Monday, 21 July 2014

Ang Lungkot Naman

Normal na araw lang sana ito, pero bakit hindi. Naiinis ako sa mga hindi ko maintindihang dahilan. Naaasar ako sa sarili ko, dahil naibigay ko yung mga bagay na hindi naman dapat kasama doon. Ano ng gagawin ko nabasa na niya lahat ng iyon. Topak talaga ako! HAYSS. Ngayon talagang hindi na ako makakaharap sa kanya. Bukod sa wala namang magandang dahilan, hindi ko din alam kung paano.


Ano bang laman ng mga nandoon? MADAMI YUN! Baka magsawa ang makakabasa noon. Wala sigurong magtyatyaga magbasa noon. Ako lang ata matyaga magsulat ng ganoon. 


Gusto ko na naman umiyak, bakit ganoon? Ang lungkot ko sobra, nung nakita ko yung mga mata niya, ang sakit tignan. Bakit ganoon? Ang sakit sakit? Ramdam nyo ba? Ang drama ng buhay ko no? Ee sa masakit talaga ! Tagos sa puso ko. Gusto umiyak, kaso, ayokong ipakita na nahihirapan na ako. Ayokong ipakita na nasasaktan ako sa mga nangyayari. Kaso, paano? Nahihirapan na akong itago na napakahina ko talagang tao. 


Sana lang talaga magbago ang ihip ng hangin, lumakas, yung sobrang lakas. Tapos tatangayin ako sa isang mabatong bundok at ihahampas ang utak ko; baka sakaling makalimot ako. Makalimutan ko kung anong pakiramdam ng masakit. Hayss. 

No comments:

Post a Comment