Hindi ko alam kung paano ko nagawang makauwi kagabi, sobrang sama talaga ng pakiramdam ko at nahihilo na ako kagabi. Anong gagawin ko, may trangkaso na nga ako, nagpaulan pa ako., TANGA ko nuh? Kaysa naman hindi ako makauwi diba? Baka bigla pa akong magcollapse, mahirap na. Nagsabay-sabay na kasi. Buti nalang pagkauwi ko, may ulam na may sabaw, atleast makakakain ako, isang buong araw kasi akong hindi kumain. Uminom ako ng gamot, kaso waepek pala. Grabe super WASTED talaga ang pagmumukha ko kagabi. Pero nagawa ko pang gumawa ng report na pinasa ko kanina sa major ko. PAANO NANGYARI YUN? Nagpadaldal lang ako sa kapatid ko, para hindi ako tuluyang bumagsak; although nabibingi na talaga ako kagabi dahil sa masama nga pakiramdam ko. Pag-gising ko, sobrang sakit ng lalamuna ko, kinabahan na agad ako. Mahirap na kasing magpanggap na okay ako pag-ganito na ang boses ko. MALAS! BUHAY!
No comments:
Post a Comment