Thursday, 3 July 2014

So STRESSED ! Pilipinas!

Bakit nga ba masyadong namomroblema ang bansa? Minsan kasi napapa-isip ako kung bakit ang daming problemang hindi naman dapat pinag-iintindi. At wala namang problema, pero pilit na ginagawan ng problema. Para tayong siraulo. ADIK NA NAKASHABU PA! 

Minsan sumakay ako ng jeep, hindi aalis yun hangga't hindi puno,minsan puno na ipipilit pa din na hindi pa at kulang pa; basta kumita lang wala ng pakielam sa mga taong nakasakay sa jeep niya. Kung hindi dahil sa mga taong iyon wala siyang kikitain. Kung minsan naman may mga driver pa na nakikipag-away sa pasahero, na halos palayasin na niya yung pasahero, at may mga kaskasero din na halos nasa karera kung magmaneho, may balak pa ba kaya sila buhayin ang mga taong nakasakay sa jeep niya? Hindi ba parang tanga lang? May mga driver din na dang bibinge, pero kung magpatugtog ang lakas! kaya kapag may pumara, hindi naririnig, kaya ang layo ng binababaan, kung minsan nagbibingibingihan nalang! Nakakaburyo kaya yun. Nakakastress maglakad , kaya nga sumakay ng jeep para hindi na maglakad ng malayto, tapos ibababa ka niya sa malayo? My Goodness! 

Sa kalsada naman, ang trapik nakakastress, lalo na kung yung traffic enforcer isang lane lang yung pinapalagpas, yung tipong late ka na tapos hindi gumagalaw yung sinasakyan mo? BADTRIP YUN! NAKAKASTRESS! may mga traffic lights bakit hindi gamitin? Anu iyon display? , na kung kailan eleksyon tsaka gagamitin para masabing may mga napagawa? bubuksan kapag ilang buwan nalang at eleksyon na at saka ipagmamalaki? MY GOODNESS! PILIPINAS NGA NAMAN! 

Sa eskwelahan naman may mga bagay na nakakastress talaga, yung tipong my quiz kayo na super hirap, tapos ipapasa daw agad iyon; tapos ppigain mo yung utak mo para masagutan lang iyon, tapos nung natapos ka na; biglang next meeting nalang daw ipapasa! nakakastress nga naman talaga iyon! PILIPINAS NGA NAMAN! wala ganto nalang talaga ata, kahit walang namang dapat problemahin nagkakaroon at nagkakaroon.

GANOON TALAGA NASA PILIPINAS TAYO EE!

No comments:

Post a Comment