Saturday, 5 July 2014

I like to stay "KANLURAN"

Sabi nila, ang mundo daw ay bilog. Sa tingin ko, oo nga bilog nga talaga ang mundo, at paikot-ikot lang tayo sa mundong ito. Anong konek nito sa isip ko? Wala! as is WALA! may masabi lang.


North, East, South, at West, mga pangunahing direksyon, may nadagdag pa, NorthEast, SouthEast, SouthWest, at NorthWest. Ano ulit konek nito? WALA PA RIN! (MEMA) memasabi lang! 


Sa totoo niyan may kaugnay talaga, kung paano? HINDI KO DIN ALAM! Ang gulo ko no? Pansin ko nga.


Ang araw ay sumisikat sa Silangang bahagi ng mundo, at lumulubog naman ata ang puso ko kay KANLURAN! Nako mali at, lumulubog pala ang araw sa Kanluran. Bakit ba sa kanluran pa dapat lumubog? pwede naman sa Hilaga o sa Timog, eh bakit kay KANLURAN pa? Simple lang kasi siguro sa effort nya, at sa ginagawa niya. Sa sweetness niya at sa caring niya. Nako KANLURAN! Nakakawindang naman, puntahan ko kaya ang kanluran at para isigaw na gusto ko doon? Ano kaya? Hindi ko alam!

No comments:

Post a Comment