Ang buhay, parang sugal, hindi mo alam kung ano ang mangyayari, kung mananalo ka ba o matatalo. Tsambahan lang, parang bahala na kung ano mangyari. Hindi naman iyan ang gusto kong iparating. Kung ang imahinasyon ko lamang ay nailalabas ko kaagad, siguro ang dami ko ng nailikha.
Gusto kong lumikha ng isang bagay na kaya akong ibalik sa nakaraan upang maibalik ko ang bagay na nawala sa akin, gusto kong baguhin ang hinaharap kung saan, masaya akong nabubuhay bilang ako na walang taong sumira ng mga ninanais ko. Gusto kong ibalik ang lahat-lahat, ang mga kaibigan ko, ang buhay ko at ang ako. Gusto kong ibalik ang malakas na ako, ibalik ang dating ako.
Gusto kong lumikha ng isang bagay na kayang tanggalin ang lahat ng sakit at galit sa puso ko. Gusto ko yung wala na akong mararamdamang sakit at galit. Hindi yung tipong manhid na wala ng maramdamang kahit anong emosyon sa buhay, ang ayaw ko lang maramdaman ay ang sakit at galit sa puso ko. Gusto ko masaya lang ako, gusto ko parang bata lang na walang sakit na iniintindi sa buhay, yung pakiramdam na malaya ka sa lahat ng bagay sa mundo.
Gusto kong lumikha ng isang malaking telebisyon kung saan makikita ko ang lahat ng maling nangyayari sa buhay ko, mga taong mali ang ginagawa sa tuwing nakatalikod ako, yung makikita ko at malalaman ko kung ano ang mga masamang binabalak nila laban sa akin.
Gusto kong lumikha ng isang aparatus na nagkokontrol ng mga panaginip, gusto ko kasi pawang magaganda lamang ang mga mapapanaginipan ko. Gusto ko yung laging may ngiti sa labi ko sa tuwing babangon ako sa umaga. Napakasarapa kaya sa pakiramdam ng ganoon. parang heaven ang feeling.
Gusto ko din ng isang instant ng microchip na ilalagay sa utak ko, upang lahat ng kagalingan at kaalaman ay pumasok sa utak ko, ng sa ganoon ay magawa ko lagat ng gusto ko. Mas masaya iyon! Ano kayang mangyayari sa akin, kapag nagkatotoo lahat ng mga ninanais ko? Lahat ng mga nasa imahinasyon ko? ANG LUPET DIBA?
Sa ngayon, iisipin ko nalang muna ang lahat ng ito, malay ko ba baka magkatotoo ang lahat ng ito. TIWALA LANG!
No comments:
Post a Comment