Ang sarap ng feeling kapag alam mong may mga taong handang sumuporta sa'yo sa kahit anong bagay. Yung tipong andyan lang parati sa likod mo at tatapikin ka sabay sabing, "KAYA MO IYAN".
May mga taong mapaghangad ng isang bagay sa isang tao, gaya ko naghahangad ako ng isang bagay na dapat ipakita sa akin ng taong malapit sa puso ko. Sa totoo lang sapat na sa akin na maramdaman ko na importante ako sa kanya, sapat na sa akin na andyan sya at handang sumuporta sa akin emotionally. WHY? Emotional kasi akong tao, ako iyong mabilis magtampo at malungkot. Ako yung taong hindi mo pwedeng paglihiman ng totoong nararamdaman mo. Kung masaya ka at o hindi sa mga nagagawa ko, sabihin mo kung ano ang totoo. Ayaw ko kasi na handa ka pang magsinungaling para maging masaya ako; para sayo lang. Hindi ako masaya sa mga taong sinungaling. GALIT NA GALIT ako sa mga ganya. AYUN LANG!
Gusto ko talaga yung taong nagmomotivate sa akin para tumaas yung confidence ko. Ang saya kaya nun!
IKAW BA IYON?
No comments:
Post a Comment