Sunday, 27 July 2014

Ang Buhay ng Tao

                       

May mga bagay na sadyang nakakaasar at nakakagulat lang kapag nalalaman mo at nababalitaan mo. Nakakagulat lang dahil yung mga taong nagpapakababa sa akin noon ang siyang nasa ibaba ngayon. Iyan ang katotohanang hawak natin ang ating kapalaran. Ito rin ang makapagpapatunay na dapat na hindi magpaapekto sa mga taong pilit na ibinabagsak ang pagkatao mo.

May mga tao kasi sa atin na sadyang mapanghusga ng kapwa nila. Mga taong ang tingin nila sa sarili nila ay akala mo ay perpekto na. Walang taong perpekto alam natin iyon. Lahat ng tao ang may kanya-kanyang katangian at responsibilidad sa buhay. Ang iba naman ay nabubuhay upang sirain ang kapwa nila. Ano pa kayang plano nila sa buhay nila bukod sa manghusga ng kapwa nila? Bakit kaya hindi nila subukang tignan muna ang mga sarili nila sa salamin bago sila manghusga ng kapwa nila. Grabe, napakaperpekto nilang klase ng tao.

Ang mundo ay umiikot, at ang oras ang hindi humihinto. Ang kapalaran ng tao ay nasa sariling palad niya, hindi niya dapat iasa sa iba. Hindi dapat yung magpapapekto ka sa sinasabi ng iba, ang mahalaga alam mo kung sino ka. Kagaya ko, ilang beses akong ibinababa ng mga tao sa paligid ko. Sinasabi nila na hindi ako makakaaabot sa pag-aaral ng kolehiyo, na ako daw ay mag-aasawa ng maaga. Pero heto ako ngayon at nag-aaral, SINGLE at walang iniisip ng bibilhan ng gatas. Napakamapaglaro ng kapalaran, hindi mo basta lang mahuhulaan ng hinaharap. Nasa tao kasi kung ano ang magiging resulta ng kanyang kapalaran. 

Ang buhay ay parang isang laro o sugal nasa tao na ito, kung lalaban ba o susuko nalang. Isa itong hamon na ibinigay sa lahat ng tao. Ito ang hamon na kung saan, sino ang aangat, at kung sino ang bababa.

No comments:

Post a Comment