Friday, 4 July 2014

Ako na Basang-basa sa Ulan

Another story of my life! hahaha
Welcome to my page! Hi sa mga readers ko! (gumaganon na ko)
July 3, 2014


Out ko sa klase is 7pm, umuulan sa Manila pero mahina palang. Nagmadali na ako, dahil baka abutan ako ng baha doon, as usual bumabaha kasi doon pag naulan, at dumarami ang tao. I decide na mag- LRT nalang ulit from Central Station to Baclaran Station, kasi wala na naman masakyan sa PARK N RIDE! Madaming tao pagdting ko doon, nakakaloka lang. Doon ako sumakay sa ladies section. Malakas na ang ulan ng makarating ako sa baclaran, sakto lang para makapaglakad ka pa. Mahirap makagalaw at makadaan kasi naman samu't saring mga bara sa daan, mga tao, tindera, at mga paninda nila. Pataas na yung tubig doon, it means bumabaha na! Ang dahilan ng mga tao doon, wala daw kasing kanal doon. Sa isip ko naman, ANU KAYA IYON? BASTA MAKAGAWA NALANG NG DAAN AT KALSADA HINDI NA IISIPIN KUNG PAANO MAGKAKAPROBLEMA GAYA NG PAGBABAHA? Kalookohan talaga kung minsan. Hay nako! Naexperience ko din ng gabing ito ang nakakalokang pagbulwak ng tubig sa ilalim ng lupa. may butas na din naman ganoon kalaki, mga 2 inches lang ata yun, pero malakas na kumawala ng tubig doon. around 8pm na ito. Nabasa na nga yung likod ko ng ulan kahit na nakapayong ako, dahil malakas na talaga ang ulan. Since, nabasa na din ako, ituloy-tuloy na; lumusong na ako sa baha, kasi baka naman hindi na ko makauwi sa amin. so basang basa na ang pantalon ko, at partida nakasapatos pa ako at may medyas pa, ANG SAKIT KAYA SA PAA! So ayun naghanap muna ko ng masisilungan kasi hindi ko na talaga kaya yung lakas ng ulan at mahangin pa, giniginaw na nga ako noon ee. OO NA KAWAWA NA AKO, ISA NA AKONG BASANG-BASA SA ULAN NA DYOSA! Tumitingin tingin parin ako ng masasakyan kahit medyo hopeless na ako na makasakay! At ayun! may nakita ako na masasakyan! pero bago makarating doon, bababa ako sa baha! Ay nako, gusto ko na kasi talaga umuwi kaya bahala na, maliligo naman ako pagkauwi! so ayun, basa talaga ako ng mga time na iyon at giniginaw. At least safe naman ako nakauwi sa bahay, kaya okay na iyon!

No comments:

Post a Comment