Yung gigising ka sa umaga na, computer agad ang hanap mo kahit na hirap ka huminga. Eto ang buhay ko ee.. hala sige post lang! Ngayon, bukas, at sa mga susunod na araw. Nakababaliw lag kasi, kapag hindi ko nailabas lahat ng nasa utak ko. Masyadong malawak ang utak ko lalo na pag ganitong tanghali pa ang pasok ko.
Napapansin ko lang naman, talamak na ang mga masasamang loob sa mundo (IPATAPON NA SILA SA URANUS). Ano bang napapala nila sa mga ginagawa nila? Mga taong wala naman ginagawa sa kanila, pinagkakaisahan nila ang ginagawan ng mga masasama.
May mga taong tatanga-tanga, nung nakaraan may nabasa akong article tungkol sa babaeng nagpost para ibenta ang virginity niya sa halagang 50000 pesos. Joke lang daw yung post niya, hindi niya akalaing magiging viral. TANGA! Inisip niya kaya na sa panahon ngayon maraming tao ang magkakainteres doon. Dahil sa post niya napasama ang lagay niya, pinagbantaan ang family niya, kung anu-ano pa; maging taga-ibang bansa kinontak siya. Nakakaloka na talaga mga kabataan ngayon panahon na ito. ANG DAMING TANGA SA MUNDO.
May nabasa din akong article tungkol sa lalaking nagpakamatay sa mall dahil nakita na niya ang kanyang girlfriend sa unang pagkakataon, akala niya daw maganda yung babae yun pala hindi. Grabe aa.. ANG GWAPO NIYA ha? Edi sana hindi siya nakikipagrelasyon sa mga taong hindi niya pa nakikita. DINAIG NIYA PA AKO NA MAY IMAGINARY GROUP OF FRIENDS! Nakakaloka ha!
Sa panahon ngayon kasi napakalawak ng gamit ng mga TEKNOLOHIYA! Makapag-imbento nga ng isang microchip na may nakakabit na kung anu-anong virus na konektado sa isang software sa computer. kung saan ako mismo ang mag-ooperate ng chip na iyon tapos MATINDING PAHIRAP MUNA ANG GAGAWIN KO SA ISANG MASAMANG TAO NA NALAGYAN NG CHIP NA IYON BAGO SIYA MATUTULUYANG MAMATAY SA VIRUS! hahahahahah
Ang lawak ng utak ko! ELECTRONICS STUDENT AKO EE!
No comments:
Post a Comment