It's for You ! (READ THIS)

Malamang wala na akong mukhang ihaharap sayo nito. Nararamdaman ko na ang hiya ko! T_________T
Sa mga oras na ito alam kong nandyan ka na naman at nagbabasa ng blog na ito, gusto ko lamang sabihin sa iyo na masaya ako kasi andyan ka pa rin at nagtyatyagang basahin ito. Nandyan ka pa din at matyagang naghihintay, nakakatuwa kasi napagtyagaan mo ako. Pero sa totoo lang masaya talaga ako kasama kita.
Yung time na vaccant natin pareho, lagi kang nandyan walang sawang sinasamahan ako; na - a- appreciate ko yun noh! Ayaw ko lang masyado ipakita kasi nga gusto ko munang makasiguro sa lahat. Syempre sa totoong nararamdaman ko. I really can't explain my happiness ang saya ko sa tuwing andyan ka. Kinikilig ako pag kausap kita. Sa tuwing hahalikan mo ang ulo ko kapag magkakalayo na tayo. Sa mga oras na nagiging OA ka sa pag-aalala mo. Lahat iyon nararamdaman ko. MASAYA AKO.
Gusto kita, OO na GUSTO NA KITA! Nakakainis man aminin, pero nakuha mo na ang loob ko. Ikaw na talaga! Sana saluhin mo ako, kung sakaling mahulog man ako sa iyo ng tuluyan.
I wanna be with you everyday. That's for now.
No comments:
Post a Comment