Tiwala (MAGTITIWALA KA PA BA?)
Trust? ito yung isang bagay na pinanghahawakan ng isang tao para sa isang tao na maaaring importante sa kanya. Ito iyong dapat na ingatan sa isang relasyon na kapag nawala kasabay na rin ang isang magandang relasyong nabuo. SAKLAP nun diba?
May mga taong pilit na inaabuso ang tiwala ng isang tao sa kanya. Gumagawa ng isang bagay na ang laging nasa isip, HINDI NAMAN NIYA IISIPING GINAGAWA KO ITO, MALAKI ANG TIWALA NYA SA AKIN. Ayun lang! "TAONG WALANG KONSENSYA AT MAPAGSAMANTALA"
Ingatan dapat ag isang bagay na siyang nagpapatibay ng isang magandang samahan, hindi iyong sisisrain at dudungisan mo.
Parang sa politika lamang iyan, na kung saan ang mga nailuklok ang siyang pinagkakatiwalaan ng bayan sa pamamahala at pamamalakad ng bayan at bansa natin. Ngunit sa panahon ngayon ay nasasangkot sa samu't saring akusasyon at mga paratang na pang-aabuso sa kaban ng bayan. Buong tiwala ng mamamayan ang ibinigay sa kanila ngunit kanilang sinira. Hanggang ngayon ay nililitis at hindi maintindihan kung sino nga ba ang tunay na nagkasala sa bansa. Tiwala ang puhunan, nang nawala, PANGALAN ANG NADUNGISAN. Kagaya lamang din iyan ng ibang taong nababalitaan natin sa telebisyon, mga trahedyang nangyayari sa loob ng pampublikong sasakyan gaya ng taxi. Nagtitiwala tayo ng lubusan sa taong nagamamaneho nito, na tayo ay ligtas habang nakasakay dito, hindi natin alam na marami ng iba't-ibang modus ang mga kawatan ngayon. Marami pang ibang masamang nangyayari sa lubusang pagtitiwala sa isang tao, kilala mo mang lubusan o hindi.
Hindi madaling anihin ang isang tiwala ng tao. Hindi ito na isang bagay na nakuha mo na bigla mo namang itatapon. Pakaingatan dapat ito, isa itong bagay na importante sa lahat ng tao. Isa itong bagay na hindi nabibili ng pera o napapalitan ng kung anu-anong bagay lamang.
No comments:
Post a Comment