I love Drama and I am Dramatic. If you don't want to read my problems then don't. Just leave.
Saturday, 12 December 2015
Wednesday, 9 December 2015
Entry (12/09/2015)
Nababadtrip ako. Oo na naman. Pakelam niyo? Blog ko to, akong bahala kung ano gusto kong ipost dito. Bakit may mga taong nakakairita, mga punyeta sila. Whats wrong about marking my own territory? I'm just marking whats mine. And he's mine. I want to know everyone that h e was already committed sa akin. Makikita nila, I'll make their head turn around as when I come to surprise them. HA HA HA HA. (tawa ng bitch mode)
Wala na akong sasabihin pa. GOOD NIGHT!
Tuesday, 8 December 2015
Entry (12/08/2015)
Pinagpatuloy namin yung activity namin sa 7L, ayun sa wakas, napagana ko na din yung video transmitter ko. Haysss, yun nga lang black and white pa, pero at least napagana ko. Sabi naman ni ma'am pwede naman daw maimprove yun, so yun nalang gagawin ko. Ipinasa ko na din para ay accomplishment ako.
Nagkita din kami ni Mikko kanina, once a week na nga lang kasi kami magkita. As usual, happy happy na naman. Yun nga lang medyo masama pa din pakiramdam ko, nakakainis lang yun tipong ayoko na ipahalata yung may masakit sakin, pero buset lang sobrang sakit kasi tapos bigla pa ko naipitan ng ugat sa binti. nak ng tokwa't patola. Haysssss.
Habang tinatype ko ito, nababadtrip ako. Nakakainis kasi siya, pinaimigay niya ako. Nakakabwiset, lagi nalang. Sasabihin niya dun ka na, sige maghaharutan kayo. NAKAKAINIS NA! HINDI BA NIYA ALAM NA SIYA YUNG LAGING PINIPILI KO, TAPOS GANON.
Badtrip pa sa bahay, nakakatanga lang, darating dating tapos kung ano ano sasabihin. HINDI AKO ROBOT NAPAPAGOD DIN AKO. Marami akong ginagawa, marami akong iniisip, pwede ba wag mo na dagdagan nabubwisit na ako, putak nalang ng putak palagi. Minsan wala ng sense.
BULLSHIT NA NAMAN! Okay na sana ee.
Monday, 7 December 2015
Entry (12/07/2015)
Nothing less, nothing more.
Just an ordinary sick day to a hot normal Monday. As usual, its always traffic, no wonder. Nilagnat ako kahapon, so akala ko okay na, kasi wala na naman akong lagnat yun nga lang madyo nahihilo pa din ako. Konti lang kinain ko kanin, kasi wala naman din kasing lutong ulam sa bahay so, cup noodles nalang.
Ayun pumasok ako ramdam ko yung sama ng pakiramdam ko. Ang init-init, tapos standing sa bus, hindi na kasi uso pagiging gentleman sa panahon ngayon. So tiis tiis lang kahit masama pakiramdam.
Akala ko nga walang klase kasi naman 12am na dumating prof tapos 11am klase namin. hayssss, kala ko uwi-uwi na. After class naman nagpunta ako ng Vito Cruz kasi nga may bibilhin ako, kaso pagdating ko doon, nganga! Walang magnetic wire na hinahanap ko! Ayaw ko naman kasi pumuntang Deeco sa Raon kasi naman sakit na ng ulo ko tapos iikot-ikot pa!
Buti nalang nakauwi ako ng matiwasay kaso, ayun wasak! Suka ng suka pag-uwi, hilong-hilo talaga ako, parang sumakay ako ng nakakahilong rides. !
Hope to feel better tomorrow. Dahil kailangan ko na mapagana yung video transmitter ko, para pwede na akong magpahinga.
Sunday, 6 December 2015
Entry (12/06/2015)
Hello blogger!
Seriously hindi maganda pakiramdam ko. Grabe nilagnat ako, hilo at sakit sa ulo tapos nagsusuka pa ako. Ayaw ko pa man din ng ganito nagiging emotional ako pag may lagnat. Pero buti nalang andyan si Miks para kausapin ako ng kausapin kahit sa phone lang. Masaya na ako kahit ganoon lang, at least alam ko may oras sya sa akin. Kagabi kinantahan niya ako, kahit medyo inaantok na ako natawa talaga ako, ang epic kasi nalilimutan niya. Pero mahal na mahal ko siya. Haysssss.
Saturday, 5 December 2015
Entry (12/05/2015)
Wala naman bago, hahaha. Maganda pa din ako. Oo nga pala pumunta ako sa ospital kanina kasi may schedule ako ng 2D echo pero wala pa yung result sa wed ko pa makukuha. Kung bakit ba naman kasi heart nagkaproblema ka. Haysss , pero malakas feeling ko na may kinalaman na naman si thyroid na sakit ko dati dito. Kasi naman bakit daw inihinto ko yung gamot noon, ee sa iyon ang sinabi ng doktor ee.. Haysss buhay. Pero seryoso, napansin ko din yung paglaki ng part na iyon at mejo may nakakapa ako na maumbok, at mahirap lumunok talaga dahil paliit ng paliit yung lalamunan ko. Bakit ganoon? Sa totoo lang natatakot ako na baka isang araw kailangan na akong operahan, paano na yung pagkanta ko? Makakabalik pa ba ako sa pagkanta ko? Namimiss ko na kumanta sa harap ng maraming tao, yung headbangs yung music ko. Hayssss. In short bahala na.
Friday, 4 December 2015
Entry (12/04/2015)
Its been a tiring day, super pagod ako, hindi lang sa school kundi maghintay ng para sa wala. Nakakaloka naman itong buhay na ito. Ganun pa man may sense pa din naman yung mga pinaglalagay ko dito. Ganito lang naman kasi iyon, napunta kami ni mama sa isang di ko malaman kung ano bang maitatawag ko doon, basta isinama lang ako ni mama. May mga speaker don, so nakikinig ako sa mga pinagsasabi nila about sa pagbabago sa lugar namin, ganito, ganyan ganon basta iyon. At the end of the day may ipapamahaging something worth for waiting naman daw. Hanggang sa tumagal ang pananatili doon. Nagkagulo-gulo na, nawala sa ayos ang proseso. Nagalit ang mga taong nais makatanggap. Ako inaantok ako, kasi hindi naman talaga ako nandoon, dapat natutulog ako, kaso isinama ako ni mama, wala akong choice. Hayssss ang buhay napakahirap. Makatulog na nga at may schedule pa ako ng 2D-echo sa ospital bukas ng umaga.
Thursday, 3 December 2015
Entry (12/03/2015)
Ilang araw na mula ng magsimula yung pasukan, masasabi konna okay na ako ngayong semester na ito. Una sa lahat, wala yung mga taong hindi naman talaga importante sa buhay ko pero walang ginawa kundi hatakin ako pababa. Wala na ding plastiks, haters, at insecures. Masaya pala yung wala ka ng iniintindi, kasi kung alam niyo lang ang tagal ko nagtiis. Alam niyo naman na ayaw ko makipag-away diba? Hindi ako palengkera, walang pinag-aralan para patulan yung mga taong yon. Hindi din ako plastik, dahil una sa lahat alam nilang ayaw ko sa kanila, na hindi ko sila gusto maging kaibigan. Lets move on na nga.
Iba-ibang course ang mga kaklase ko ngayon, bakit? Trip ko lang maiba naman. Seryoso, ayaw ko ng may kumakausap ng kumakausap sa akin sa klase lalo na kung di naman kami close. Gusto ko lang makapag-aral ng tahimik. Gusto ko na makaalis sa TUP, hindi naman masama na umiwas ka sa mga taong kilala mo na. Pero napansin konkasi mas nakakapag-focus ako kapag wala akong ganoon kakilala sa klase, kasi ibig sabihin kaya kong pumasa ng walang inaasahan. Ayoko naman umasa ng umasa sa iba, paano nalang kapag nag-exam na ako pag lumipat na ako ng school, edi nganga ako. Hayss buhay nga naman.
Basta kaya ko ito. AKO PA BA! Marami pang araw.
Late Entry (12/01/2015)
Monthsary namin ngayon ni Mi***, masaya ako kasi first time kami na magkasama sa araw ng monthsary namin. Gumawa ako ng short letter para sa kanya pero hindi ko balak ibigay sa kanya iyon ng personal. hahahaha paano niya mababasa? Edi bahala na ako. HAHAHAHAHA
Napagpasyahan namin na magkita after class ko. Tapos ayun, syempre sweet sweet ang peg naming dalawa, kapag nagkikita kami sweet daw ako pero pag sa phone ang taray ko. HAHAAHAHAH
Sabay kami naglunch, then after sinamahan niya ako bumili ng pabango ko. Then nag.unwind kami, masaya ako kasi buong araw magkasama kami. Bumili kaming food sa supermarket, naiimagine ko yung sarili ko in future; seriously gustong -gusto ko na kung magkakaasawa ako, yung kasama ko sya mamili ng groceries, kumain, at magrelax. Pero matagal pa naman iyon. Wala pa akong balak mag-asawa ng maaga. Pero seriously mas lao kaming naging sweet sa isa't isa. Mas okay kami kaysa noon. Hindi na niya ginagawa yung mga maling ginawa niya noon.
Bago kami umuwi, pasimple ko nilagay sa bag niya yung letter ko para sa kanya, medyo kabado pa ako kasi baka mahalata niya pero buti nalang hindi niya nahalata. Nung nakasakay na ako pauwi, tinext ko siya na check niya yunga bag niya may inipit ako sa loob. Nainis pa siya sa akin kasi hindi ko nalang iniabot sa kanya nung magkasama pa kami. Ako naman natatawa lang. HAHAHAAHAHAH mahal na mahal ko talaga yung lalaking yon. Kahit na ayaw ko siyang sabihang gwapo siya, ee sa ayaw ko, lagi ko siyang tinatawag na panget, ang cute niya kasi magdrama. HAHAHAHAHA
Thursday, 26 November 2015
Entry (11/27/2015)
Its been a month since nag-kaayos kami ni Mi***, okay na naman kami sa relasyon namin. Mas lalo kami naging sweet sa isa't - isa. Andun pa rin yun minsan naiinis ako sa kanya. I love him more enough para hindi ko gawin yung mga bagay na alam kong makakasira sa amin. Lahat ng bagay na dapat ko sabihin sa kanya sinasabi ko. Ayokong maglihim sa kanya, ayokong gawin kung ano man yung nagawa niya sa akin noon na naglihim din sya. Gusto ko magtagal yung relationshio namin. Ang bilis ng panahon, dahil parang kailan lang tinuturuan niya pa ako umattack sa COC, tapos ngayon marunong na ako. Hahahahha , kidding parang noon lang sinabi ko sa kanya na wag ako, pero ngayon kami na. Masaya ako na nagkaayos kami.
Sana lang talaga nababasa niya yung blogs ko, para alam niya kung ano tumatakbo sa isip ko minsan. Hindi ako yung tipo ng babae na laging sasabihan yung boyfriend na ang gwapo niya. Hell I care! I'll never do that thing, kasi alam kong yung mga babaeng lumalandi sa kanya yun din ang sinasabi at gusto naman niya. I'm possessive, what's mine only mine. Ayoko ng may kaagaw sa kanya, selosa ako, short tempered, mataray pero mahal ko naman siya.
Lagi niya sinasabi sa akin na ang taray at masungit daw ako sa phone, medyo lang naman ee. Sa personal hindi naman daw ako ganoon, sobrang ibang iba daw. Natatawa nalang ako. I love those time na matutulog ako na boses niya yung maririnig ko na kumakanta. Nakakasanayan ko na yung kinakantahan niya ako para makatulog na. I love all about him, I love those efforts na ginagawa niya kahit yung pagkanta niya, hindi ko na iniisip kung wala sa tono, pero ang sarap pakinggan ng boses niya, minsan gusto ko lang magsalita siya ng magsalita o kumanta nlang siya ng kumanta. Am I baliw? Maybe. But I don't care.
Yung yakap niya I feel secured, unti-unti na akong nakakabangon sa trauma ko, and that's the good thing. Sana magtuloy-tuloy pa ito. May mga time pa din naman na bigla ko nalang naaalala ang lahat ng takot ko at naiiyak ako, pero nawawala naman lahat ng takot ko because of him.
All I want lang naman ay sana hindi ako nagkamali sa kanya. I don't want him to shout on me no get mad that might be hurt me physically and emotionally. I'm too weak for it. Lalo na ngayon, I really don't know whats my health condition. Years ago, my doctor said that I have high cardiac rate. My heart keeps beating so fast even I don't feel anything like nervous, mad, sadness, happiness, just even when I'm relaxed and just do nothing. Minsan nararamdaman ko na hindi na ako makahinga ng maayos dahil naninikip yung dibdib ko everytime I breath, umiiyak nalang ako sa sakit, matagal ko ng alam na ganito ang mangyayari sa akin dahil sa nakaraan ko, na walang tao ang nakakaalam. Oo, minsan friendly ako, pero private akong tao. Lahat ng sakit na nararamdaman ko, itinatago ko lang, wala akong balak sabihin, dahil una sa lahat, sinong kakampi ko? Wala naman, lahat sila nilayuan ako, lahat sila sinaktan, nilait at siniraan ako. Lahat yun hindi ko pinansin, hindi ako gumanti, pinilit ko ang sarili ko na wala akong nararamdaman na kahit ano, hanggang sa naipon na ang lahat ng emosyon, minsan hindi ko na kinakaya. Naalala ko noon may nagsabi sa akin, bakit hindi mo ilabas lahat ng nararamdaman mo, iiyak mo lahat isigaw mo lahat, na sa ginagawa ko magkakasakit ako, maraming namamatay sa ganitong gawain, maraming nagkakasakit sa puso, mukhang ito na nga talaga kapalaran ko. Pero hindi naman ako ganoon katanga para sumuko. Lalaban ako, ngayon pang alam kong may mga tao pa din nakakaalala sa akin.
Just a shoulder to cry on, yun nalang talaga so that I would never cry again everytime na maliligo ako just to hide my tears. O kaya bago matulog sa tuwing sumasagi sa isip ko lahat ng masakit na pinagdaanan ko. Sana makaya kong ibalik yung sigla ko. Sana talaga.
Saturday, 26 September 2015
Entry (09/16/2015)
Hay nako, ano ba namang buhay ito. Hindi ko na talaga maintindihan itong nararamdaman ko. May tiwala naman ako sa kanya, pero bakit parang ramdam ko nawawala na. Parang sinira niya yung tiwala ko. Sa totoo lang ang sweet nila ng bestfriend niya, oo nagseselos ako. Lalo na nung sinabihan ako ng babaeng yun na unfair ako at matigas daw ulo ko. Hindi ko naman kasi hinihingi ang opinyon niya, at hindi kami magkakilala para sabihan niya ako ng ganon. At hindi naman ako yung taong basta-basta magpapakontrol sa isang tao, hindi naman ako hayop o robot. At hindi naman ako nagpapaalam sa boyfriend ko, ipinaaalam ko lang, pumayag siya o hindi nasa kanya na iyon; basta wala akong ginagawang mali.
Pero kasi sobra na ee, alam namin ang facebook account ng isa't-isa. So meaning nababasa lahat doon, nakikita lahat. Simpleng chat ko lang sa kaibigan ko ginagawan na niya ng issue. Nanghihina na ako, lagi nalang kami nagtatalo. Sinabi ko naman sa kaniya nung una palang na iba ako, na wag syang gumawa ng bagay na dahilan para magbago ako. Nasabi ko din a kanya na wag niya akong babaguhin, ramdam ko pinipilit nya padin sarili nya na baguhin ako ng ayon sa gusto nya; hindi niya ba alam na mas lalo akong lalayo sa kanya? Gusto ko na bumitiw pero syempre umaasa pa din naman ako na magiging okay pa, na baka kaya pa, na baka pwede pa.
Alam niyang may blog ako, pero wala siyang pakelam dito, wala rin syang balak hanapin ito, kaya okay lang na maglabas ako ng saloobin ko dito. Kasi ang hirap niya kausap, nangyayari nauuwi kami sa pagtatalo, iginigiit nyang mas tama sya, tapos maiinis ako, ewan ko ba, nawawalan na ako ng gana. Minsan naiisip ko, tama bang sinagot ko sya; hindi ko na alam kasi. Ang daming bagay na hindi ko gusto pero, ginagawa niya. Ang childish niya pero hinahayaan ko yun, may pagka-immature sya, pero sinabihan ko na sya. Ang hirap kasi magkaiba kami ng way na nakasanayan, at ang gusto nya mangyari maranasan ko kung paano sya nasanay, kung ano ang ginagawa niya.
Gusto ko ng space, gusto ko ng peace of mind. Lahat nalang kasi ng gagawin ko at ginagawa ko inaalam niya, pati oras ng pag-uwi ko kailangan umuwi ako agad, kailangan magsasabi ako ng oras, dinaig niya pa magulang ko. Ang hirap hirap, sakal na ako :( Ano bang gagawin ko ? Haaayssss
Wednesday, 23 September 2015
Entry (09/23/2015)
Sobrang bigat ng nararamdaman ko, ayoko kasi sa lahat ng pakiramdam ko, ginagawa akong tanga. Hindi naman kasi ako tanga. Yung bang ipinamumukha sakin na hindi ko kayang alagaan ang sarili ko. Hindi naman ako taong kulang sa pag-iisip.
Ang ikinasasama lang ng loob ko ay sobra na maghigpit. Wag naman kasi pati mga kaibigan ko ilayo niya sa akin. Kasi naranasan ko na iyon sa dati kong naging boyfriend, the worst one. Halos lahat ng tao sa paligid ko inalis niya. Lahat ng malapit sa akin, inilayo nya. Hindi naman masama magbawal, wag lang sobra sobra, at iayos naman sana. Buti ba kung palagi kong ginagawa, kaso hindi e, months, year, bago ko gawin ulit. bakit naman ganoon?
Tapos malalaman ko, yung bestfriend nya na ipapakilala sa akin ay hinusgahan na ako. Ang unfair ko daw. Hindi naman niya ako kilala, hindi niya alam lahat ng pinagdadaanan ko para sabihin iyon. Sana hindi ganoon. Ayokong mag-away kami, pero wala ee. Siya ang may mali, pero pinalalabas niyang ako ang may kasalanan. Lagi nalang ba ako mag-aadjust?
Siya na tama? Ako na mali? Ang masakit kasi sa sinabi ng bestfriend niya, ay ang unfair ko daw, at martir ang boyfriend ko. Nasaktan ako doon. Tapos, hindi ko ramdam na ipinagtanggol niya ako.
Ang ikinasasama lang ng loob ko ay sobra na maghigpit. Wag naman kasi pati mga kaibigan ko ilayo niya sa akin. Kasi naranasan ko na iyon sa dati kong naging boyfriend, the worst one. Halos lahat ng tao sa paligid ko inalis niya. Lahat ng malapit sa akin, inilayo nya. Hindi naman masama magbawal, wag lang sobra sobra, at iayos naman sana. Buti ba kung palagi kong ginagawa, kaso hindi e, months, year, bago ko gawin ulit. bakit naman ganoon?
Tapos malalaman ko, yung bestfriend nya na ipapakilala sa akin ay hinusgahan na ako. Ang unfair ko daw. Hindi naman niya ako kilala, hindi niya alam lahat ng pinagdadaanan ko para sabihin iyon. Sana hindi ganoon. Ayokong mag-away kami, pero wala ee. Siya ang may mali, pero pinalalabas niyang ako ang may kasalanan. Lagi nalang ba ako mag-aadjust?
Siya na tama? Ako na mali? Ang masakit kasi sa sinabi ng bestfriend niya, ay ang unfair ko daw, at martir ang boyfriend ko. Nasaktan ako doon. Tapos, hindi ko ramdam na ipinagtanggol niya ako.
Wednesday, 12 August 2015
Walang Importante (08/13/2015)
Minsan sa isang araw bigla ka nalang matutulala at mawawala sa sarili mo, minsan hindi mo maintindihan kung para saan ba at nag-iisip ka ng mga bagay na ginagawa mo at gagawin mo palang. Minsan nakakairita lang kasi sa hindi mo nga nanman talaga maintindihan ay bakit mo pa pilit na ginagawa? Mga tao nga naman tayo, yung pagkagulo-gulo ng mga nerves natin sa loob ng katawan, yung gulo ng buhok natin sa tuwing hindi natin sinusuklay, yung yung gulo sa labas ng bahay kapag lumabas ka na, in short lahat may kaguluhan. Kung yung utak nga natin magulo, mundo pa kaya? Kaya hindi umuunlad ang ekonomiya ng bansa, tapos isisisi kay PNOY ? Kalokohan! Haha Parang itong ENTRY ko na ito, isang malaking kalokohan, wala akong maikonek sa mga pinagsasabi ko. Hahaha Baliw na naman kasi ako, basta wala lang, gusto ko lang magtyoe ng kung ano mang maisip ko, eh sa ito yung laman ng utak ko, may magagawa ka pa ba? WALA !
:)
Saturday, 18 July 2015
That Kind of Pain is SHT
Nagpunta akong Bulacan kahapon. Yes, sa lugar ng boyfriend ko. Malayo ang byahe, pero tyinaga ko iyon. Kasi gusto ko mag-effort para sa kanya. Super effort ba? hindi naman kasi, kulang pa iyon.
Sinundo niya naman ako sa Monumento. Matagal nga siya naghintay doon ee. Pero atleast nakarating naman ako doon. Pero hindi yan ang gusto kong sabihin. Hayssss :(
Masaya naman kasi nameet ko yung mga friends niya. Pero alam niyo yung pakiramdam na andun na ako ee. Nandun na ee, konti nalang, bahay na nila. Pero hindi man lang ako nakarating doon. Hindi man lang niya ako kayang ipakilala sa bahay nila. Yun lang talaga yung makapagpapasaya sakin, yung makilala ako sa kanila. Pero mukhang malabo mangyari yun.
Nag-uusap kami nun kagabi, habang kasama namin mga friends niya. May nakakarinig pala ng pinag-uusapan namin. Ang pinag-uusapan kasi namin nung time na yun ay kung kaya ko bang umuwi sa Cavite. Sabi ko naman kaya ko, sabi niya nag-aalala daw siya. Pero I insist na kaya ko, sabi niya kinakabahan daw siya. Sabi ko naman kaya ko naman umuwi, pwede din akong hindi umuwi. Pero sabi niya umuwi ako. Sabi ko ulit, pwede naman hindi ako umuwi, matulog ka sa labas ng bahay niyo ako matutulog sa kwarto mo; seryoso ko sinabi, sabay tawa. Tapos may nagsalita, yung friend niya, nakikinig pala sa amin. Sabi niya na okay daw yung sinabi ko, sabay sabing hahanga siya sa boyfriend ko kung ganoon gagawin niya. Pero natahimik lang siya. Nagsalita yung mga friends niyang lalaki, na babae ako, at malayo pa ang uuwian ko; tahimik pa din siya. Sa mga oras na iyon, gusto ko na magwalk-out. Yung mukha ko nun, halata mong hindi na ako masaya sa mga panahong iyon. Hanggang sa sabi ko sa kanya, kaysa ganyan nag-aalala sya, ihatid na niya ako sa Monumento. Yung feeling ko nun, hirap na ako, kasi gusto ko na umiyak. Bakit? dahil sa naging attitiude niya. Tapos tatanung niya ako kung okay lang ako, hindi ba halatang hindi ako okay? pwede bang wag nalang iyon ang itanong nya sakin. Tangina kasi nakakagago yung tanong na iyon ee. Sa WALTER nagCR ako, kasi talagang ang bigat na ng nararamdaman ko. Umiyak talaga ako nun, kasi hindi ko na kayang pigilan. Matagal din ako doon, kasi, sobrang sama talaga ng loob ko, idagdag mo pa yung gabi bago yung araw na iyon na talagang umiyak talaga ako. Dahil sa kanya na naman. Haysssss. Hindi na ako nagtanda. Lagi nalang ako umiiyak, tapos sasabihan pa akong madrama ako. Wow, nasasaktan na nga madrama pa? Aba matinde nga naman talaga. Pero ang masakit sa lahat, yung sabihin niya sa akin na magcheck-in nalang ako sa Monumento, mag-stay sya kasama ko ng saglit tapos aalis sya, TANGINA gusto ko siyang sapakin nun. ANO KALA NIYA SAKIN IBANG TAO? Ano kala niya sakin hayop? iiwan lang basta basta? Hello babae ako? at GIRLFRIEND niya ako ang pagkakaalam ko. Tapos bigla niya babawiin na sasamahan nalang daw niya ako, kung kelan galit na talaga ako at napagtatarayan ko na siya. Ano bang klaseng utak meron ka? Hindi ako okay! Masama loob ko! Gusto ko magwala, sumigawm manapak nung mga time na yun. Tapos sasabihin niya sa akin na hahatid nalang niya ako sa bahay. "WAG NA! Kaya ko sarili ko! Hindi ko kailangan ihatid sa amin. Kaya kong umuwi, hindi na ako bata" ; sagot ko sa kanya. Sa jeep nga halos masigawan ko na sya, ayokong sigawan sya, ayokong magmaldita sa kanya, kaya kinokontrol ko sarili ko. Pero sana huminto kami sa paglalakad at niyakap niya ako, pinagaan niya man lang sana yung loob ko. Hindi yung inulit ulit niya yung dahilan niya, at yung pagtatanong niya kung gusto ko pa din ba siya. ANO KALA NIYA SAKIN, BATA? O BUNTIS NA NAGLILIHI NA BIGLANG MAGBABAGO YUNG ISIP? My goodness hindi na ako bata, para di panindigan yung gusto ko. Hindi pa ba sapat yung ginagawa ko, para hindi na niya itanong sa akin iyon? Nakakagago na kasi ee.. MAHAL KO NA SIYA EE. Nagtake ako ng risk sa relationship na ito, kahit alam ko naman iiwan niya ako at aalis siya ee. Sana naman maintindihan niya yung bagay na makapagpapasaya sakin, PRICELESS lang yun. kahit bago lang siya umalis. Kahit yun na lang.
Mahirap umiyak ng sa loob mo lang, kailangan talagang ilabas. Sabi ko noon diba hindi na ako iiyak. Tangina lang kasi talaga. Hindi ko kinaya ee..
Wednesday, 15 July 2015
Stress Level 101 (07/16/2015)
May mga bagay na sadyang nakakastress -_-
Pero mas nakakastress yung sabihin nandadaya ka ng oras ng isang nagmamaganda pero wala namang gandang mapapamukha. Palibhasa nakahanap ng kagrupo na may utak, kung makaasta akala mo siya yung may utak! Pero umaasa lang naman sa iba. Nakagagawa nga pero, hindi naman siya yung gumawa, at ang mas malala hindi niya man lang naiintindihan. Paano nakakapasa? Eh nadadaan sa kaplastikan -_- Nakakaawa lang ang datingan.
Kahit naman kasi bigyan ka ng isang oras o kahit isang araw para gawin yang circuit na yan hindi mo magagawa, dahil yung simpleng activity nga hindi mo magawa, yung mahirap pa kaya. Yung polarity nga lang hindi mo din ata alam. Tapos ikaw pa ang nadadaya ? Ako pa mandaraya?
POTAENA KA PO! :)
What Happen To Our Music Philippines?
Sunday, 12 July 2015
Sunday, 5 July 2015
Another Experience :)
Last June 23-24,2015
Nagpunta akong Capiz, actually akala ko talaga aklan yung pupuntahan ko, -_- pagtingin ko sa ticket ko CAPIZ pala :3 Adik kasi yung nagsabi sa akin, sa Aklan daw yung punta. First time ko ding sumakay ng airplane HAHAHAH exciting naman, nakakabingi nga lang hahaha, pero kaya naman. I love the view kasi :)
Mabait naman tao doon, may ginawa lang ng konti doon, BORING lang kasi, walang magawang maayos.
Anyway nameet ko din doon yung matagal ko ng friend.
Kung babalik man ako doon, gusto ko maggala sa totoo lang :)Kaya, sisimulan ko ng mag-ipon, Gusto kong magtravel around the world :)
July 05, 2015 (Full of LOVE)
Nakakamiss magpost sa blog ko aa, anyway I just want to share my new story :)
Masaya na ako, masaya ako sa naging desisyon ko na iopen yung sarili ko sa iba. Masaya ako kasi alam kong iingatan ako ng taong iyon. Saan nga ba nagsimula? Those times na malungkot ako, naglaro akong COC :) Then nung lumipat ako ng clan, may mga bago akong nakilala. May mga taong nagpapahiwatig na gusto nila ako, pero deadma ko lang. Kasi nga diba ayaw ko magcommit at tsaka may isang tao lang akong ineentertain noon. Well, wala na pong nangyari doon sa dati, dahil, even I try na maging okay, walang effect; ayoko na din ipilit na magwork, napagod na ako. Back to the story, ayun lagi kami nagkakausap ng lalaking iyon, masaya naman ako, everytime na kausap ko siya. Sabi nya pa noon, na hindi siya yung tipo ng lalaki na mahuhulog agad. Sinabihan ko sya na wag ako ang gustuhin niya, kasi sabi ko wala siyang mapapala. Pero ayun, lagi pa din kami magkausap :) magkatext. Until one day, nagmeet kami :) Wala naman sa akin kung anong itsura niya, nagustuhan ko yung attitude niya. Then in a blink of an eye, sabi ko sa sarili ko, bibigyan ko siya ng chance.
July 01,2015 nanuod kami ng movie, THE BREAKUP PLAYLIST :) hahaha gusto ko kasi panuorin yun. Well ayun nakakakilig, hindi dahil sa movie, kundi dahil kasama ko sya. Tapos sabi ko, gusto ko na siya sagutin, nasabi ko sa sarili ko. Nung naghiwalay na kami, nag-isip ako. Paano ko ba siya masusurprise na kami na. Inopen ko yung facebook account ko, then nagsend ako ng request sa kanya ng IN RELATIONSHIP <3
Kinakabahan pa ako nun, sabi ko sa sarili ko, pag ito nireject, aba choosy pa sya. HAHAHAHA.
So ayun MAY BOYFRIEND NA PO AKO! Siya si M**** :)I LOVE YOU MY LABZ :-*
Wednesday, 29 April 2015
Entry (04/29/2015)
Alam niyo ba yung pakiramdam na umaasa ka na naman? Umaasa ka na kakausapin ka niya, na papansinin ka niya, na pupuntahan ka niya, na kakamustahin ka niya? Bakit ba hindi ako masanay sanay sa mga ganyan? parang hindi ko naman alam yung ugali niyang iyon.
Ang daming tao kong hindi binigyan ng pagkakataon para mahalin ako, para magustuhan ko din, pero hindi ko magawa. Una sa lahat, hindi ko kaya, isinara ko na yung puso ko sa iba. Pero bakit pag siya, sige agad ako?
Kagabi may nagtext sa akin -_- "di ba sinaktan ka na niya? bakit bibigyan mo pa ng pagkakataon?" Nasagot ko nalang na, "kasi sya ang gusto ko at siya ang mahal ko?" . Ayokong magpaasa ng tao, kasi alam ko pakiramdam nun, so bakit ako magpapaasa? Kaya sinabi ko sa kanya na wag ako ee.. Hayss. paano ko sya haharapin -_-
Sana naman tama ako sa pinili ko, please sana bagsakan ako ng SIGN ! Naiiyak na naman ako sa ginagawa niya. Lagi nalang ba?
Tuesday, 28 April 2015
Tuesday, 17 March 2015
What Happen? (Entry 03/18/2015)
Ano bang magagawa ko kung busy ako? May magagawa ba ako kung napakaraming bagay ang inuna ko nung panahon na iyon? Nang dahil lang sa hindi ako nakapunta ng napakaimportanteng araw na iyon; nasira na ang relasyon sa pagitan namin. Hindi naman kasi talaga ako pwede nung mga panahon na iyon. Alam ko naman ako ang excited nung malaman ko yung tungkol doon., pero nagkataon na ang daming dapat gawin. Malungkot ako kasi hindi ako nakapunta, gusto ko naman talaga pumunta; conflict talaga.
Nung araw na tinatawagan ko siya, tinetext ko siya, kinakamusta hindi na siya sumasagot. Akala ko busy lang siya, akala ko masyado syang madaming ginagawa. Yun pala wala na talaga siyang balak kausapin ako. Ano bang dapat kong gawin? Nalulungkot ako sa nangyari.
Ang alam ko nagalit ako nung araw na kinausap niya ako about sa gagawin namin. Kasi hindi ako nakakarating sa preparations. Wala din ako sa mismong araw. Sinabi ko naman kasi na nag-aaral ako at kailangan kong unahin iyon. Nasabi ko din sa kanya na, hindi niya ba ako maintindihan, na ang dami ko pang dapat gawin. Gustuhin ko man makasama at makapunta hindi ko magawa. Edi bumagsak naman ako.
Sinunod ko naman yung utos niya, yung mga bilin niya. Anong nangyari? Hindi kasi siya nagtitiwala sa akin. Kahit wala naman talaga akong boyfriend, meron at meron daw. Wala na nga kasi akong balak magkaroon pa nun. Nadala na ako ng ilang beses, umiyak, nasaktan, naloko, inabuso at anu pa. Ayoko na nun. Hindi na ako magpapakatanga para sa isa na namang pagkakamali.
Mahina man ako, pero pinipilit ko namang maging malakas. Ikaw ang nagturo sa akin na magkontrol at wag pansinin ang ibang tao. Sayo ko nakuha na hindi baleng mag-isa ako, hindi naman ako nabubuhay para sa kanila. Sana makausap na kitang muli. Namimiss kona yung bonding time with you. Sana pag dumating yung araw na iyon, ako pa din yung baby mo at ikaw pa din ang daddy ko.
</3
Entry (03/17/2015)
Just out of the blue, nagising nalang ako. Hahahah ang tanga ko pala talaga. Nagpapakatanga ako sa taong hindi ko naman pala talaga mahal. INFATUATION lang! Atleast diba hahahah, drama pa ako para sa taong hindi ko naman mahal. Oo, naging malapit siya sakin. Ganoon naman ako pag iniiwan ng kahit sinong naging malapit sa akin. Kagaya ng mga friends ko before nung inaway nila ako, umiyak talaga ako ng bongga. Kasi masakit naman talaga.
So para saan itong entry ko? tungkol ito sa nararamdaman ko. Magaan na yung loob ko, kasi narealized ko ano bang mapapala ko kung ipagpapatuloy ko ang pagiging tanga? Ako pa rin naman si Aria, the Queen of all the Queen. Nakalimot lang ako saglit. I'll just go back kung ano talaga ako. The game is about to start again. This time ibang-iba na ako sa dati nilang nakilala. Mabait pa din naman ako, doon lang sa mga taong pinahahalagahan ako. Pero kung hindi naman, why would I have to be so good?
Nabuhay na naman yung masamang awra sa pagkatao ko, iniiwasan ko na nga ee. Kaso, mapilit sila. Magbabayad silang lahat sa ginawa nila. Wala akong ginawang masama para saktan nila ako. Hindi na ako papayag ng ganito. Mag-ingat sila sa paglabas ng ugali ko. Maldita na kung maldita, masama na kung masama, yun naman ang gusto nila. Pagbigyan na !
Aria <3
cARIssA <3
Monday, 16 March 2015
Entry (03/15/2015)
Lahat ng bagay may dahilan. Lahat ng nangyayari itinakda. Anong gustong palabasin? Itinakda na magkaganito ako? Itinakda na masaktan ako ng paulit-ulit? Pinipilit ko namang maging malakas, pero hindi ko kaya. Mahina ako, sobrang hina ko. PHYSICALLY, EMOTIONALLY and MENTALLY.
Haysss buhay nga naman. Kelan naman kaya ako sasaya? Haysss kung nabibili lang sana iyon. Bibili talaga ako.
Sunday, 15 March 2015
Entry (03/15/2015)
May mga oras talaga na naiiyak nalang ako at napapaisip. Tama ba na ganito? Tama bang hinayaan ko na nasasaktan ako sa kanya?
Naranasan niyo na ba yung pakiramdam na ang saya-saya mo tapos biglang nawala nalang ng parang bula? Kasi pakiramdam ko, pinasaya lang ako nung nalulungkot ako, tapos nung di na ko malungot, pinalungkot na ko. Bakit naman ganoon, lahat ng kasiyahan may kapalit. Hindi ba pwedeng masaya nalang?
Nahihirapan na ako, alam naman niya iyon, pero bakit ganoon? parang wala lang sa kanya? Okay na daw kami, pero parang hindi. Wala na nga akong pride sa kanya ee. Tapos siya ang taas-taas, ni hindi ko na alam kung para saan yung pride niya na iyon. Pag naiinis ako sa kanya, naiinis din siya. Wala ba kong karapatan maramdaman iyon? Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman iyong mga bagay na iyon. Kapag nagtatampo ako sa kanya, wala lang din sa kanya. Kahit umiyak ako, wala lang din sa kanya. Kahit nga ata may mangyari sa akin, wala lang din sa kanya. Iniisip niya madrama lang ako. TANG INA! SIYA KAYA SABIHAN KO NG MADRAMA! Hindi naman ako nakikipagbiruan sa kanya. Itong feelings ko hindi naman laro ito. Kaya nga una palang ayoko magmahal, pero TANGINANG HEART to! Puro pagmamahal ang alam. Tapos dalawang araw na siyang nagsinungaling sa akin. Wow talaga, mukha ba akong nakikipagbiruan? Mukha ba akong nakikipaglaro?
Bakit ba kasi gusto mo HEART laging nasasaktan? Bakit ba EYES gusto mo laging umiiyak? Bakit ba BRAIN gusto mo siya lang naiisip mo? Bakit ba CARISSA hindi ka magtanda nang hindi ka nasasaktan at umiiyak? Magtanda ka naman, wag puro emosyon. Kaya ka natatalo ee. Pinangunguna mo yang nararamdaman mo.
Tama na nga, pagod na ko. Lagi nalang ako nasasaktan. Lagi nalang iiyak. EDI WOW! Enough na yung luha, tama na iyon.
Looking forward for New Chapter of my Life..
Tuesday, 10 March 2015
"EWAN KO SAYO, WAG MO MUNA AKO KAUSAPIN" -SYA
Parang may bombang gustong sumabog sa dibdib ko. Ano na naman bang ginawa ko para sabihin niya sakin yun? Sobra na siya. Nakakasama na siya ng loob. Bakit ganoon siya sa akin? Kayo nga sagutin niyo ako? Kasi asko, hindi ko alam yung sagot. Hindi ko na alam isasagot ko sa lahat ng tanong sa utak ko. Nahihirapan ako, OO! Hirap na hirap na ako.
Wala na nga akong pride ee, sobrang nagpakababa na ako sa kanya. Ni hindi na ako nahihiya pag may nakakakita saking umiiyak dahil sa pang-iignore niya. Sakit diba. Mukha na ba akong tanga? Sasabihin niyo OO , TANGA MO! ANG TANGA TANGA MO! Alam ko naman po iyon.
Ewan ko ba, ipaparamdam niya sakin na andyan lang sya, tapos bigla syang manlalamig. Bakit ganun siya? Bakit parang masaya pa sya na nasasaktan ako? Wow.
Gusto kong saktan din yung sarili ko. GUSTO KONG MAGLASLAS! As in! GUSTO KO! AT GAGAWIN KO! ...
Saturday, 7 March 2015
If I Never Wake Again - Picture Me Broken
(Chorus:)
There must be something I could say,
and if I never wake again.
Remember me just as I'm breathing before you,
the same as all along.
I'll hold you from sorrow,
it's better this way and
if I die tomorrow,
what of me follows you forever?
Unforgiven sins;
and all the lies beneath my skin,
and all these things I never told you.
(Chorus)
Here I am, in color
no luster, glamor or gold.
I hope you remember me dressed
in shadows, black and white.
To flatter the faulted soul.
You never witnessed me unfold.
All these things I never told you.
(Chorus)
(Chorus)(slowly)
[the same as all along] x3
Sadlife (Entry 03/08/2015)
Last na talaga to promise.
Ilang last pa ba dapat? hayss napapagod na ko..
Iyak dito iyak doon. Bakit ba ang babaw ng luha ko? Wag na kaya akong uminom para mawalan na ko ng tubig sa katawan ng sa ganoon hindi na ko iiyak? Katangahan ko na naman? O kaya magpaturok ako ng isang baldeng pampamanhid? Para hindi ko maramdaman yung sakit.
Bakit ako nagkakaganito? Kasi may isang tao sa buhay ko, nagpakita ng maganda sa akin. Hindi ko naman alam na mahuhulog ako sa kanya. Ang hirap, kasi mahal ko na pala siya. Tapos nalaman niya. Naging okay naman . Yun nga lang, bigla nalang syang nawala. Hindi man lang niya sinabi kung bakit, Ako naman si tanga, habol pa din.
Sobrang tanga ko daw sabi nila, bkit daw hinayaan ko yung sarili ko na masaktan. Bakit ko daw inaaksayahan ng panahon ang taong wala naman panahon sa akin. Talo daw ako sa ginagawa ko, sobrang pagpapakababa na daw ginagawa ko. Hindi na daw ako nadala.
Alam ko naman iyon ee. TANGA ako! OO NA! TANGA NA AKO! Kilala niyo naman ako ee. KAPAG MAHAL KO MAHAL KO! Kahit magpakamatay pa ko gagawin ko! Kahit masaktan ako okay lang! KAhit na nagmumukha na kong tanga, okay lang! Sa ganoon ako ee.
Ayoko na pagod na kong umiyak, tama na please. Ayoko na talaga. Bakit naman kasi ganoon.
UNFAIR!
x
Thursday, 19 February 2015
Entry (02/19/2015)
Acting weird? I just don't mind this things. Actually it's killing me. I just wanna shout, cry, and die. What should I do to escape this kinda feeling. That feeling I really don't want to be. Sucks! Life is so damn funny.
Pero anong gagawin ko? Kailangan ba lagi nalang akong tatakas? Kailangan ba lagi ko nalang sarilihin? Nakakasawa na kasi, ano bang dapat? Dapat ba lagi akong mahirapan? Dapat ba lagi akong masaktan? Dapat ba ganito lagi? Nabuhay pa ko! Sana pala natuluyan nalang ako noon. Sana pala tinuluyan ko na talaga yung sarili ko noon.
Hayssss. Hirap ng buhay. Hindi ko na sin maintindihan. Hayss bigti nalang.
Monday, 16 February 2015
Hindi ko na Alam - Entry (02/16/2015)
Ewan ko ba kung ano na namang elemento ang sumapi sa katawan ko, hayss. Tokwa talaga. Nakakapagod palang magpigil, nakakasawa palang ipagwalang bahala ang lahat ng nararamdaman ko. Ito na naman ako tatanga -tanga na naman. Ayokong mahulog ng tuluyan kung alam ko naman sa simula pa lang wala naman sasalo sa akin, at masasaktan lang ako. Ano bang dapat kong gawin? Nahihirapan na ako. Gusto ko na umiyak. Kasi pakiramdam ko ngayon parang hindi niya ko pinapansin. Bakit ganoon? Namimiss ko siya, hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako. Ano bang dapat kong gawin? Ayoko ng ganito. Ayokong matalo na naman ng emosyon ko.
Ano ba kasing kasagutan sa nararamdaman ko? Tokwa naman ii. Baliw nga talaga ako. Haysss bigti nalang nga para tapos na! Hayssss.. Ayoko naman umasa, kasi wala namang aasahan. Pero anong gagawin ko? TANGA NA NAMAN AKO! Always naman.
Sabi nga "kung di ka niya mahal, edi hindi ka niya mahal, TAPOS ANG USAPAN!" .
Saturday, 14 February 2015
Untitled (02/15/2015)
Sadyang may mag pagkakataon nga naman talaga sa buhay ng tao na dapat kang magtiis, umintindi, at intindihin. Pero sa pagkakataon ko ata, nagtitiis na nga ako, umiintindi pa ako pero hindi naman ako iniintindi. Saklap ng readers. Alam ko din na may ibang taong naghahanap ng kung anong balita tungkol sa akin sa blog ko na ito. Mga taong humahanap ng butas upang sirain ako. Sorry po kayo, kahit iprint screen niyo pa po yung mga nilalagay ko dito. WALA PO AKONG PAKELAM! Buhay ko naman ito ee.. so what?
Thursday, 29 January 2015
Entry (01/29/2015)
Naranasan niyo nabang iwanan ng taong nagsabi sa inyo na nandyan siya sa iyong tabi anuman ang mangyari, hindi ka niya iiwan? Yung bang nagsabi na kahit anong mangyari, nasa tabi mo lang siya? Yung bang iinitindihin ka niya, at hindi ka huhusgahan? Ako kasi, oo.
Akala ko kasi tutuparin nila yung pangako nila. Hirap kasi sa akin, alam ko na na pinagkakaisahan ako, hinahayaan ko lang. Akala ko totoo sila yun pala hindi. Akala ko okay na, yun pala hindi.
Mahirap umasa lalo na kung pinapaasa ka lang pala. Ang drama ng buhay ko. Mas masaklap kung alam mo na na pinaaasa ka, pero patuloy ka pa rin umaasa, kay tanga naman talaga.
Sabi nila, masyado na daw akong mabait. Masyado daw kasi akong nagtitiwala sa tao. Masyado ko daw hinahayaan lalo na kung tinuring ko ng kaibigan ko. Masyado na daw akong inaabuso. Kaya ang labas minsan ako pa ang masama. Wala naman akong magagawa , kasi ito ang kinasanayan ko.
Hayss, bagsakan na po ako ng langit at lupa, oh puhlease. Sana naman makasurvive na ako sa bonggang test ni Lord sa akin.
Saturday, 24 January 2015
Entry (01/24/2015)
Yung gigising ka sa umaga, na may sasampal sayong isang katotohanan. Ang sakit po nun mga tao! Pilit ko man takasan, wala pa rin palang kawala. BUHAY TALAGA NAMAN! Bakit ba kasi kailangan ganito nalang lagi. Bakit nga ba kasi sinasarili ko ang nararamdaman ko? Natatakot kasi ako na sa maling tao ko na naman ipagkatiwala yung nararamdaman ko.
Noon pa man ganito na ako, nasanay na akong kinimkim ang lahat. Ayoko kasing ako nga ang naabuso, ako pa lalabas na masama. Siguro nasanay na din ako sa laging pinapaalala sa akin na, gawan ng mabuti ang mga taong hindi naging mabuti sa iyo. Tanga ako nuh?
Tanggap ko naman na tanga ako, masyado daw ako nagpapaabuso. Wala ii, parang normal na lang sa akin na masaktan ako ng sa akin nalang. Minsan gusto ko na sumabog, kasi hirap na hirap na ko ee. Kaya ayun naiyak na naman kanina. HAYSSSSKakapagod na talaga.
Thursday, 22 January 2015
Entry 01/22/15
May mga tao talaga sa mundong ito na napakaTIBAY nga naman talaga. Yung kung makapagdemand akala mo kung sino. Anak ka ng PATIS , sino ka po para sundin ko? HELLo po sayo! Ano ka po nanalo sa LOTTO? at ako ang PREMYO? LOLs! Sorry po mga taong pilit na nagbabasa ng mga kung anu-anong bagay sa pahinang ito. Naasar lang kasi ako, nagiging maldita tuloy ako ng wala sa oras. Buti nga nakokontrol ko pa kung pagkaasar ko, kundi, nako po nakasakit na naman ako ng emosyon ng wala sa oras. HAYSSS bakit ba lagi nalang akong naiistress. MY GOSH! kakaloka na ito aa.. Dami-dami naman ng tao, WHY ME? OF ALL PEOPLE, WHY ME? potek makapag-emote lang wagas. ee BLOG ko namana to ee.. JOURNAL ko to, so WALANG BASAGAN ng TRIP. Tsaka pakelam ko ba sa inyo nuh, ano kayo? important of all important? Syempre hindi, bakit CLOSE po ba tayo? Syempre HINDI! Letche lang naman kasi. Ayos din kasi ng buhay mga pre, ha? Baka masaksihan niyo ang pagiging bitch mode ko.. Sige kayo, bahala kayo..
*EVIL *
Monday, 12 January 2015
Konting Tiis Lang - Entry (01/12/15)
Actully mahirap pa rin talagang mag-adjust ulit. Although sanay naman na ako ng ganito. Sa hindi ko ba naman alam na dahilan ay hindi pa ako natuto. Ang garang buhay nga naman oh.
Marami ng nagtataka kung bakit, pero hinahayaan ko na lamang. Ayoko na kasi pag-usapan pa. Buti nalang talaga may mga bagay akong pwedeng paglabasan ng sama ng loob. Hayssss ang buhay ng naman parang life.
Ang gusto ko lang mangyari, ay maisip nila yung pagkakamali nila. Dahil mula sa umpisa mali ang ginawa nila. Mali din na diktahan nila ang matagal ko ng kaibigan para lang layuan ako. For what? Why? Insecurities? The hell! Bakit di kaya sila kumuha ng booster, para maboost yung self confident nila. haysss.. PAti ako napeperwisyo sa kanila. Hindi ko namna dapat isipin ang mga ganung bagay. Relax oh my brain. RELAX ka naman muna, kahit saglit lang.
Matatapos din ito, ilang buwan na lang naman. Tiis nalang.
Tuesday, 6 January 2015
"FAKERS" - Entry (01/07/15)
Sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon, alam niyo ba kung bakit? Dahil po iyan sa mga taong, hindi ko maintindihan kung ano bang problema nila sa akin. Wala naman akong ginagawa, nananahimik na nga ako, kung anu-ano pang sasabihin nila. Kung alam lang nila yung nararamdaman ko. Gusto ko na sumabog kanina at sabihin sa kanila kung ano bang problema nila sa akin. Napaka-mapagkunwari na kasi ng pakitungo nila sa akin. Tinanggap ko sila na walang sinasabi, pero ganito yung pakitungo nila? Napaka-childish. Sana diba sabihin ng diretso sa akin. Hindi ee. Lumalabas ako ng classroom, diretso ako sa restroom kasi umiiyak na talaga ako, ang sakit na kasi sa dibdib, na wala naman akong ginagawa sa kanila. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Laslas pulso nalang!
Monday, 5 January 2015
Stress kasi ako! Entry (01/06/15)
Hindi ko malaman kung sino bang nag-isip ng pagpapahirap sa sakayan sa TALABA. Nakakaasar lang kasi, sobrang tagal bago ka makakasakay ng jeep pauwi. Tapos napakalayo pa ng U-TURN! Inayos-ayos pa ang daanan, hindi naman ginagamit, ano po iyon? Display? May intersections nga, mali nga naman ang pagkakalagay, pero sana ginagamit. Pero ayun nga pag pinadadaanan iyo, may taong nagtatrapik, hindi naman maayos, walang kasiste-sistema. Anak naman ng TOKWANG MAY PATIS. Ayusin naman ang buhay niyo oh.
Tapos mapapansin mo pa napakaraming mahilig mangotong ng mangotong doon, at parang balewala na sa lahat ng driver ng jeep yung mga ginagawa ng traffic enforcer dun. Hayssss, sorry po PEOPLE of the PHILIPPINES, ako po ay tao lamang, may mata na nakakakita, may tenga na nakaririnig, bibig na nakapagsasalita at kamay na nakapagtatype ng lahat ng ito. Blog ko po ito, wala po tayong pakelamanan; naiistress kasi ako kaya ganito.
Imbes kasi na nakauwi na agad ako kagabi, hindi agad nakasakay! MGA PAMBIHIRA nga naman kung mag-isip, hindi man lang isipin kung anong mangyayari. SOBRANG TRAPIK PA! ANO YAN? EDSA? TOKWA talaga. Kung hindi ka aalis ng ubod ng aga sa bahay, malelate ka talaga sa mga pupuntahan mo, sa sobrang trapik.
Nako naman po, 2015 na po.
Entry 01/05/15 (Back to School after Christmas Break)
Unang araw ng pasok para sa 2015, aba syempre naman napaka-aga ko gumising; mga dalawang beses nag-alarm yung cellphone ko. Ang saya diba?
Anyway, pumasok kao ng pagka-aga, 6:30am nasa school na ko, kasi nga 7am nga yung klase ko, tapos WALA PALANG PROF.!! THE "F" diba? Anong oras yung next class ko 12pm pa.. NGA NGA naman si AKO mga people of the PHILIPPINES. Pero ganoon pa man, nagpunta nalang kaming LUNETA. Ganoon pa din, NGA NGA naman ulit si AKO. Asan ang pangtanggal BORING? Omeyghed.
Pagdating ng 12pm, NGA NGA ulit. Waley wenta, waley natutununa, waley tinuro. Nakakaloka na talaga.
Pero infairness, bumawi naman last subject ko, ayun masaya naman. Kahit papano okay naman.
Yung mga imbyernang fishy na mukhang frogiduck, syempre waley na ko pakelam sa kanila, 2015 na noh! So bahala na sila mainis sa GANDA KO! !!
Sunday, 4 January 2015
Entry 01/04/15
Dito nalang ako maglalabas, :(
Sa totoo lang nalulungkot ako, kasi naisip ko lang, mahal nga namin ang isa't isa hindi naman kami pwedeng magkasama ng kahit isang buong araw lang sana. Gusto ko kasing makasama siya, makabonding. Ang daming bagay na gusto kong sabihin sa kanya, madami akong kwento sa kanya. Paano? walang time ee.
Naiinitindihan ko naman siya, dahil syempre may trabaho siya at commited siya sa trabaho niya. May time pa rin naman siya sa akin, pinakamatagal na ata ay dalawang oras sa nagkasama kami. Pero okay lang naman kasi, naappreciate ko yung paggawa niya ng time para makapagkita kami. Malungkot lang ako, kasi gusto ko siyang makadate, gusto kong magdate kami, kahit isang araw lang na wala siyang iniintindi kundi kaming dalawa lang. Kasi ako, gagawa ako ng paraan, para ibakante lang ang araw na iyon. makasama lang siya. Ganoon ko siya kamahal.
Mahal na mahal.
Subscribe to:
Posts (Atom)