Saturday, 12 July 2014

Entry (07/12/14)

Nakakatuwa lang sa isang buong linggo ng kamalasan ko may humabol pa din namang swerte.


Bakit ko nasabing malas yung ibang araw ko? Simple lang, nawalan ako ng libro, at ng payong, muntik pa kong hindi makauwi, dahil umulan ng malakas, at na-late ng bonggang-bongga sa MAJOR ko, nahuli pa ang FX na sinasakyan ko, kaya muntik na naman akong ma-late! Diba badtrip iyon! Napagalitan pa ako dahil sa mga nawala kong gamit! Nakakaloka kaya iyon!


May swerter pa din naman kahit papaano, humabol ang FRIDAY ko! Akala ko talaga sunod-sunod na ang kamalasan ko at mag-shi-shift na kong tuluyan ng course. NAWAWALAN NA KASI AKO NG PAG-ASA SA EXPERIMENT NA PINAGAGAWA SI SIR SA AMIN. Pero ang nakakatuwa, at 11am, almost 30mins nalang time na namin; NAGAWA KO NA YUNG EXPERIMENT NG MAAYOS!  Nakahabol pa ako para makapagpacheck ng experiment! SA WAKAS MAKAKAPAGPASA NA DIN AKO NG REPORT! Hindi ako babagsak dito. KAYA KO ITO! TIWALA LANG! hahah


No comments:

Post a Comment