Sunday, 13 July 2014

Entry (07/13/14)

Maraming nagsasabi na bakit pa daw ako nagpapagod. Bakit daw inilalagi ko ang sarili ko na may mga pinagkakaabalahan gayong mahina na ang pangangatawan ko minsan? Nung nakaraang Biyernes, nakaramdam na naman ako ng hindi maganda. Natutulog lang ako, ng bigla na naman akong atakihin ng sakit ko. Nanginginig na naman yung katawan ko at ang bilis ng tibok ng puso ko, halos nahihirapan na akong huminga at nawalan na naman ng pwersa ang kaliwa kong kamay. Nakakatakot kaya, pero kinaya ko pa din. Ang hirap ng sitwasyon ko na pagnatutulog ako, tsakaako susumpungin. What if hindi na ako magising? What if na hindi ko na kinaya? Ano na kayang mangyayari? Hindi natin masasabi. Kaya ito ako, tinatanggap kung ano ang nangyayari sa akin. Siguro nga naging masama ako kaya nangyayari sa akin ito. Ngayon, habang inilalagay ko ito sa blog ko, nahihilo na ako, namumutla dahil bumababa na naman ang blood pressure ko. Kanina, umiyak ako, kahit bawal, umiyak ako. Masakit na kasi ang pisikal ko, pati ang emosyonal ko. Nagmamahal kasi ako ng isang taong nawala nalang bigla sa akin. SAKLAP ba? SAKLAP nuh? wala ee., ganto talaga, tanggapin nalang.

No comments:

Post a Comment