May mga bagay na sadyang hindi natin kayang maintindihan. Kagaya ngayon, may mga bagay akong hindi maintindihan. Bakit kaya ganoon? (EXPLAIN PLEASE)
Nagtataka na talaga ako, everytime na may magugustuhan ako, kailangan talagang masaktan ako. Ang sakit pala na iwasan ka ng taong unting-unti mo ng minamahal. At least maaga palang naramdaman ko na at alam ko na ang kinahantungan nito.
Akala ko, siya na makakapagpabalik sa akin sa mundo, akala ko siya na yung makakatulong sa akin, akala ko lang pala ang lahat.Ano bang mali? Masama ba ako? Pangit ba ako? Bakit ganoon? Bigla siyang nagbago at nawala? Para siyang bula na tinangay ng hangin.
Sana joke lang ang lahat, sana hindi ito nagyayari. Sana tulog pa din ako at nananaginip lang. Sana nga lang talaga. Pero malabo, ang lahat ay pawang katotohanan. Napakasakit ng katotohanan.
Ngayong araw na ito, nagpapasaya na akong iiwasan siya. Dahil hindi ko alam kung kaya ko pa harapin ang taong tumalikod na sa akin, ang taong akala ko sasalo sa akin. Hinayaan lang niya akong bumagsak at masaktan at umiyak. Tama na siguro, ito na nga siguro ang hudyat para isara ko muna ng tuluyan ang puso ko. Isara pansamantala, upang hindi ako masaktan ng ganito.
Pero nagpapasalamat din ako sa kanya kahit papano, naging masaya naman ang mga araw ko na kasama siya. Kahit papaano, naramdaman ko na ako pa din ito dahil hindi naman pala ako ganon kabato. Na kaya ko pa palang magmahal at masaktan.
Mahal na sana kita, kaso hanggang dito nalang pala.
No comments:
Post a Comment