Monday, 21 July 2014

LOVE


Love?


Ano nga bang parte mo sa buhay ko? Ano bang pakelam ko sayo? Mabubusog at yayaman ba ako sayo? Hindi naman, diba? Ee bakit pinahihirapan mo ako? Bakit ang ilap mo? Bakit nasasaktan ako ng dahil sayo? Pambihira naman, kung bakit ba naman kasi hindi iyan tinuturo sa school. Lahat ng tao nagiging bobo at tanga pagdating sayo. 

Ito kasi yung kahit sino hindi kayang bilhin. Ito kasi yung bagay na napakaraming nagagawa sa buhay ng tao. Nagiging dahilan ito upang magbago tayo. Ito yung nagbibigay ng pag-asa kung minsan. Ito yung naghahatid ng saya, pero minsan lungkot at sakit. 

Sabi nila ang sarap mainlove, ang sarap daw magmahal. Oo, masaya nga, masarap ng magmahal, kung mahal ka din ng taong mahal mo. Kung hindi naman, sakit ang aabutin mo. Mahirap magmahal ng taong alam mong kahit kailan hindi magiging sayo. Mahirap magmahal ng taong hinding hindi ka kayang tanggapin. Mahirap magmahal lalo na kung alam mong wala kang aasahan.


Bakit ganoon? Pagmamahal nga diba? LOVE nga diba? Bakit kailangan masaktan? Bakit kailangan mahirapan? Bakit kailangan malungkot at umiyak? Kasi TANGA tayo pagdating sa love. Wala tayong alam gawin kapag nagmamahal tayo, nagiging sunud-sunuran tayo sa puso natin. Nawawala ang utak natin. Wala ee, mas matimbang ang puso kaysa utak. Ang hirap labanan ni puso.

Pero narealize ko lang, based on my experience. Ang daming nangyari sakin dahil sa pesteng pagmamahal na yan. Nagawa kong magtangkang magpakamatay dahil dyan. Bakit? Dahil pakiramdam ko walang taong nagmamahal sakin ng totoo. Lahat ng tao ayaw sa akin. Niloloko ang ng mga tao at mga akala ko kaibigan ko. May mga taong kinukutya ako. Mga taong pilit na ibinababa ang pagkatao ko. Naging mahina ako noon dahil iniisip ko at pakiramdam kong nag-iisa lang ako. Na bakit ganito, ganiyan, bakit lagi akong nag-iisa? Na bakit ayaw nila sa akin? Bakit lagi ako pinagkakaisahan ng mga tao sa paligid ko?

Nagawa kong magbago dahil sa love, may mga taong kasi sadyang abusado. Alam nilang mahal mo sila at mabait ka, they just take it for granted. Lahat ng naging kaibigan ko, binibigay ko ang 100% tiwala ko, pero ilan lang sa kanila ang mapagkakatiwalaan. Ilan lang sa kanila ang totoo. Masakit yung nagawa kang lokohin ng mahal mong kaibigan. Sobrang sakit para sa akin, na pagtawan ng tao, pag-isipan ng masama ang sabihan ng mga masakit na salita. Sobrang hirap ng naging buhay ko. Wala ee, mag-isa lang ako lagi ee. Kung may boyfriend ko, mapapasaya niya kaya ako? Mapapatawa niya ba ako? Mapagagaan niya ba ang loob ko sa tuwing mabigat ito? Handa niya bang saluhin yung luha ko kapag hindi ko na kaya at gusto ko ng umiyak? Maraming nagtangka, pero hindi nila nagawa. Sila pa ang naging dahilan kung bakit nasaktan ako.

Pero may natutunan naman din ako, na kailangan ko palang kontrolin ang sarili ko na magmahal agad, o ipakita ang pagmamahal ko sa isang tao. Bakit? Kasi gusto ko na makasiguro na handa akong mahalin ng taong mamahalin ko. Na handa akong samahan at bigyan ng konting oras at importansya. Gusto ko yung taong handang ibigay sa akin ang mga katawan niya para yakapin ko. Handang ibigay ang laylayan ng damit niya pag umiiyak na ako. Handang maging suklay ang mga kamay niya sa tuwing magulo na ang buhok ko. At higit sa lahat handang ibigay ang mga labi niya upang iparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa.

Simple lang naman, ngunit bakit napakahirap atang hanapin iyon? Sa ngayon, hindi ko naman na kailangan hanapin iyon. Kusang darating yan sa akin. Basta ako, magiging masaya nalang muna ako. 

No comments:

Post a Comment