Sunday, 6 July 2014

The Most Romantic MOMENT for Me? (Requested)

There's a lot of thing para masabi kong romantic moment talaga.


Yung tipong kakantahan ka ng taong mahal mo, ayun romantic na sa akin iyon, SWEET pa! Lalo na yung favorite song mo pa or any love song na kikiligin ka talaga. Mabilis kasi ako talaga kiligin sa taong kumakanta.Kahit sintunado? Yeah kahit sintunado, kahit wala sa tono or as in walang talent sa pagkanta. Basta gusto ko lang na kinakantahan ako. Lalo na yung over the phone, masarap kasi sa pakiramdam. Most specially kapag matutulog na ako. Gusto ko kantahan niya ako, hanggang sa makatulog ako. 


Romantic na din para sa akin yung, papasyal sa park tapos magkahawak kami ng kamay, tapos masaya na nagkukwentuhan. Then kakain kami doon, like picnic something nakakakilig yun super. Then hihiga kamipag madilim na just to watch those stars, ANG ROMANTIC SUPER! 


Tapos yung matutulog kami ng magkatabi at magkayakap, (pero nothing happen). At gigising ako sa umaga na mukha niya una kong makikita, tapos kakain kami ng breakfast na hinanda niya para sa amin. Ang sweet nun. NAKAKAKILIG! 


Syempre most of all, yung bibigyan niya ako ng love letter as a gift. AYUN  ANG PINAKA-ROMANTIC SA LAHAT!

No comments:

Post a Comment