I lost my LOVE
Isang araw na patay na naman, nakakalungkot talaga pag ganito, namimiss ko yung taong laging nandyan sa tabi ko, SHOCKS! naiiyak na naman. Nahihirapan na naman ako mag-adjust, sabagay kaya ko ito. Kung para sya sakin, magiging akin siya, kung hindi, wala na akong magagawa pa doon.
Sana alam niya kung saan ako pwedeng puntahan. Yun nga lang, gusto niya ba kaya akong puntahan? Paano kung hindi? Umaasa na naman ako? Pigil na naman ang luha, nako naman, pati ba naman dito sa loob ng shop ako magkakalat ng lungkot ko? Pero bakit ganoon, umaasa pa din akong pupuntahan niya ako? Bakit umaasa pa din akong makikita ko siya? Na mayayakap ko siya kahit sa huling sandali lang? Hindi naman siguro masamang umasa muna ako kahit hanggang ngayon lang, wala naman sigurong mawawala. At hindi ko naman ito pagsisisihan kasi gusto ko rin naman ito. Umaasa ako kasi anong malay ko ba,na baka magkatotoo yung nais ko.
Ang hirap kaya magpigil ng luha, buti nalang naka-contact lens ako, kahit papano, aakalain nilang masakit lang ang mata ko kaya nagluluha. Pero ang sakit na ng dibdib ko sa pagpipigil ng sakit na nararamdaman ko. Kaya ayokong mahulog agad ee, kasi alam ko na lalagpak lang ako at masasaktan. Sana natuluyan nalang naging COLD ang puso ko. Bakit kasi ibinalik muli sa akin ang pakiramdam na nagmamahal? Ang sakit tuloy. Bakit nga ba ako nasasaktan ng ganito? TANGA ko kasi ee.
Miss ko na siya. Alam niya kaya iyon? Ramdam niya kaya iyon? Naiisip niya kaya ako? Naalala niya kaya ako? Gusto rin ba niya ako makita? Kahit saglit lang? Gusto ko matitigan ang mga mata niya. Gusto kong sabihin sa kaniya ang nilalaman ng puso ko. Pero paano? Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na mahal ko siya kahit alam kong wala na siyang nararamdaman para sa akin. Kahit alam kong hindi na niya ako gusto. At least kahit iyon lang nagawa kong sabihin sa kanya.
Ang drama ko noh? Wala ee, ganito talaga pag palaging mag-isa sa buhay. Walang kausap, konting kaibigan, lahat pa busy. Buti nalang may napaglalabasan ako ng saloobin ko. At least kahit papaano, hindi naiipon sa dibdib ko. Pero sana lang, maging masaya na ako. Nakakapagod na kasing lumaban sa araw-araw, habang nararamdaman ko na pahina na kong pahina.
No comments:
Post a Comment