Tuesday, 26 January 2016

Entry (01/27/2016)

Tatlong taon, oo magtatatlong taon na halos ang lumipas. Hanggang ngayon nakabaon pa din ako sa nakaraan. Binabalikan pa din ako ng bangungot na nangyari sa akin. Gusto ko na humingi ng tulong gusto ko na magpagamot, sumailalim sa therapy, kaso iisipin nila baliw ako kapag ginawa ko iyon. Araw-araw bumabalik na naman yung ala-ala ko, yung galit sa puso ko nabubuhay na ng matagal. Gusto ko na kumawala sa nakaraan, pagod na pagod na ako isipin yung nangyari 3 years ago. Hanggang ngayon natatakot pa din ako na baka isang araw magtagpo ulit ang landas namin. Sinira niya ang buhay ko, pinahirapan, tinakot, pinagbantaan, at pinagsamantalahan ang kahinaan ko. Sa tuwing nakakakita ako ng taong kagaya ng ugali niya, bumabalik yung takot ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Makakita lang ako ng kahawig niya kinikilabutan na ako. Sana naging matapang ako noon, sana isinumbong ko siya. Sana ipinaalam ko sa magulang ko ang totoong nangyayari sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko, araw-araw naririnig ko ang boses niya, sa panaginip ko bigla siyang pumapasok. Nababaliw na ako sa tindi ng nararamdaman ko, gusto ko na matapos ito. 


Sobrang galit ng puso ko na handa akong gumanti pagdating ng araw. Sobrang trauma ang inabot ko sa kamay niya. Kaya ako nagpupursigi sa pag-aaral ko, dahil gusto ko paghandaan ang araw na makakasalubong ko siya, at sisiguraduhin kong maghihirap siya. Lahat ng plano ko nasira, nawala ang plano ko. Sinira niya yung buhay ko. Habang iniisip ko na ang saya saya niya at malaya habang ako nakakulong sa nakaraan, lalong nabubuhay ang galit sa puso ko. 


Napapagod na ako, gusto ko na matahimik. 


Tulungan niyo ako. 

No comments:

Post a Comment