaan, at pinagsamantalahan ang kahinaan ko. Sa tuwing nakakakita ako ng taong kagaya ng ugali niya, bumabalik yung takot ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Makakita lang ako ng kahawig niya kinikilabutan na ako. Sana naging matapang ako noon, sana isinumbong ko siya. Sana ipinaalam ko sa magulang ko ang totoong nangyayari sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko, araw-araw naririnig ko ang boses niya, sa panaginip ko bigla siyang pumapasok. Nababaliw na ako sa tindi ng nararamdaman ko, gusto ko na matapos ito. 


Sobrang galit ng puso ko na handa akong gumanti pagdating ng araw. Sobrang trauma ang inabot ko sa kamay niya. Kaya ako nagpupursigi sa pag-aaral ko, dahil gusto ko paghandaan ang araw na makakasalubong ko siya, at sisiguraduhin kong maghihirap siya. Lahat ng plano ko nasira, nawala ang plano ko. Sinira niya yung buhay ko. Habang iniisip ko na ang saya saya niya at malaya habang ako nakakulong sa nakaraan, lalong nabubuhay ang galit sa puso ko. 


Napapagod na ako, gusto ko na matahimik. 


Tulungan niyo ako. 

Sunday, 24 January 2016

I Quit (Emotional Entry 01/24/2016)

Minsan mahirap talagang makisama, ang hirap kasi ang daming iniisip.


Yung pakiramdam ko sa relasyon namin, ang hirap na. Sibrang paranoid niya, minsan natatakot na ako sa kanya. Natatakot ako sa mga salita nya, yung pagiging sarcastic nya sumagot sa tuwing magsasabi ako na aalis ako kasama ang friends ko. Yung paghihigpit nya sakin, natatakot ako, nakikita ko sa kanya yung taong ayaw ko makasama. Wag ko daw siya icompare sa ex ko, pero yung pinakikita niya, ganoon din yun. Lalo niya akong inilalayo sa kanya. Lahat nalang ng gagawin ko may meaning sa kanyang hindi maganda, lahat ng sasabihin ko ipopost ko sa facebook lahat may ibang meaning. Lagi nalang niya nilalagyan ng meaning. Sakin ba may narinig ba syang binigyan ko ng meaning sa mga pinagsasabi niya at pinopost niya sa facebook? Wala akong sinasabi, kahit na hindi maganda yung mga post niya sa facebook, lagi niya ako pinatatamaan sa post niya pag di kami okay, dinaig niya pa babae, pero wala naman akong sinasabi sa kanya about doon. Gusto ko kausapin yung bestfriend niya kasi masyado na nakikialam sa relasyon namin, pero pinipigil ko sarili ko, kasi bestfriend niya iyon. Babae din naman ako, alam niyo yung pakiramdam na kapag may gusto ang kapwa mo babae sa lalaki. Nung inopen ko sa kanya na feeling ko ganoon, tinawanan niya ako. Hindi naman ako nakikipagbiruan, makikialam ba ng ganoon lang yung bestfriend niya kung wala lang, na parang ako pa yung masamang masama, tapos hindi man lang nya ako dinedepensahan? Tapos tatanong siya kung ano ko sya, na boyfriend ko siya? Oo boyfriend ko sya, pangalan lang iyon, sana naman maramdaman ko. Hindi na nga nagkikita lagi pang nagtatalo, nag-aaway. Napapagod na nga ako sa relasyon ito. Sobrang pagod na ako, pero pinipilit ko kumapit, baka sakaling masagip pa, pero wala ee, parang hindi ko na talaga kayang kumapit pa. Nasasakal na naman ako. 


Sabi niya, buti sa friends may time ako makipagbonding, nsabi ko, "bakit? asan ka ba? ako bang may gustong lumayo ka at pumunta jan sa probinsya? di ba hindi naman ako?". Ewan ko ba, minsan nalang kami magkausap ng maayos, hindi na kami nagkikita ee, ang saya diba? wala naman akong magagawa ee. Tsaka last time na nagkita kami, nag-away lang kami. Bakit? kasi ayaw ko na nga iopen yung topic about sa pagpunta ko sa kanila, pilit siya ng pilit. Ee wala namang magbabago sa sagot niya ee. HINDI PA DIN PWEDE! Tang*na alam niyo yung pakiramdam? Goodness ang tanda na namin, magtatago pa din ba kami ng relasyon? Pwede syang bumisita sa bahay namin, para naman makilalaka ng husto ng tao sa bahay. Tapos ako, gusto ko pumunta sa bahay nila kasi gusto ko na makilala ako ng pamilya nya, oo nakapunta ako sa kanila noon, pero nakausap ko ba siya? diba hindi naman kasi birthday nya non ee. isang beses lang iyon. Tapos sasabihin nya lagi sakin bawal pa nga ee, ayaw ng mama nya. Feeling ko sya lang naman may ayaw, kasi nung nakaharap ko naman mama nya, okay naman. Wala ee, turing nya sa sarili nya bata pa din. Parang highschool lang, hangang facebook lang.


Tapos, ang tagal na namin, pero hindi niya alam sched ng pasok ko. Minsan natawag pa din siya ng may klase ako, tapos itatanong nasan ako. Malamang nasa school ako diba kasi may klase ako, hindi daw ako nagtext o nagchat sa kanya, wala akong load paano ko magagawa iyon? malelate na nga ako, magagawa ko pa bang magload? Masyado na kasi syang paranoid, kaya minsan pakiramdam ko wala na syang tiwala sakin. Minsan nagmumukha na akong tanga kakapaintindi sa kanya ng bagay, pero wala ee, lagi akong mali sa kanya, wala na akong itinama. Gusto niya kasing mangyari, maranasan ko kung paano siya pinalaki ng magulang niya na sobra siyang hinigpitan. My goodness, magkaiba kami, SOBRANG MAGKAIBA.

 Ayoko na, hindi ko na kaya, akala ko tapos na yung issue na babaguhin nya ako, yun pala may balak pa din sya. Hindi niya ba ako tanggap? edi sana pala sa umpisa palang hindi na niya ako niligawan kasi wala namang kwenta kung babaguhin lang nya ako. Tama na . hindi ko na kaya ituloy pa, hindi kona nakikita yung sarili ko na kasama yung taong walang gustong gawin kundi maging perpekto ako sa paningin niya. 


I quit.

Friday, 1 January 2016

Missing Blog Dates Entry Before the Year End (16-21)

Pagsasama-samahin ko na since nawalan ako ng oras sa pagsusulat ng blog ko. Madami kasi masyadong nangyari kaya hindi ko na naasikaso. Haysss. Ito na sisimulan ko na!


December 15,2015

Bagyo bagyo bagyo, bow, ayun lang. Hahahah syempre echoz, simula  ng simbang gabi,kaya simba simba muna ang beauty ko kahit bumabagyo. Pero kaloka talaga nagsimba kami ni sister ko, aba may imbyernang babae sa simbahan. Hindi naman ako tinarayan. Pero kaloka sa outfit sa simbahan sarap upakan! ABA Short short ba naman sa MISA. Ay super lakas, LAKAS NG LOOB. Sana di na siya lumabas ng bahay nila. HARD ko!


December 16,2015

Crying out loud ang barkada ! Aba bagyo pa din, no classes! At kinabukasan na ang most awaited Star City naming lahat! ABA! Ito na ang great time of all time namin!


December 17,2015

Naganap na ang inaasam asam ng mga kabataang kagaya ko! HAHAHA Star City with audi friends. HAHAHAHAHA Hindi talaga ako prepared, seryoso kasi wala man lang akong regalo ng mga oras na ito, inagahan ko pa ang pagpunta sa meeting place namin sa SM Manila para bumili ng kung ano-ano! hahahah pero ayun nakabili BLUE MAGIC ang bagsak. Pinahirapan naman kasi ako ng piste tuta na yon. HAHAHAHAHAHA


Ang nangyari ay anim lang kami instead of pito. Hindi nakasama si Meryl, yung bibigyan ko ng gift HAHAHAHAH! Kaya ako, si Mikee, G, Hazel, Eka, at Chy lang ang magkakasama. So sad di na anamn kumpleto. HAHAHAHAHAHAH. Madami nanyare, ayoko na isa-isahin. PERO MASAYA!


December 18,2015

Kinabukasan maaga ako gumising, choz lang (talagang kinakarir ko na na ang pag-iisa isa sa taambuhay ko! walang kokontra! MAGANDA AKO EE!) Pumunta ako kela Mikee kasi magpupunta kami sa SMB kasama si Eka, hindi kasi ako natulog sa bahay nila, mas pinili kong umuwi sa bahay. HAHAHAHA


May kasama pa kaming isa na never ko pa nakita, hahaha, si Ishtel! naglalaro din siyang audi. Naging kaclose ko din agad, syempre girls! HAHAHAH hanggang sa umuwi na si Eka sa kanila, naiwan kami nila Ish at Mikee, at pumunta sa house nila Mikee,, oo na naman! HAHAHAHAH! Kumain kaming Siomai at Puto Bumbong doon at nakipagskype kela G at Eka! hahahaha  ! at pag sapit ng 11pm ay umuwi na, kahit bongga ang ulan.


December 20, 2015

Ito yung time na super nabadtrip ako kasi ba naman pinag-uusapan ako nila Mikko at ng Bestie niya :3 Hayss. Dahil sa pag -alis alis ko daw at gabi na ako umuwi, duh! sabi niya okay na yon, minsan lang ako umalis! Grabehan, ibabalik na naman ba niya kung ano yung unang napag-awayan namin? Ayoko ng ganoon. Kaya nagmessage ako sa kanila na, gusto ko naman mag-enjoy with friends kahit minsan lang. Tsaka stress din naman ako sa mga nalaman ko sa buhay ko, na may sakit ako na di na gagaling, tapos bawal pa akong mag-isip ng kung ano-ano , lahat ng sobrang emosyon bawal. Sobrang sumama loob ko non, sabi ko na baka mamaya isang araw bigla nalang ako mawala anong malay ba naman.


That time masama na pakiramdam ko, yung tyan ko masakit at nilalagnat ako, pero keri lang. Kinaya ko nalang. Basta go lang ng go. Pahinga ako nento sa bahay ee. Umalis lahat sila, ako lang at bunso namin nasa bahay. So wala akong masabihan na masama pakiramdam ko.


December 21,2015

Nagising ako ng 2am, sobrang sama ng pakiramdam ko, ang sakit sakit ng tyan ko nento. ABA! hindi na ako nakatulog dahil sa LBM at Pagsusuka. Halos wala ng natira sa tyan ko pero suka pa din ng suka at LBM, super lupaypay na ako non. Tapos nagising sila mama kasi pabalik-balik ako sa cr, naririnig pala na suka ako ng suka. Then pinakain ako ng lugaw na binili ni papa that time, kaso nganga, hindi ko talaga kaya kumain. Uminom nalang ako ng gamot na hindi ko alam kung ano ba iyon basta dalawa iyon. Tapos nakaidlip ako, Pag gising ko, yare na naman ganon ulet. Bago boom bagsak, bumagsak ako buti sa kama sa baba.


Tapos pumunta na kami hospital ni Papa, hirap maglakad, kasi talagang wala na akong energy; nagsuka pa ulit ako sa kanto. Then sa Talaba, waiting kami ng masasakyan. Napapagod na ako hindi ko na kaya. Kapit lang ako sa Papa ko. Hanggang sa biglang wala na akong makita, nagkulay white yung paningin ko, natakot ako. Tapos gusto ko na matulog nalang kasi di ko na kaya. Babagsak na ako non pero hawak ako ni Papa. Sabi ko maghanap na sya ng taxi, mauupo muna ako dahil nanghihina na ang tuhod ko.


Ayun nga dumating kami sa ospital kinabitan agad ako ng swero. Naconfine din ako doon at 23 na ako lumabas.