I love Drama and I am Dramatic. If you don't want to read my problems then don't. Just leave.
Sunday, 18 September 2016
Wednesday, 13 April 2016
Open Letter (04/13/2016)
Mukang mapapadalas na naman ang pagtakbo ko sa pahinang ito. Bakit? Dahil sa aking nararamdaman. Oo, wala akong mapagsabihan, pero ano pa nga bang magagawa ko? Kahit siya ayaw nya akong kausapin. Ano ba ako? Hindi naman kasi nya ako mahal gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Lahat naman ginagawa ko. Pero patuloy mo akong sinasaktan.
Kagabi, mas lalo akong nagising sa katotohanang hindi mo nga talaga ako priority. Nagpunta ako sa inyo kasi gusto kita makita, monthsary nga natin diba? Nangako ka na naman na magkikita tayo, this time na aalis at magcecelebrate tayo, pero nadismaya ako ng sobra kasi hindi tayo natuloy kasi umalis ka din kahapon at gabi ka na makakauwi sabi mo. Okay lang, naiintindihan ko naman na may ibang bagay na dapat unahin kaysa sakin. Okay lang sakin iyon. Kaso nagPPM ako sayo nung gabi kung asan ka na, na magPM ka sakin pagnakauwi ka na at magkita nalang tayo kahit saglit lang. Kaso anong oras na nun, 8:32pm nagPM ako ulit na asan ka na, sumagot ka sabi mo asa bahay ka, 7pm ka nakauwi. Tapos ako, naasar na, isang oras kalahati ka na nasa inyo, pero di mo man lang magawang magPM. Dahilan mo nagpahinga ka, isang PM lang naman, ano bang nakakapagod doon. So sabi ko puntahan nalang kita sa bahay niyo kasi andon ka naman.
Nagpunta ako, pero nakita kita nasa shop ka, sabi mo nasa bahay ka. Sinungaling ka, hindi mo kayang masabi sakin ng totoo. So ako tahimik lang habang ikaw hindi mo na naman ako pinapansin. Masama ang loob ko, pero tinatatagan ko. Nagout ka sa shop, nagpunta tayo sa inyo, tapos dedma lang, nanuod ka lang ng anime. Wala hindi mo man lang ako napapansin, yung bigat ng nararamdaman ko. Hanggang sa nagCR ako, doon ako umiyak, inilabas ko yung iyak ko, ayoko pakita sayo, hanggang sa sobrang bigat na, nanikip yung dibdib ko, naghanap ako ng gamot ko, pero wala pala akong dala. Nagpapanic na ako, hindi ko alam gagawin ko, sobrang sakit ng dibdib ko, ilang days ko na kasi nararamdaman yung pananakit nun. Sumobra pa kagabi gawa ng pagiyak at sama ng loob ko. Nung bumalik ako kung nasaan ka, sabi mo ang putla ko, oo masama pakiramdam ko, idagdag mo pa buong maghapon wala akong kinakain. Sabi mo umuwi na ako, sabi ko saglit lang, sige ka pa ng sige, halos itaboy mo na ako, kulang nalang kaladkarin mo ko palabas ng bahay niyo. NagCR ako ulit, umiyak ako ng umiyak, hanggang sa nanginginig na yung katawan ko kasi inaatake na ako ng sakit ko. Kala ko magcocollapse ako, ayoko magcollapse. Nakakatakot yung huling sinugod ako sa hospital, ayoko doon. Ayokong uminom ng maraming gamot, hindi na nga ako nagmmaintain ng gamot ee. Pagod na pagod na ako. Hinahayaan na lang nga kita sa kung anong ginagawa mo , kahit nasasaktan na ako ee, kasi ayokong mag-isip ng kung ano ano. Kasi bawal sakin iyon.
Kung may nangyaring masama sakin sa daan kagabi, hinding hindi kita mapapatawad. Hindi hindi talaga. Hahayaan mo lang ako sa ganung sitwasyon. Lalaki ka ba? Magpakalalaki ka, lagi kang tumatakbo. Responsibilidad mo ako that time kasi ikaw ang kasama ko. Pero ipinaramdam mo sakin yung pakiramdam na mamamatay nalang ako ng walang kalaban-laban.
Ayoko na, nagawa ko na ang lahat, suko na ako.
Pero bakit ganon mahal pa din kita!
Tuesday, 15 March 2016
Entry 03/15/2016
Miss na miss na kita :( Bakit ganoon ayaw mo man lang magparamdam. Hindi mo ba gets na gusto ko kausapin mo ako. Na hanapin mo ako. Nasabihin mo sakin, "Love sorry na mahal din kita, wag kana umiyak, wag ka na magdrama". Haysss please sana makasalubong kita sa daan. Gusto na kitang yakapin. Sobrang miss na kita.
Monday, 14 March 2016
Missing.
Umalis ako ng Cavite ngayon, nagdeactivate ng account sa Facebook. Nasasaktan kasi ako sa ipinararamdam niya sakin. Bakit ganoon siya? Ang labas ako pa ang may ginawang masama? Ako ang mali? Ano ba ginawa ko? Ang taas ng pride niya, hindi ko maabot. Bakit ganoon siya? Bakit kailangan niya ako tiisin ng ganoon. Girlfriend niya ako diba? Ako pa ba dapat ang magsorry sa kanya? Wala naman ako ginawa ee. Ang sama ng loob ko sa kanya, sobrang nagtatampo ako. Hindi na nga ako binati nung monthsary namin ee, pero ayos lang tinanggap ko naman dahilan niya. Pero ang cold niya talaga sa akin. Mula ata nung sinabi ko na parang pakiramdam ko nawalan siya ng respeto sakin sa ginawa niya. May point naman ako dun ee. Sana sa maayos na paraan diba, inilugar niya sana. Hahataw naman ako ee. Gusto ko naman ee. Kaya ko naman ee.
Sana siya ang unang kumausap sakin, kasi ako nawawalan na ako ng respeto sa sarili ko sa ginagawa niya. Ang sakit sakit na tapos ang mangyayari pa titiisin niya ako. kakaiyak na :( lagi nalang ako naiyak :( Tama na kung ayaw mo sabihin mo na agad. Hindi yung naghihintay ako na kausapin mo ako, miss na miss na kita kung alam mo lang. Mahal na mahal naman kita alam mo yan. pero bakit ganito.
I love you kahit sobrang sakit na, ayaw kita mawala sakin.
Sunday, 13 March 2016
Silent Crying (03/13/2016)
Kamusta? Ako? Syempre hindi ako okay. Mukha ba akong okay? Malamang hindi. hello. Welcome to the world CARISSA!
Magkasama nga'y parang hindi naman. Ang saya ko naman talaga. Pero yemuna, wala namang mangyayari kung magdadrama pa ako. Drama ko, aliw ko. Wow! Ang saya ko.
Hindi ba niya nararamdaman yung sama ng loob at tampo ko sa kanya? SEEN na nga. Deadma lang. Mahal niya ba ako? O paranoid na naman ako? Ewan ko. hindi ko na alam. Ang bigat na ng dibdib ko. Sana pala hindi na ako nagpunta dito sa lugar na ito. Gusto ko na naman umiyak sa coldness niya. Hayssss, nagmamahal ako ng manhid.
Pero mahal ko talaga kaya yemuna ulet. Tiis nalang, konting kagat sa labi para di matuloy yung luha ko. Bwisit naman kasi yung luha sa mata ko, eeksena na naman, Wag na makigulo please. -____-
Hayssss. Uwi nalang kaya ako. O kaya alis nalang ako. Pero hindi, sige kaya ko pa naman.
Saturday, 12 March 2016
Saddest Day
Nakakapagod pero ginagawa ko pa din. HA HA HA HA HA. PTI baliw na ako. Oo baliw ako pagdating sa kanya. (Sya kaya baliw sakin?) Hindi ko alam, kinalimutan na nga ata ako ee. Hello Girlfriend lang naman ako ee, walang kaso kahit kalimutan niya ako. (Bakit ako naiyak?) Hindi ko alam sa mata ko, parang tanga lumuluha kusa.
Para na akong tanga na naman, kausap na naman ang sarili. Hayssss. Baliw nga talaga ako. Walang duda. Buhay nga naman. Nakakaurat. Pakamatay nalang kaya ako, tutal ganoon din naman mangyayari, may sakit din naman ako, wag na ako magpagamot. Bawal sakin magdrama, pero nganga ginagawa ko pa din. HA HA HA HA HA (Pain Scale Level as of NOW?) PSL 6 palang hindi pa ganoon kasakit ang dibdib ko. Uminom ako ng gamot. Mga dalawa para intense na intense ako magdrama. O diba talino ko, pag nakasama yung gamot sakin, tegi agad. HA HA HA HA HA
Hello F****** Q*****, ang nag-iisa kong mahal at aking Boyfriend, sana po pansinin mo ako sana po maalala mo po ako. Kasi ako nasa isip lang kita hindi ka mawala. Nasa puso din kita hindi kita papalitan, ako kaya nandyan pa din sa puso mo? Sana ako lang laman niyan. Isang malaking SANA. Sabihin mo na naman madrama ako, Oo madama ako. Ee sa nagtatampo na talaga ako sayo. Sobrang nagtatampo pero hindi mo maramdaman, namanhid ka na naman ba? Love? anjan ka pa ba? Hindi ka pa naman aalis diba? Mahal mo naman ako diba? Kasi ako mahal na mahal kita. I love you love. Kahit ang cold mo sakin.
</3
Monthsary Lang Walang Happy
Ang bigat pala talaga sa dibdib pag nakalimutan ka. Hinintay ko siya kasi sabi niya aalis siya. Kaso nung nakauwi na siya tinanong ko kung magkikita kami sabi niya, sleepy siya, masakit ulo. Pero sana naman naisipi niya kung anong araw ba ngayon. Binati ko naman siya sa FB, pero mukang hindi niya pinansin iyon. Oo ang sensitive ko, pero kasi naman ee, pakiramdam ko kinalimutan ako. Ang sakin kaya non. Iyak ako ng iyak sa bahay. Kahit ng Good Morning wala ako natanggap. Ganon nalang ba iyon?
Nakakasama ng loob, pero yaan na yan. Wala naman na akong magagawa, hindi nalang ako kikibo. Kunware okay lang lahat. Kunware hindi ako nagtatampo. Kunware hindi ako nasasaktan.
Friday, 11 March 2016
Entry MARCH.
Makakapagpost din sa tinagal-tagal ng panahon, Ano na balita sa buhay ko? MASAYA naman ako. PAKELAM niyo. HAHAHAHAHAHAH
February 12, 2016 kami na ni FRANCIS, Oo kami na nga, sigurado ako doon, kasi may araw na ee.. PAKELAM niyo? Bakit? Gusto ko ee, Mahal ko ee, NOON pa man, Sumusunod na ako sa kanya, bakit? MAHAL ko nga diba. Iniyakan ko na noon? Oo Maraming beses. Bakit tinanggap ko? MAHAL ko nga kasi. OO GANOON KO SIYA KAMAHAL.
Thursday, 18 February 2016
I'm Free, Oh yes I'm FREE
Definitely I forgot everything what happened few weeks ago. HAHAHAHAHAHA In short I've already move on. Thats it. I feel happy, so much happy to considered many things and opportunity in my life. I am happy to do whatever I want. I am so happy because I am so free to do what makes me happy. It's like I can fly again with my own wings and I love the feeling.
Friday, 29 January 2016
Entry (01/30/2016)
Escaping is the thing what I am doing. I want pain to let me go. I feel so hopeless. I can take it anymore. I just found myself, travelling to a place that I never know. Yes, I am here somewhere far from my home. I am not sure at this, but all I want is peace. I am to hurt by his words, yeah I feel so betrayed. How can he tell me he loves me if always thinks many negative things about me. It is not what I want to happened. I hurt by his words. His accusations strikes me in pain, that all I want is to cry, but how can I do that, I don't have someone to show my weakness. His not proud of me, he doesn't really cares about my feeling. He cares those shits, he cares for those people that might thing he is not worth, that he is nothing. It is easy to forget those physical pains, but emotions are hard.
I'm here for I don't know why, please I need someone to talk, so that I can get out of this place. I don't want to be alone like this.
Entry (01/29/2016)
Kanina, tinapos ko na yung relasyon namin ni Mikko. Sa totoo lang ayoko ng ganoong ending, pero wala ee, magtatalo lang kami ulit. He alsways give meanings sa mga post ko sa facebook even shares lang. I don't know. Pero siya naman itong laging nagpapatama sa akin sa facebook ee, sila ng mga kaibigan niyang babae, I feel hopeless kapag ganoon na, kasi isa na siya sa nagsasabi sakin ng di maganda, mas masakit yung hindi pa ideretso, I feel betrayed.
Isa pa sa sabi niya sakin, ano nalang daw iisipin ng tao sa mga pinopost ko, sa isip ko naman wala naman ibig sabihin lagi niyang binigbigyan ng ibang meaning. Sometimes idioms yung post ko, and what I really feel about nothing between us. Lagi niya binibigyan ng meanings, sa mga babae siya nagtatanong na friends nya, about what they think the meaning of those. Pero wala ee, ano nalang ba sasabihin non, syempre puro negative diba? even his bestfriend. I'M TIRED.
Sabi niya sakin, nakakahiya daw sa iba yung post ko, wala naman akong ginawang masama. Ano nalang daw sasabihin ng iba, na wala siyang kwenta. lagi niyang iniisip yung sasabihin ng iba! Sakin ba? iniisip niya kaya? Nahihiya din ba sya sakin? Well isa lang ibig sabihin non, masyado nya akong ikinahihiya.
Move On.
Tuesday, 26 January 2016
Entry (01/27/2016)
Tatlong taon, oo magtatatlong taon na halos ang lumipas. Hanggang ngayon nakabaon pa din ako sa nakaraan. Binabalikan pa din ako ng bangungot na nangyari sa akin. Gusto ko na humingi ng tulong gusto ko na magpagamot, sumailalim sa therapy, kaso iisipin nila baliw ako kapag ginawa ko iyon. Araw-araw bumabalik na naman yung ala-ala ko, yung galit sa puso ko nabubuhay na ng matagal. Gusto ko na kumawala sa nakaraan, pagod na pagod na ako isipin yung nangyari 3 years ago. Hanggang ngayon natatakot pa din ako na baka isang araw magtagpo ulit ang landas namin. Sinira niya ang buhay ko, pinahirapan, tinakot, pinagbantaan, at pinagsamantalahan ang kahinaan ko. Sa tuwing nakakakita ako ng taong kagaya ng ugali niya, bumabalik yung takot ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Makakita lang ako ng kahawig niya kinikilabutan na ako. Sana naging matapang ako noon, sana isinumbong ko siya. Sana ipinaalam ko sa magulang ko ang totoong nangyayari sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko, araw-araw naririnig ko ang boses niya, sa panaginip ko bigla siyang pumapasok. Nababaliw na ako sa tindi ng nararamdaman ko, gusto ko na matapos ito.
Sobrang galit ng puso ko na handa akong gumanti pagdating ng araw. Sobrang trauma ang inabot ko sa kamay niya. Kaya ako nagpupursigi sa pag-aaral ko, dahil gusto ko paghandaan ang araw na makakasalubong ko siya, at sisiguraduhin kong maghihirap siya. Lahat ng plano ko nasira, nawala ang plano ko. Sinira niya yung buhay ko. Habang iniisip ko na ang saya saya niya at malaya habang ako nakakulong sa nakaraan, lalong nabubuhay ang galit sa puso ko.
Napapagod na ako, gusto ko na matahimik.
Tulungan niyo ako.
Sunday, 24 January 2016
I Quit (Emotional Entry 01/24/2016)
Minsan mahirap talagang makisama, ang hirap kasi ang daming iniisip.
Yung pakiramdam ko sa relasyon namin, ang hirap na. Sibrang paranoid niya, minsan natatakot na ako sa kanya. Natatakot ako sa mga salita nya, yung pagiging sarcastic nya sumagot sa tuwing magsasabi ako na aalis ako kasama ang friends ko. Yung paghihigpit nya sakin, natatakot ako, nakikita ko sa kanya yung taong ayaw ko makasama. Wag ko daw siya icompare sa ex ko, pero yung pinakikita niya, ganoon din yun. Lalo niya akong inilalayo sa kanya. Lahat nalang ng gagawin ko may meaning sa kanyang hindi maganda, lahat ng sasabihin ko ipopost ko sa facebook lahat may ibang meaning. Lagi nalang niya nilalagyan ng meaning. Sakin ba may narinig ba syang binigyan ko ng meaning sa mga pinagsasabi niya at pinopost niya sa facebook? Wala akong sinasabi, kahit na hindi maganda yung mga post niya sa facebook, lagi niya ako pinatatamaan sa post niya pag di kami okay, dinaig niya pa babae, pero wala naman akong sinasabi sa kanya about doon. Gusto ko kausapin yung bestfriend niya kasi masyado na nakikialam sa relasyon namin, pero pinipigil ko sarili ko, kasi bestfriend niya iyon. Babae din naman ako, alam niyo yung pakiramdam na kapag may gusto ang kapwa mo babae sa lalaki. Nung inopen ko sa kanya na feeling ko ganoon, tinawanan niya ako. Hindi naman ako nakikipagbiruan, makikialam ba ng ganoon lang yung bestfriend niya kung wala lang, na parang ako pa yung masamang masama, tapos hindi man lang nya ako dinedepensahan? Tapos tatanong siya kung ano ko sya, na boyfriend ko siya? Oo boyfriend ko sya, pangalan lang iyon, sana naman maramdaman ko. Hindi na nga nagkikita lagi pang nagtatalo, nag-aaway. Napapagod na nga ako sa relasyon ito. Sobrang pagod na ako, pero pinipilit ko kumapit, baka sakaling masagip pa, pero wala ee, parang hindi ko na talaga kayang kumapit pa. Nasasakal na naman ako.
Sabi niya, buti sa friends may time ako makipagbonding, nsabi ko, "bakit? asan ka ba? ako bang may gustong lumayo ka at pumunta jan sa probinsya? di ba hindi naman ako?". Ewan ko ba, minsan nalang kami magkausap ng maayos, hindi na kami nagkikita ee, ang saya diba? wala naman akong magagawa ee. Tsaka last time na nagkita kami, nag-away lang kami. Bakit? kasi ayaw ko na nga iopen yung topic about sa pagpunta ko sa kanila, pilit siya ng pilit. Ee wala namang magbabago sa sagot niya ee. HINDI PA DIN PWEDE! Tang*na alam niyo yung pakiramdam? Goodness ang tanda na namin, magtatago pa din ba kami ng relasyon? Pwede syang bumisita sa bahay namin, para naman makilalaka ng husto ng tao sa bahay. Tapos ako, gusto ko pumunta sa bahay nila kasi gusto ko na makilala ako ng pamilya nya, oo nakapunta ako sa kanila noon, pero nakausap ko ba siya? diba hindi naman kasi birthday nya non ee. isang beses lang iyon. Tapos sasabihin nya lagi sakin bawal pa nga ee, ayaw ng mama nya. Feeling ko sya lang naman may ayaw, kasi nung nakaharap ko naman mama nya, okay naman. Wala ee, turing nya sa sarili nya bata pa din. Parang highschool lang, hangang facebook lang.
Tapos, ang tagal na namin, pero hindi niya alam sched ng pasok ko. Minsan natawag pa din siya ng may klase ako, tapos itatanong nasan ako. Malamang nasa school ako diba kasi may klase ako, hindi daw ako nagtext o nagchat sa kanya, wala akong load paano ko magagawa iyon? malelate na nga ako, magagawa ko pa bang magload? Masyado na kasi syang paranoid, kaya minsan pakiramdam ko wala na syang tiwala sakin. Minsan nagmumukha na akong tanga kakapaintindi sa kanya ng bagay, pero wala ee, lagi akong mali sa kanya, wala na akong itinama. Gusto niya kasing mangyari, maranasan ko kung paano siya pinalaki ng magulang niya na sobra siyang hinigpitan. My goodness, magkaiba kami, SOBRANG MAGKAIBA.
Ayoko na, hindi ko na kaya, akala ko tapos na yung issue na babaguhin nya ako, yun pala may balak pa din sya. Hindi niya ba ako tanggap? edi sana pala sa umpisa palang hindi na niya ako niligawan kasi wala namang kwenta kung babaguhin lang nya ako. Tama na . hindi ko na kaya ituloy pa, hindi kona nakikita yung sarili ko na kasama yung taong walang gustong gawin kundi maging perpekto ako sa paningin niya.
I quit.
Friday, 1 January 2016
Missing Blog Dates Entry Before the Year End (16-21)
Pagsasama-samahin ko na since nawalan ako ng oras sa pagsusulat ng blog ko. Madami kasi masyadong nangyari kaya hindi ko na naasikaso. Haysss. Ito na sisimulan ko na!
December 15,2015
Bagyo bagyo bagyo, bow, ayun lang. Hahahah syempre echoz, simula ng simbang gabi,kaya simba simba muna ang beauty ko kahit bumabagyo. Pero kaloka talaga nagsimba kami ni sister ko, aba may imbyernang babae sa simbahan. Hindi naman ako tinarayan. Pero kaloka sa outfit sa simbahan sarap upakan! ABA Short short ba naman sa MISA. Ay super lakas, LAKAS NG LOOB. Sana di na siya lumabas ng bahay nila. HARD ko!
December 16,2015
Crying out loud ang barkada ! Aba bagyo pa din, no classes! At kinabukasan na ang most awaited Star City naming lahat! ABA! Ito na ang great time of all time namin!
December 17,2015
Naganap na ang inaasam asam ng mga kabataang kagaya ko! HAHAHA Star City with audi friends. HAHAHAHAHA Hindi talaga ako prepared, seryoso kasi wala man lang akong regalo ng mga oras na ito, inagahan ko pa ang pagpunta sa meeting place namin sa SM Manila para bumili ng kung ano-ano! hahahah pero ayun nakabili BLUE MAGIC ang bagsak. Pinahirapan naman kasi ako ng piste tuta na yon. HAHAHAHAHAHA
Ang nangyari ay anim lang kami instead of pito. Hindi nakasama si Meryl, yung bibigyan ko ng gift HAHAHAHAH! Kaya ako, si Mikee, G, Hazel, Eka, at Chy lang ang magkakasama. So sad di na anamn kumpleto. HAHAHAHAHAHAH. Madami nanyare, ayoko na isa-isahin. PERO MASAYA!
December 18,2015
Kinabukasan maaga ako gumising, choz lang (talagang kinakarir ko na na ang pag-iisa isa sa taambuhay ko! walang kokontra! MAGANDA AKO EE!) Pumunta ako kela Mikee kasi magpupunta kami sa SMB kasama si Eka, hindi kasi ako natulog sa bahay nila, mas pinili kong umuwi sa bahay. HAHAHAHA
May kasama pa kaming isa na never ko pa nakita, hahaha, si Ishtel! naglalaro din siyang audi. Naging kaclose ko din agad, syempre girls! HAHAHAH hanggang sa umuwi na si Eka sa kanila, naiwan kami nila Ish at Mikee, at pumunta sa house nila Mikee,, oo na naman! HAHAHAHAH! Kumain kaming Siomai at Puto Bumbong doon at nakipagskype kela G at Eka! hahahaha ! at pag sapit ng 11pm ay umuwi na, kahit bongga ang ulan.
December 20, 2015
Ito yung time na super nabadtrip ako kasi ba naman pinag-uusapan ako nila Mikko at ng Bestie niya :3 Hayss. Dahil sa pag -alis alis ko daw at gabi na ako umuwi, duh! sabi niya okay na yon, minsan lang ako umalis! Grabehan, ibabalik na naman ba niya kung ano yung unang napag-awayan namin? Ayoko ng ganoon. Kaya nagmessage ako sa kanila na, gusto ko naman mag-enjoy with friends kahit minsan lang. Tsaka stress din naman ako sa mga nalaman ko sa buhay ko, na may sakit ako na di na gagaling, tapos bawal pa akong mag-isip ng kung ano-ano , lahat ng sobrang emosyon bawal. Sobrang sumama loob ko non, sabi ko na baka mamaya isang araw bigla nalang ako mawala anong malay ba naman.
That time masama na pakiramdam ko, yung tyan ko masakit at nilalagnat ako, pero keri lang. Kinaya ko nalang. Basta go lang ng go. Pahinga ako nento sa bahay ee. Umalis lahat sila, ako lang at bunso namin nasa bahay. So wala akong masabihan na masama pakiramdam ko.
December 21,2015
Nagising ako ng 2am, sobrang sama ng pakiramdam ko, ang sakit sakit ng tyan ko nento. ABA! hindi na ako nakatulog dahil sa LBM at Pagsusuka. Halos wala ng natira sa tyan ko pero suka pa din ng suka at LBM, super lupaypay na ako non. Tapos nagising sila mama kasi pabalik-balik ako sa cr, naririnig pala na suka ako ng suka. Then pinakain ako ng lugaw na binili ni papa that time, kaso nganga, hindi ko talaga kaya kumain. Uminom nalang ako ng gamot na hindi ko alam kung ano ba iyon basta dalawa iyon. Tapos nakaidlip ako, Pag gising ko, yare na naman ganon ulet. Bago boom bagsak, bumagsak ako buti sa kama sa baba.
Tapos pumunta na kami hospital ni Papa, hirap maglakad, kasi talagang wala na akong energy; nagsuka pa ulit ako sa kanto. Then sa Talaba, waiting kami ng masasakyan. Napapagod na ako hindi ko na kaya. Kapit lang ako sa Papa ko. Hanggang sa biglang wala na akong makita, nagkulay white yung paningin ko, natakot ako. Tapos gusto ko na matulog nalang kasi di ko na kaya. Babagsak na ako non pero hawak ako ni Papa. Sabi ko maghanap na sya ng taxi, mauupo muna ako dahil nanghihina na ang tuhod ko.
Ayun nga dumating kami sa ospital kinabitan agad ako ng swero. Naconfine din ako doon at 23 na ako lumabas.
Subscribe to:
Posts (Atom)